HEIRESS CHAPTER 1

1453 Words
ALY'S POV Nilalaro ko sa mga kamay ko ang wine glass nang mapatitig ako sa alak na naroon. Almost half na ang nabawas ko sa champagne na laman noon pero gusto ko pa ring uminom at magpakalunod. Nakakarindi ang ingay sa paligid but I want to stay sa lugar na ito rather than sa parang sementeryo naming mansyon. Nakita kong papalapit sa akin ang mga kaibigan ko kaya inayos ko ang upo ko. "Hey, Ange Alyl, what's up? Tara na sa dance floor. Sayang ang outfit mo, girl." Kahit sumisigaw na si Diana ay hindi ko s'ya halos marinig dahil sa lakas ng tugtog. "Aly, let's go. A lot of hunk men are dancing sa part na iyon." Itinuro ni Katrine ang dulong bahagi ng bar. Umiling lang ako sa dalawa kong kasama bago uminom ulit ng wine. Wala ako sa mood sumayaw at makigulo sa mga haliparot na mga babae sa gitna. Nandito ako sa bar para makalimot hindi para mapagod. Bar ang tanging lugar kung saan nailalabas ko ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. I know naman na walang maghahanap sa akin sa bahay kaya okay lang na mag-stay ako sa lugar na ito kahit gaano pa katagal. "Ayaw mo?" tanong ni Diana. Tumango ako bilang sagot. Sa lakas kasi ng music ay hindi niya rin naman ako maririnig. Hindi pa naman ako sanay makipagsigawan sa kausap ko. "Well, sige. Maiwan ka na namin diyan at maghahanap pa kami ng bagong prospect na boylet at pwedeng maging bf," sabi ni Katrine. "Landi n'yo talaga. Go ahead, tulad ng dati, dito lang ako," pagtataboy ko sa dalawa. Sumenyas pa ako na pinaaalis ko na sila. I know naman na kahit magmakaawa ako sa kanila na samahan akong uminom ay hindi sila papayag. Boys ang dahilan kaya sila sumama sa aking lumabas. Uhaw sila sa mga macho at iyon ang dahilan kaya pati ako ay sinasabihang malandi at mahilig din sa lalaki. Palagi kasi kaming magkakasama. As usual, naiwan akong mag-isa. I don't mind being alone dahil nasanay na akong solo lang sa buhay simula ng mawala si mommy. Marami akong kaibigan pero alam kong hindi sila true friends. Ang ilan sa kanila ay gusto lang maki-ride sa estado ng buhay ko. Dati ako lang ang sole heiress ng Reomoto hanggang sa dumating sa buhay namin ni daddy sina Tita Karla at ang anak nitong si Lurica. Ang dating masayang buhay ko ay naging bangungot sa isang iglap. Ang dating prinsesa ng Reomoto ay naging parang basahang tinatapak-tapakan na lang. Hanggang sa natuto akong lumaban at magrebelde. Habang sinisipsip ko ang laman ng baso ay napansin ko ang mga kaibigan kong may kasama ng mga boys. Hindi ko maaninag ang mga itsura nila pero alam kong mga gwapo iyon. Hindi kasi pipili ng mukhang naagnas na bangkay ang mga ito. Napailing ako habang pinagmamasdan ko sila. Sanay na akong iba't-ibang lalaki ang ka-date nina Katrine at Diana kapag magkakasama kami pero sobrang disappointed pa rin akong makita silang nakikipaghalikan sa kung kani-kanino na lang. Never been kissed and touched kasi ako taliwas sa sinasabi ng ibang tao. I wanted to preserve my purity until such time na makita ko ang lalaking pahahalagahan ako. "Hey, gorgeous, can I join you?" tanong sa akin ng isang poging lalaki habang halos ilapit na niya ang mukha niya sa akin. Napasinghap ako at the same time uminit ang ulo ko. Ayoko sa mga preskong tao. Bahayang tumaas ang perpekto kong kilay sabay tulak sa kan'ya ng bahagya. "I'm sorry. I want to be alone," sabi ko. Pinipigil ko ang inis na bigla kong naramdaman. "Please, leave me, sir." "Miss, you'll be happier if you let me sit here." Damn! Ayaw ko sa makulit. Hindi ko gusto ang paulit-ulit magpaliwanag. Nanggigigil ako kapag pinipilit sa akin ang isang bagay na ayaw ko. "Leave or else…" "What?" Nakangisi pa ang lalaki habang nakatingin sa akin. Kahit dim light lang ang ang ilaw sa kinaroroonan ko ay naaaninag ko ang mala-demonyong mukha ng kaharap ko. Hinawakan niya pa ako sa braso at naramdaman ko ang mala bakal niyang kamay na pinipisil ang malambot kong kalamnan. "Bitawan mo siya!" sabi ng isang baritonong boses na nagmula sa likuran ko. "Narinig mo siya, 'diba? He said, bitawan mo ako," mataray kong sabi sa maangas na kaharap ko sabay hila ng braso ko. Ngunit hindi ito natinag. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakakulong na sa bisig niya kaya umangat lahat ng balahibo ko sa katawan. Nasusuka rin ako sa baho ng hininga niya. Oh, my god, isang kilong patay na daga yata ang kinain niya. "Let me go!" sigaw ko sabay tulak sa kan'ya. Daig ko pa ang nakita si Satanas ng umakto siyang hahalikan ako. Napapikit na lamang ako sa takot na ang unang lalaking makahahalik sa akin ay isa pa yatang halang ang kaluluwa. "Don't touch her!" Nangilabot ang buong katawan ko sa malakas na boses na narinig ko. May malakas na hangin na dumaan sa may tainga ko at sa isang iglap ay hindi na ako yakap ng bastos na lalaki. Pagmulat ko ng mata ay nakita kong tulog at nakalupaypay na sa sahig ang pervert na ayaw akong tigilan. Napalingon ako para hanapin ang taong nasa likuran ko kanina pero wala na ito roon. Sa sobrang dilim sa likuran ko ay kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para makita ko ang aking tagapagligtas pero wala na talaga siya. "Aly, what happened?" tanong ni Katrine. Nakita pala ng mga ito ang nangyari. "Binastos ako ng mukhang dagang iyan." Sinipa ko pa ang lalaking naghihilik sa harapan ko. "Ganda mo kasi, girl. Ang sexy mo pa sa suot mong backless black dress," bulalas ni Diana. In a few minutes dumating ang mga bouncers. Kinaladkad nila ang lalaki habang nakamasid lang kami ng mga kaibigan ko. Panay ang linga ko sa paligid to see the man who helped me pero hindi ko na siya nakita pa. Nanghinayang akong hindi ko siya napasalamatan man lang. Ang sexy pa naman ng boses niya kahit mukha siyang ma-utoridad na tao. Because of the incident, nagdesisyon kaming magkakaibigan na umuwi na lang. Tipsy na ako at ayaw kong makatulog kung saan. Nang palabas na kami ay hinarang kami ng mga lalaking ka-date nila kanina. "Hindi na muna ako uuwi, girls," sabi ni Diana sabay abrese sa lalaking kahalikan niya kanina. "Same here, we have some important things to talk about," sabi rin ni Katrine. I smiled painfully. Ano nga bang aasahan ko sa mga so called kaibigan ko na hindi ko naman talaga kaibigan in real life? Magulo? Oo, magulo talaga, kasing gulo ng buhay ko. Kaibigan ko sila pero hindi ko sila pwedeng asahan man lang. I waved them goodbye at dire-diretso na akong lumabas sa maingay at magulong bar na iyon. Wala akong dalang sasakyan kasi tumakas lang ako sa bahay kaya naghintay ako ng taxi na pwede kong sakyan. "Aly, sakay na!" tinig ni Roldan. Napangiti ako ng makita ko siya. "Why are you here? Hindi naman kita tinawagan." Hindi sumagot ang personal driver ko, sa halip ay ipinagbukas lang ako ng pintuan ng sasakyan. "Uuwi na ba tayo o balak mo pang gumala, mahal naming pasaway na alaga?" Lumuwag ang ngiti sa mga labi ko ng makita ko si Mica sa loob ng sasakyan. "Pasyal muna tayo. Nakainom na ako pero ayaw ko pang matulog. It's just 8:30 PM at gising pa sigurado ang halimaw at ang anak niyang demonyita. Ayaw ko silang makita." "Baka mapagalitan tayo ni Sir Victor," nag-aalalang sabi ni Roldan. "I don't care!" I said happily. Gusto ko ngang lahat sila ay magkagulo dahil kunwari ay nawawala ako. "Aly, sobra-sobra na ang pagrerebelde mo," saway ni Mica sa akin. Niyakap ko ang aking alalay. Nasa tabi ko lang siya at pinupusan ako ng maligamgam na bimpo. Hindi na iba sa akin ang dalawang tao na kasama ko sa sasakyan. Hindi ko sila trinatrato na driver at alalay dahil of all people, ang mga ito lamang ang palaging karamay ko. Sila lang ang nakakakilala sa totoong ako. Sila lang ang nakakaunawa sa nararamdaman ko. "Saan ba ang punta natin, Aly?" tanong ni Roldan habang panay tingin sa cellphone niya. "Luneta park," mabilis kong sagot. "Nasa Taguig tayo Aly, anong oras pa tayo makakarating doon dahil sa traffic?" tanong naman ni Mica. Namungay ang mga mata ko. Nagmakaawa ako sa dalawa kaya naman ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod. Kahit malayo ang lugar na iyon, gusto kong bisitahin iyon upang balikang muli ang mga alaalang iniwan doon ng mommy ko. Mga alaala noong panahong ako pa ang apple of the eye ni daddy, noong may halaga pa ang katagang pamilya para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD