NICOLE
Napasigaw ako ng malakas nang bigla na lang umalingawngaw ang isang putok ng baril. Natataranta na tumakbo ako papasok ng sasakyan na gagamitin sana namin ni Denver. Sa loob ay sumiksik ako sa mga upuan to keep myself safe.
Nang mahimasmasan ako, nakita ko si Denver na yakap si Vera. He was so worried na kahit anong tawag ko sa kaniya ay parang hindi nya ako naririnig.Vera was wounded. Nakahiga siya sa semento habang kalong siya ni Denver. Tuliro ang lahat, lalo na si Mommy Estela.
Hindi alam ng mga katulong kung pulis o ambulansya ba ang tatawagin. Nakuyom ko ang aking mga kamao lalo na ng nakita kong may hawak na baril si Vera.
She's so pathetic!
I never thought na aabot sa puntong babarilin n'ya ang kan’yang sarili para lang malapitan ng aking asawa. Sa sobrang galit ko ay hinablot ko si Denver.
“Stay away from her!” utos ko kay Denver. Gusto kong sumigaw sa galit. Bakit ang hirap awatin ni Vera? Hindi ba pwedeng maging masaya kaming mag-asawa? One month pa lang kaming kasal ni Denver pero ang gulo-gulo na agad ng marriage life namin.
“We have to bring her to the hospital,” saad ng asawa ko. Sobra akong nasaktan sa nakita kong concern niya kay Vera.
At once, napagod ako. Parang wala akong kakayahan na tumutol sa sinabi ng asawa ko. Emotionally drain, I went up to our room.
No one noticed me.
I pitied myself.
Iyak lang ako nang iyak. Ni hindi man lang kasi ako kinumusta ng asawa ko. Ni hindi n'ya inalam kung tinamaan ba ako kanina o hindi. Lahat ng atensyon n'ya ay napunta kay Vera at ako… Sa isang iglap, nakalimutan n'ya ako!
Buong akala ko ay susundan ako agad ng asawa ko. Subalit lumipas na ang ilang oras, wala pa rin siya. Parang sinaksak ang puso ko. Namumugto na ang mga mata ko at malat na rin ang boses ko. Sobrang awang-awa ako sa sarili ko.
Nakatulog akong wala si Denver at nagising akong wala pa rin siya. I tried to call his number but he was out of coverage-area. I didn't know what to do. I felt helpless.
Due to self pity, I called my mother. Hindi totoong nasa probinsya na siya. Kunwari lang iyon para maitago ang totoong estado n'ya ngayon sa buhay at maging ang location n'ya. Para sa safety ni Mama, kailangan maging lihim ang kinaroroonan n'ya.
“Ma, sobrang hirap na hirap na ako. May isang babaeng pilt sumisiksik sa buhay namin ni Denver,” sumbong ko.
“Oh, bakit ka tumawag? Iyan ba ang dapat mong gawin, Nicole? Hindi kita pinalaki para magpa-api lang sa kung sinu-sino,” sermon ni Mama.
“Hindi siya king sino lang, Mama. Si Vera San Miguel ang pilit umaagaw sa asawa ko.”
“Nicole, kailan pa ako nagkaroon ng pake sa kahit kanino? Aba lumaban ka. Asawa mo ang inaagaw at hindi candy lang.”
“Anong gagawin ko, Mama?”
“Kailangan ko pa bang sabihin sa iyo ang gagawin mo? Tumihaya ka, hub*’t-h*bad! Gaga!”
Naiintindihan ko kung bakit ganoon si mama. Minsan n'ya rin kasing naranasan ang lokohin at gawing tau-tauhan. It was a very devastating stage of our life lalo na at wala kaming magawa noon. Walang laban kasi ang katulong sa amo. Yeah, right, si Mommy Estela ang other woman ng ama ko.
Nang naalala ko ang nakararaan, napuno ng galit ang puso ko. Tandang-tanda ko pa kung paano ko pinanood noon ang aking ama at si Mommy Estela habang nagsi-s*x sila habang ako ay nakatago sa cabinet. Third year highschool ako noon at mulat na sa usaping s*x.
Nakakabingi ang mga halinghing noon ni Mommy Estela. Nakakapanindig-balahibo ang bawat galaw nila ni Tatay sa kama. Hanggang ngayon, pinagsisisihan kong pumasok ako sa master's bedroom para magnakaw. Dahil kasi sa insidente na iyon, maaga akong namulat sa s*x at sa kahayupan ng mga tao sa paligid ko.
After namin mag-usap ni mama, hindi muna ako bumaba. Wala pa rin akong idea kung nasaan ang asawa ko at maging ang mommy n'ya. Tiniis ko muna ang gutom na nararamdaman ko lalo pa at hindi rin ako kumain ng hapunan.
Honestly, mas dinadamdam ko ang kawalan ni Denver ng pagpapahalaga sa akin kaysa sa gutom na nararamdaman ko. Subalit kailangan kong tiisin ang lahat ng sakit kaysa mawala siya sa akin.
Bago mag-eleven-thirty ng umaga, bumaba ako para kumain. Wala pa rin si Denver at hindi alam ng mga katulong kung nasaan siya.
“Oh, kumakain na pala ang prinsesa,” tuya ni Mommy Estela sa akin.
I didn't say anything. Gutom ako at gusto kong kumain.
“Anak, kakain na si senyora. Bilisan mo na,” bulong sa akin ni Ninang Gemma. I knew what she was trying to say. She wanted me to leave the dining table tapos man ako o hindi sa pagkain.
Ngunit hindi ako kumilos. Nagpatuloy lang ako sa pagsubo kahit hirap na hirap na akong lunukin ang kinakain ko. Hindi ko na rin malasahan ang kare-kare at stir fried beef-broccoli na inihain sa akin ng mga katulong.
All for Denver. Handa kong tiisin ang pang-aapi ni Mommy Estela.
“Gemma, clean the table!” singhal ni Mommy Estela kay Ninang Gemma.
“Anak, please, tumayo ka na,” pakiusap sa akin ni ninang.
“Ayaw kong kumain na may basura sa harapan ko.” Ibinagsak ni Mommy Estela sa harapan ko ang flower arrangement na dating nasa center table.
Napapikit ako. Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko. Inabot ko ang baso ng malamig na tubig at nilagok ko iyong lahat. Eksaktong ilalapag ko pa lang sana ang baso sa lamesa nang sinabuyan ako ni Mommy Estela ng isang pitsel ng nangyeyelo na tubig.
Nakagat ko ang mga labi ko.
It's too much!
“Next time, tigilan mo ang pagsusumbong sa anak ko dahil baka tuluyan ka na niyang hindi uwian.” Hinawakan ako ni Mommy Estela at pilit itinayo mula sa pagkakaupo.
Parang papel na sumunod lang ako. Feeling ko ay sobrang gaan ng katawan ko na kahit ibalibag ako sa pader ay sasalpok ako.
I prayed for strength and more patience.
Nang utusan ako ni Mommy Estela na pagsilbihan siya gaya ng dati, wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. A lot of evil plans were running in my head ngunit ni isa ay wala akong isinakatuparan. Mabuti na lang panay ang paalala sa akin ni Ninang Gemma na gumawa daw ako ng tama.
Habang kumakain si Mommy Estela, nakabantay ako. Very attentive ako sa mga hinihingi niya. Sa kaunting pagkakamali ay may sabunot akong natatanggap. Bukod pa roon ang mga hampas, kurot, at mura na lumalabas sa bibig niya.
As I observed her discreetly, I perceived a devil, not an elegant and refined woman.
Eksaktong katatapos pa lang ni Mommy Estela na kumain nang dumating naman si Denver. Suot n'ya pa rin ang light-blue polo shirt at cap na gamit n'ya pa kagabi. His shirt was covered with blood stains. Without asking him, alam ko kaagad na dugo ni Vera iyon.
Nagtatampo ako sa asawa ko pero sinalubong ko pa rin siya to greet him with a kiss. Unfortunately, umiwas siya at parang hindi ako nakita.
Napahawak ako sa dibdib kong parang tinatambol. Napalunok ako ng makailang beses. Ito na ba ang kinakatakutan ko— ang mawala sa akin ang asawa ko?
Nang lumingon ako kay Mommy Estela, nakita ko ang ngisi niyang parang sa demonyo.
“Hijo, kumusta si Vera?” Nag-aasar na tanong ni Mommy Estela.
Hindi sumagot si Denver. Dire-diretso siyang umakyat patungo sa silid namin. I followed him silently. Habang naglalakad ay nag-iisip na ako kung paano ko siya kakausapin at haharapin nang hindi kami matatapos sa pag-aaway.
Nang nakapasok kami ng silid naming mag-asawa, tahimik na pinanood ko ang bawat galaw niya. Nakasimangot siya at wala sa mood. Hinintay ko siyang matapos maligo. Inayos ko rin ang pagkain na inakyat ni Ninang Gemma.
Nang matapos magpalit ng damit si Denver, doon na ako hindi nakapagpigil. I confronted him.
“Sino ba ang mas mahalaga sa iyo, ako o si Vera? Kung si Vera, tatanggapin ko. Aalis na lang ako.” Hindi ko na napigilan ang umiyak.
Napakunot ng noo niya si Denver.
“You know that I love you, right? Nicole, bakit…”
“Mahal mo ako? Mahal mo ako? Ni hindi ka nga nag-alala sa akin kahit nagkabarilan na.” Sumigaw na ako. “Mas inuna mong alalayan si Vera kaysa sa akin na asawa mo.”
“Dahil kailangan ko iyon gawin! How could you hire a gunman to kill her?”
Natigilan ako sa bintang ni Denver.
It wasn't me who hired the criminal to kill Vera! I am innocent!
“Did you believe them?” I asked in confusion.
“Yes, I did. Nahuli ang salarin at ikaw ang itinuro. Mabuti na lang dahil napakiusapan ko ang mga magulang ni Vera na huwag kang idemanda.”
Lalo akong naguluhan.
Hindi ko akalain na ganito pala lumaban si Vera San Miguel. Handa siyang saktan ang sarili para magkasira kaming mag-asawa.
“Honey, hindi man lang ba pumasok sa isipan mo na pwedeng si Vera ang may gawa nito sa sarili n'ya para magkahiwalay tayo? Kilala mo ako, kahit ipis nga hindi ko kayang patayin, tao pa kaya. Hon, sa tingin ko ay kailangan ko munang magpahinga, lumayo sa iyo. Pagod na pagod na ako. Kung alam mo lang…”
Tuluyan ko nang pinakawalan ang emosyon ko. Halos habulin ko na ang aking hininga dahil sa sobrang pag-iyak. Basang-basa na ang damit ko dahil sa pinaghalong luha at sipon.
I give up!
I’m done!
Ngunit saan ako pupunta kapag umalis ako ng mansion ng mga Gan?
Bahala na!
Tumayo ako at kumuha ng ilang damit. Pinunas ko ang mga luha ko. Pilit kong pinatapang ang maamo kong mukha saka ako dahan-dahan na humakbang palabas ng silid naming mag-asawa.
Hindi ako hinabol ng asawa ko gaya ng dati niyang ginagawa.
Hindi rin ako pinigilan ng maldita kong biyenan.
Sa bawat hakbang ko palapit sa main gate ng mansion, di ko mapigilan ang umiyak. Ang sakit, sobrang sakit. Nagmahal lang naman ako pero bakit ako pinaparusahan ng langit?
“Goodbye, Denver. Hopefully maging masaya kayo ni Vera ngayong pinapalaya na kita,” bulong ko.
Bago ako tuluyang lumabas ng gate, lumingon ako sa huling pagkakataon, ngunit laking gulat ko nang sa ikatlong palapag ng bahay ay nakita ko si Tatay, si Tatay na ilang taon nang patay.