CHAPTER 3

1451 Words
VERA I was shocked when someone pulled my hair. I immediately ran out of patience. Hindi ako ang tipo ng tao na basta-basta papayag na masaktan. “Malandi ka!” sigaw ng babae. Agad ko siyang nakilala. She is the one and only Nicole Alcomendras— Denver’s wife. Since naitayo niya na ako, I was able to kicked her in the right knee. Nawalan siya ng balanse kaya napaluhod siya. Nabitawan n'ya na rin ang buhok ko. “What is she doing here?” I asked angrily. Ngunit nang nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Denver, kumalma ako. “I am so sorry Mister Alcomendras and Ma’am Estela Gan. Miss Alcomendras attacked me first and left me no choice but to fight back,” explain ko sa kunwari nahihiyang tono. But the truth is… Gusto kong basagin ang mukha ni Nicole. “Kami ang dapat humingi ng pasensya sa iyo, Miss San Miguel,” saad ni Denver habang tinutulungan niyang tumayo ang mukhang palaka na babae na nasa harapan ko. Lumapit sa akin ang mommy ni Denver. She checked me physically. “Are you alright, hija?” she asked. “Would you like me to bring you to the hospital?” “Don't bother, ma’am,” I replied. “Siguro i-set na lang natin next time ang meeting na ito,” I suggested. “Next time? Para ano? Magkaroon ka ulit ng pagkakataon na makausap at malandi ang asawa ko?” Nanlilisik ang mga mata ni Nicole habang sinasabi iyon. “No way! Hindi ako papayag na…” “Nicole, will you please stop?” saway ni Denver sa asawa niya. “Nakakahiya ka.” “Let's go home!” galit na pahayag ni Misis Gan. “Pinagtitinginan na tayo ng mga tao.” Pagkatapos humingi ng pasensya, lumakad na palabas ng restaurant si Mrs. Estela. Si Nicole naman ay inayos na ang kanyang damit ngunit nakatingin pa rin ng masama sa akin. “I’m sorry, Miss San Miguel,” saad ni Denver. “Huwag kang mag-sorry sa kan’ya. Denver, ayaw kong lalapit ka pa ulit sa babaeng iyan “ Idinuro ako ni Nicole. “Bakit? Natatakot ka bang agawin ko ang asawa mo?” Nakangisi kong tanong kay Nicole habang pilit akong nagpakahinahon. Binalingan ko si Denver. “Mr. Alcomendras, your so-called wife's insecurity will ruin your marriage. Furthermore, her attitude might stains your reputation. As the heir of Mr. and Mrs. Gan, you should protect your image. Your wife's action may affect you and your company. Think carefully, sir. Siya ba talaga ang babaeng gusto mong makasama hanggang sa pagtanda mo?” After saying those words, I walked towards the exit door without looking back. Ayaw kong makita ang reaction ni Denver, lalong ayaw ko na rin marinig pa ang mga sasabihin nilang dalawa ni Nicole. One point. Alam kong naka-move forward na ako sa mission kong agawin si Denver mula kay Nicole. Funny for some people pero wala talaga akong ibang goal ngayon kung hindi palitan si Nicole sa buhay ni Denver. At my age, sabi nila dapat focus na ako sa career at sa company ng mga magulang ko, but how would I do that if my heart is broken? After the incident at the restaurant, I went to the penthouse where I live for almost five years. Wala akong planong matulog doon. I just wanted to think and breathe. Sobrang sakit makita si Denver na kasama si Nicole, and worst, mahal na mahal n'ya pa ito. Habang nakahiga ako sa kama, nag-ring ang phone ko. My mom's personal number registered on the screen. Hindi ko gustong mag-alala si Mommy pero wala ako sa mode na makipag-usap sa kahit na kanino. Habang tumutunog ang phone ko wala sa loob na kinuha ko ang picture ni Denver na nakasabit sa dingding. “Magiging akin ka,” I whispered. Hinalikan ko ang picture niya at itinapat iyon sa aking dibdib. Habang nakapikit ako, parang naririnig ko ang mga sinabi sa akin ni Mommy bago ako umalis ng bahay kanina, “Vera, you have your own life. Forget Denver and start focusing on yourself. You're almost thirty and you haven't showed us any achievement or accomplishment.” Ahhhh! Fùcking s**t! Masama ba ang magmahal? Masagasaan na ang kahit sino, masaktan na ang masasaktan, magalit na ang gustong magalit, basta ako ang dapat nasa tabi ni Denver at hindi si Nicole. Wawasakin ko ang pantasya ng babaeng iyon. Hindi sila pwedeng maging masaya habang nasasaktan ako. Dahil sa galit ko kay Nicole, nawala ang lungkot na nararamdaman ko. I don't care kung muli akong pagpyestahan ng mga tao sa social media dahil sa mga actions and decisions ko. I am Vera San Miguel and no one should dare to fight with me. Ngunit paano kong aagawin si Denver mula kay Nicole kung ang babaeng iyon ang kailangan n'ya at hindi ako? Hindi pwede iyon! Dapat ako ang kailanganin ni Denver. I don't care kung maging mukha akong basahan, laruan, mistress, or whatever they call sa mga kabit. Basta ang mahalaga, makuha ko si Denver mula kay Nicole. I planned all night. Kahit dumaan ako sa butas ng karayom, gagawin ko kung ano ang sinisigaw ng puso ko— ang paibigin si Denver Alcomendras. “Dámn it, Vera! Hindi pagmamahal ang nararamdaman mo, it's obsession,” my mom shouted. Kararating ko lang sa bahay namin sa Makati at iyon agad ang bungad niya sa akin after kong sabihin sa kaniya ang mga plano ko. “Why are you wasting your life sa isang lalaki na hindi ka gusto?” “Mom, hindi ko siya pwedeng pabayaan,” desperada kong sabi. Napatingin ako sa daddy ko na noon ay tahimik lang. “Dad, I love him. You know that, right?” Dad nodded. “I understand, hija,” he said. “Micheal, your daughter is wasting and ruining her entire life and yet all you can say is you understand her. Come-on! Enlighten her, please.” Naghanap si Mommy ng mauupuan sa garden kung saan ko sila naabutan ni Daddy. “Vera is twenty-seven, she knows what she is doing. Don't dictate her to do this, and that. As a mother, you, in the first place, should be the one supporting her.” Iritado na si Daddy kaya tumayo ulit si Mommy at lumakad na palayo sa amin. “Bahala ka na sa buhay mo, Vera. Kapag nasaktan ka, huwag kang iiyak sa akin. Diyan ka sa Daddy mo humingi ng tulong,” final words ni Mommy. Napabuntong-hininga ako. Ang mag-away ang mga magulang ko dahil sa akin ang pinaka-ayaw kong mangyari. Lumipas ang mga araw at linggo na tahimik ang buhay ko. Hindi muna ako kumilos para hindi halatang gumagalaw ako upang mapaibig si Denver. Ngunit hindi ko pinatagal pa ang katahimikan nina Denver at Nicole. One morning, I called Mrs. Gan’s secretary. I requested for another meeting regarding our partnership. I knew Tita Stela is looking forward for my call kaya expected ko nang masi-set agad ang gusto kong muling pagkikita namin ng anak n'ya. It was a warm Monday afternoon, sa isang kilalang golf club sa Mandaluyong, maaga akong naghintay kay Denver. Alam kong hindi darating ang asawa niya kaya pinaghandaan ko talagang mabuti ang outfit ko. Pinili ko ang pinakamaganda kong golf dress; kulay red at fitted ito. Labas ang cleavage ko sa nasabing damit at litaw na litaw ang mahaba at makinis kong legs. Bingo! Pagkababa pa lang ni Denver mula sa kaniyang sasakyan, agad niya akong napansin. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya sa katawan kong pinagpapantasyahan ng mga lalaki. Sa halip na ma-offend, natuwa pa ako sa nakita kong pagnanasa niya sa akin. Dahil sa reaction niya, mas lalo akong na-motivate na ituloy ang mga pinaplano ko. “Hi,” tila nahihiya pang sabi ni Denver. Instead to say hello, I moved forward and kissed him on his cheek. Inilagay ko rin sa kaniyang likuran ang kanang kamay ko at idinikit ko ang aking malaking dibdib sa malapad niyang katawan. Naramdaman ko ang mainit niyang pisngi kaya napangiti ako, ngiti ng tagumpay. Alam kong malaki ang epekto ko kay Denver. Sasamantalahin ko iyon to win his heart. I don't care kung masaktan si Nicole dahil sanay akong palaging nakukuha ang gusto ko. “Honey…” Pamilyar sa akin ang boses na iyon Nagtataka… bigla kong itinulak si Denver. Ngunit hindi ko inaasahan nang bigla niya akong hapitin sa bewang dahilan para lalo pa kaming magkalapit. Shit! Ang bilis ng t***k ng puso n'ya. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Wala nang patumpik-tumpik pa, hinalikan ko sa labi ang lalaking mahal ko kahit alam kong nasa tabi lang namin ang kaniyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD