Isang malamyos na tinig ang nagpabalik ng diwa ni Geo. Inilibot niya ang paningin sa paligid at sa hinuha niya ay nasa hospital siya. Agad siyang bumangon sa higaan. "Mr. Arevalo, how are you?" Ipiniling ni Geo ang kaniyang ulo. Ang babaeng nasa harapan niya at nagtanong ay kamukhang-kamukha ni Katallea. Marahil ay ito ang nakita ni Mang Rafael sa sementeryo. Ngunit iba ang nararamdaman niya. Kahit nakangiti ito ay wala ang dating pakiramdam noon sa tuwing nakikita niya ang masayang mukha ni Katallea. "You look like my wife!" Nanlalaki ang mga matang sabi ni Geo. "But… Ah, what is going on? Who are you?" Nakakuyom ang mga kamao ni Geo na parang gusto niyang iuntog ang ulo sa pader ng hospital. Sa isip niya ay nababaliw na siya kaya nakikita niya ang mukha ng kaniyang asawa kung saan-s

