VERA
Nang lumayo ako kay Denver, ngumiti lang si Nicole. I was surprised with her reaction. Hindi iyon ang inaasahan ko.
“Miss San Miguel, are you done flirting with my husband?” she asked calmly.
Nag-init ang mukha ko. Gosh, that was the first time na napahiya ako ng bonggang-bongga. I cleared my throat. I was speechless for a moment. It took a while before I composed myself.
Napatingin ako kay Denver. Hindi pwedeng maging masama ang imahe ko sa paningin niya.
Shit! Kailangan kong bumawi para magtagumpay ako sa mga plano ko.
“Mr. Alcomendras, I’m so sorry. Sobrang excited lang akong makita kang muli. Please, don't put malice in my actions. Wala lang sa akin ang i-kiss sa lips ang kahit sino, even girls pa iyan,” I explained.
Hindi sumagot si Denver. Kinuha n'ya lang ang kamay ni Nicole at nagpatiuna na silang dalawa.
Ouch! Para akong sinaksak sa puso.
Nanggigigil na sumunod ako sa kanila.
Ngunit nang lumingon at ngumiti sa akin si Nicole, para akong sinampal ng katotohanan na isa lang akong babaeng hahabol-habol sa lalaking pagma-may-ari n'ya.
Dahil wala naman talaga kaming dapat pang pag-usapan kasi matagal nang ready ang contract sa pagitan ng mga company namin, nakipaglaro na lang ako kay Denver pagkatapos naming magpirmahan. Gustong-gusto kong dumikit sa kaniya pero nakabantay palagi si Nicole.
Sayang ang outfit ko!
Sayang ang effort ko!
Nasira ang buong maghapon ko.
Nang nilapitan si Denver ng ilang kakilala, nakangiting lumapit din sa akin si Nicole. Walang mababakas na galit o inis sa maganda niyang mukha. Sexy rin siya kagaya ko kaya lalo akong napikon nang kuminding-kinding siya habang lumalakad.
“Hi, Vera. Did you enjoy the game?” Bakas sa tono ng boses ni Nicole na nang-aasar ito. Double meaning ang tanong na iyon kaya nag-feeling safe ako sa sagot kob.
“Yeah, I did,” buong kumpiyansa kong sabi.
“Really? Nice to hear that. Next time, try harder. Ang asawa ko ay asawa ko lang. Buburahin ko sa mundo ang sinumang umagaw sa kaniya.” Nakangiti pa rin si Nicole pero nagbabanta na.
Hindi ako nagpakita ng takot. Iginala ko ang aking paningin sa malawak na golf course. The green field brought me peace. I smiled back at Nicole.
“Kilala mo ba kung sino ako?” I asked her. I intimidated her to show her how powerful I am.
“Yes!” mabilis niyang sagot. “Hindi man ako kasing yaman mo, hindi naman ako kagaya mong tinikman na ng iba't-ibang lalaki. Opsss, wait… kilala ka rin pala sa pagiging walang puso sa kapwa. Don't you dare show me what you really got dahil kakampi ko ang asawa ko. Hindi ako papayag na ang isang maruming babae na kagaya mo ang makakahati ko sa kaniya. Tandaan mo, Vera, yaman lang ang lamang mo sa akin.”
Huh! Yaman lang? Money can buy love and happiness. Duhh!
I cursed her silently. I never knew na ubod pala ng tapang ni Nicole. Akala ko magiging madali lang ang pang-aakit ko kay Denver pero dahil kay Nicole, baka tuluyan nang mawala sa akin ang lalaking mahal ko.
“Let's see kung hanggang saan aabot ang tapang mo,” nasabi ko sa kawalan ng pwedeng i-rebut.
“Try me,” nakangisi na sabi ni Nicole sabay lapit kay Denver at hawak sa braso nito.
Halos sumabog ako sa galit.
Ako dapat ang nasa posisyon ni Nicole.
Ako dapat ang katabi ni Denver.
Ako dapat ang kasa-kasama niya.
Gosh! Kung pwede ko lang baguhin ang kwento naming tatlo sa isang pitik lang ng aking mga daliri. But I can't do that. I am not a magician nor a gene.
Months passed na para akong magnanakaw ng attention. Hanggang dumating ang birthday ni Denver. I was invited by his mother, Mrs. Estela Gan. Naisip kong pagkakataon ko na iyon para maakit ko siya ng tuluyan.
“Vera, how many times do you have to look at yourself in the mirror?” my Mommy asked. “Birthday party ang pupuntahan natin at hindi kasal mo,” she reminded me.”
“What? Kasama kayo?” Napaupo ako sa kama.
My mom laughed her heart out.
“It's a prank,” she said while gasping her breath. “Iyan ang sinasabi ko sa iyong bata ka, sa sobrang focus mong makuha si Denver, nagiging mukha ka nang tanga.”
Hindi ako kumibo. Ayaw kong masira ang buong araw ko. Kailangan magandang-maganda ako kapag pumunta ako sa bahay nina Mrs. Gan. Dapat makita rin ni Denver na masaya ako.
Okay na ang suot kong casual dress pero nagpalit pa rin ako. I chose the most revealing dress I bought yesterday. Nang ma-satisfy ako sa look ko, saka pa lang ako umalis ng bahay.
Sa mansion ng mga Gan, wala akong inabutan na ibang bisita. Expected ko na iyon dahil nagkasundo kami ni Tita Estela na ako lang dapat ang imbitahin n'ya.
Yes, Tita Estela is my kasabwat para mapaibig ko si Denver. Lahat ng plano ko ay alam n'ya at lahat ng sinasabi ko ay payag siya. No doubt, it would be easy for me to win Denver's heart kung wala lang sana sa picture si Nicole.
Unfortunately, when I got down from my car, Nicole was there waiting for me. Uminit agad ang ulo ko. Nawala agad ang magandang ngiti na prinaktis ko pa habang nasa sasakyan ako.
“Welcome, Miss San Miguel,” Nicole greeted me with full confidence.
“Why are you…”
“Bakit ako ang sumalubong sa iyo?” putol n'ya sa sasabihin ko sana. “Don't expect too much, madam. Kahit pagtulungan n'yo ako ng mother-in-law ko, hindi ka magtatagumpay na agawin sa akin ang asawa ko.”
So, alam n'ya? Paano n'yang nalaman ang tungkol sa sabwatan namin ni Tita Estela? Kakampi ko ba talaga ang ina ni Denver o tama nga ang ibang tao na hindi ko siya dapat pagkatiwalaan?
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay kong hindi na kailangan pang drawing-an dahil sa perpekto nitong kapal at ayos.
“Gusto mo na bang umuwi, Miss San Miguel?” pukaw sa akin ni Nicole. “Just tell me kung ayaw mo nang pumasok para mapalayas na kita agad.”
I smirked.
Ang tapang ng legal wife ni Denver. Dahil sa inaasal niya, mas lalo tuloy akong na-cha- challenge. Kumi-kembot na sinundan ko si Nicole. Sa loob ng bahay, agad kong hinanap si Tita Estela. Natagpuan ko siya sa kusina. Agad akong nagmano sa kaniya kahit na pinagdududahan ko na siya.
I looked around to find Denver. Ngunit hindi ko siya nakita sa living room, garage, o maging sa kusina.
“Where is he, Tita?” Hindi nakatiis na tanong ko sa kaniyang ina.
Suminyas si Tita Estela na nasa taas daw si Denver. Sinabihan niya rin akong huwag maingay kasi galit daw ito.
Hindi ako nagtanong.
“Lintek na Nicole iyan. Hindi ko namalayan na nagpalagay ng CCTV sa ilang parts ng bahay. She said Denver demanded it, but I don’t believe her. That woman is a great liar. For sure, siya ang may gusto ng lahat kaya ayun, nalaman niya na nag-uusap tayo. She caught me on cam,” pabulong ngunit galit na galit na sabi ni Tita Estela.
“Kailangan nating mas maging maingat pa, Tita. Hindi basta-basta si Nicole. Wala talaga siyang plano na bitawan si Denver,” saad ko sa mahinang tinig.
“Feel na feel niya ang pagiging asawa ng anak ko. Honestly, gustong-gusto ko na talaga siyang palayasin sa pamamahay ko, but gosh… how could I? Denver believes whatever she says.”
Gusto ko nang mawalan ng pag-asa. Mukhang sa panaginip na lang talaga magiging akin si Denver ngunit nang may humawak sa bewang ko at nakita kong si Denver iyon, all my worries fade instantly.
“Hi, happy birthday,” I greeted him with my sweetest smile. I turned around and put my arms around his neck. “I prepared a gift for you.”
Tumikhim si Denver.
“Thank you.” Parang napapaso na tinanggal niya ang mga braso ko sa pagkakakawit sa leeg niya. “Ayaw kong masaktan ang asawa ko.”
What a roller-coaster-like of emotions! I have no choice but to ride on it. Nasusubok talaga ang pasensya ko.
Denver unwrapped the gift in front of me. It was a painting depicting the two of us as the main characters. He was puzzled when he saw it, so he grabbed a chair, sat down, and held his head tightly.
“What is it?” Dahan-dahan na hinawakan ni Nicole ang painting. “Grabe naman na pambabastos ito, Miss San Miguel.” Tumulo ang luha n’ya.
Bilang napatayo si Denver. Kinuha niya mula kay Nicole ang painting.
“Sorry, ma’am. I can’t accept it,” tiim-bagang na sabi ni Denver sabay abot sa akin ng regalo ko sa kan’ya. Bago pa ako nakapagsalita, niyaya na ni Denver si Nicole. Sinadya pa n’yang iparinig sa akin na sa labas na lang nila i-ce-celebrate ang birthday niya.
Napahawak ako sa aking noo.
All my efforts were wasted. Ni hindi man lang napansin ni Denver ang magandang hubog ng katawan ko na bakat na bakat sa suot kong dress. I screamed out of complete desperation. Napahagugol na lang ako na parang bata.
I love him.
I love him so much.
Why is it so hard to win his heart?
Ano kaya kung patayin ko na lang si Nicole para matapos na ang problema ko? Well, kapag ginawa ko iyon, wala ng kontrabida sa pagitan namin ni Denver.
I composed myself like a real queen.
With my chin up and a fierce look, I followed Denver and Nicole.
Sa kanang kamay ko, may isang matigas na bakal na pumuputok. Anytime soon ay gagamitin ko ito para makuha ko ang lalaking mahal ko, kahit pa may asawa na sya.
“Nicole!” tawag ko sa kasama ni Denver bago pa ito nakasakay ng mamahalin nilang automatic na sasakyan.
Sa isang iglap, malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid.