bc

My Rebellious Heiress (Tagalog/SPG)

book_age18+
15.2K
FOLLOW
142.5K
READ
possessive
sex
family
love after marriage
powerful
heir/heiress
drama
sweet
weak to strong
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Siya si Ian Giano, isang pulubing pakalat-kalat sa lansangan. Paliliguan at bibihisan ng isang heredera upang gamitin sa kan'yang pagrerebelde. Hindi lang siya basta gagamitin, pakakasalan pa!

Naka-jackpot na sana siya, subalit sa pamilya ng mayayaman kung saan hindi siya kabilang ay pilit siyang ipangangalandakan ng kaniyang hilaw na asawa upang pabagsakin ang angkan nitong naging malupit sa kan'ya. Alam ni Giano na naroon lang siya sa mundong iyon bilang kagamitan at hindi bilang isang taong may dangal at pangalan ngunit titiisin niya ang lahat ng pang-aalipusta dahil sa kabila ng masamang reputasyon ng isang Angel Aly Reomoto ay alam niyang may nakatago itong kabutihan.

Ang puso niyang matagal ng nagmamahal sa asawa ay gagamitin niya upang mapaamo ang kan'yang tinatawag na- My Rebellious Heiress.

*****

AUTHOR'S NOTE: SAKOP PO NG COPYRIGHT LAW ANG AKLAT NA ITO (My Rebellious Heiress). HUWAG HANAPIN SA MAGNANAKAW AT HUWAG NAKAWIN KUNG AYAW MAKASUHAN!

AKO AT ANG LAHAT NA LIBRO KO AY REGISTERED KAYA BAGO N'YO KOPYAHIN AT IBENTA SA ILEGAL NA PARAAN, MAG-ISIP MUNA KAYO. IYON ,EH, KUNG MAY PAMPYANSA KAYO!

Dito lamang po ITO sa DREAME or YUGTO basahin.

Copyright 2021

chap-preview
Free preview
HEIRESS PROLOGUE
ALY'S POV "Hanapan n'yo ako ng pulubi but handsome man! I'll marry him as soon as possible!" sigaw ko kina Mica at Roldan. Hindi ko mapigilan ang galit na nasa puso ko kaya wala akong pakialam sa mga nakapaligid sa akin. Nanlaki ang mata ng dalawa. Kitang-kita ko how they looked at each other. They were shocked. Bahagya akong tumawa dahil sa mga itsura nila. Daig pa nila ang nakakita ng multo. Hindi sila nagsalita ng kahit ano. They were just standing straight in front of me. "Do you hear me?" mataray kong tanong. Wala akong pakialam kung natakot sa akin ang alalay at driver ko. Mas nanaig ang kagustuhan kong lalong galitin ang pamilya ko lalo na ang daddy at ang salbahe kong stepmother. "Aly, huwag kang padalos-dalos," pakiusap ni Mica. Mas matanda lang sa akin ng limang taon ang babaeng ito ngunit para siyang nanay ko kung kausapin ako. Sa sobrang tagal na niya sa akin ay parang kaibigan ko na s'ya. Mas feel ko pa nga ang pagmamahal at pag-aalaga ni Mica para sa akin kesa sa sinasabi ni daddy na hindi niya ako pababayaan kahit kailan. "My decision is final," I laughed. Alam kong kapag ginawa ko ito ay mayayaning ang buong angkan ng Reomoto, at iyon ang gusto kong mangyari. "Baka atakihin sa puso ang daddy mo," Roldan said. No! Alam kong walang sakit sa puso ang daddy. Baka mas atakihin pa nga ng high blood niya ang stepmother kong pinipilit palitan si mommy sa buhay namin ni daddy. Sabihin n'yo nang bad ako, but I will be the happiest person kapag nangyari iyon. Ilang oras pa lang ang nakalipas after nila akong ipahiya sa lolo at lola ko. Ang mga kapatid ni daddy ay sobrang disappointed sa akin dahil sa tinahing kwento ni Lurica. Speaking of that devil, she's my stepsister na palaging bida sa lahat. She is the kindest grandchild of Reomoto. But behind that f*cking beautiful face is a monster na handang lapain ang sinuman. Sinabi ni Lurica sa lahat na nakita niya akong may kasamang lalaki sa isang kwarto ng Reomoto Hotel. Iyon ang dahilan kaya nakatanggap ako ng masasakit na salita mula sa buong angkan during lunch time. Kaya lang, kahit may Angel ang pangalan ko ay hindi ako papayag na apihin ng sinuman. The more na sinasaktan nila ang damdamin ko, the more I'm going to drag them down in my own simple way. "You're one of the heiresses of Reomoto. Behave like an educated person, Angel Aly. Puro ka barkada, inom dito, inom doon. Napakarami mong nobyo, ano bang problema mong bata ka?" Nanginginig si dad habang pinagsasabihan niya ako kanina pero walang epekto iyon sa akin. Hindi niya naman ako nakikita. I mean, kapag tama ang ginawa ko, hindi ako napapansin ni dad kaya nagpapasaway na lang ako para malaman niyang I am still existing in this wonderful world. Iniisip ng lahat na isa akong pakawalang babae dahil puro bar at lalaki ang inaatupag ko. Gusto kong linisin ang pangalan ko but I knew from the start that no one would believe me kaya nananahimik ako. "Bakit umabot sa ganito ang pagrerebelde mo, Aly?" Mica sounded so disparate. "Huwag mong tuluyang sirain ang buhay mo." Roldan was silent habang pinagsasabihan ako ni Mica. These two beautiful people are my shoulders to lean on. Alam kong nag-aalala sila sa akin "Sundin n'yo na lang muna ang utos ko. Gusto kong magpakasal sa lalong madaling panahon. Uunahan ko na ang nakatakdang kasal namin ni Jorge Belldon." Yes, isang malaking bomba ang ibinagsak ni daddy kanina during our lunch meeting. Heredera raw ako kaya obligasyon kong gumawa ng hakbang para sa mas ikabubuti pa ng negosyo namin. Isa na roon ang pakasalan ang lalaking nagngangalang Jorge Belldon. Naiisip ko pa lang na makakasama ko ang mukhang lamok na lalaking iyon, bumalakitad na ang sikmura ko. "P-pulubi?" Mica asked. "Sigurado ka ba Aly na pulubi talaga ang gusto mong maging asawa? Heredera ka, mayaman, matalino at…" "Yes, pulubi!" putol ko sa sasabihin pa ni Mica. "Pulubi ang pakakasalan ko para lahat sila mawindang." "Saan naman kami maghahanap ng pulubing pasok sa standard mo?" tila hirap na tanong sa akin ni Mica. "Galugarin n'yo ang buong Pilipinas!" I shouted. "Maghahanap ako. Naniniwala akong alam ni Aly ang ginagawa niya. Mana siya sa mommy niya na sobrang galing at talino kaya alam kong kaya niyang lusutan ang gagawin niya," wika ni Roldan. "Sige na nga, maghahanap kami ng pulubing pwedeng maging asawa mo," sabi ni Mica kinalaunan. Nangislap ang aking mga mata at sumayaw ako sa sobrang galak. Rebelde na kung rebelde pero gusto kong yanigin ang matayog na pangalan ng aming angkan. Pagkalipas ng ilang araw ay iniharap sa akin nina Roldan at Mica ang isang matangkad na pulubi. Nakakadiri ang itsura niya pero hindi ko iyon pinansin. Sinuri ko ang lalaki mula ulo hanggang paa. "Pwede! Kapag pinaliguan siya at ginupitan ng buhok ay magiging maayos ang itsura niya," nagagalak kong sabi. Hindi sinasadyang napatingin ako sa mukha ng lalaki. His eyes were impressive. Hindi ko kayang tumingin doon ng matagal dahil pakiramdam ko ay binabasa n'ya pati ang kaluluwa ko. Nakaramdam ako ng kilig for the very first time in my life. Hindi ko alam, pero nakadama ako ng security sa piling ng pulubing kaharap ko. "Kung pakakasalan kita, willing ka bang mahalin ako?" tanong ng pulubi sa akin. Hindi ako sumagot dahil wala sa vocabulary ko ang salitang pagmamahal. Umupo lang ako sa malambot na sofa dahil tila nanlalambot rin ang tuhod ko. Oh, my god! Para kasi akong dinuduyan ng marinig ko ang boses n'ya. His masculine tone made me crazy. Parang gusto kong ako na lang ang magpaligo sa kan'ya at haplusin ang namumutok n'yang muscles na natatakpan ng dumi. Ang sarap n'yang hubaran at... I shaked my head. Pilit kong binura ang isiping iyon. Sa halip ay sumilay ang isang pilyang ngiti sa mga labi ko. Paano kaya matatanggap ng pamilya ko kapag nalaman nilang ang isang heiress ng Reomoto ay ikinasal sa isang pulubi? Excited na ako sa magiging reactions nila!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook