Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Geo sa nakayuko pa ring si Katallea. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalaga at agad niyang tinanggap ang alok ni Geo na kasal. Alam kasi niyang iyon ang tanging paraan para sa katahimikan ng lahat. Naguguluhan man sa biglaang mga pangyayari ay nakisakay na lang si Katallea. "Bahala na," sabi ng isip niya. Ang importante para sa kaniya ay ang kaligtasan at kaligayahan ng buong pamilya niya. Pinulot ni Katallea ang mga larawan na nagkalat sa sahig. May mga extra copies pa sila noon pero dahil walang magawa ay sininop na lang iyon ng dalaga. Gusto kasi niyang magawa kahit paano para mabawasan ang tensyon na nararamdaman niya. "Kat," tawag ni Geo. Napaangat ang mukha ng dalaga dahil wala pang tumatawag sa kaniya noon maliban sa binata. Karamihan

