15

2078 Words
I’ve been consistently taking my med and vit and Fado, I decided to start calling him Fado since I don’t think it’s appropriate to continue him calling Uncle now that I am pregnant, started to show off. Halos mamatay-matay sa kakachismis iyong mga tao tungkol sa amin. And Aunt Sheen, she’ll fed me with negative thoughts... sinasabi niyang hindi tama na nakikita kami ni Fado na magkasama. Obvious nga raw na ako na ang susunod na magiging biktima. At nangangati na rin ang dila kong sabihin sa kanyang buntis ako kaya wag na siyang magtaka kung bakit nga lagi kaming magkasama ni Fado. The next day, I had to prepare for my families visit here. Excited na rin si Tita... but the latter has other intention, gusto nga raw maputol na ang lagi naming pagkikita ng isa. Gusto kong matawa na mainis na mag-alburuto. Di ba niya nakikitang nahihirapan ako? Na kailangan ko pang mag-ingat kasi kahit papa’no natatakot pa rin ako? Ewan ko ba dito. And the day came, we were talking about happy moments inside the house when I saw the text from Fado. Kailangan ko pang mag-excuse at nagulat na paglabas ay may dalawang lalaki at isang babae na kasama si Fado. Probably one of them is his brother. Kamukhang-kamukha niya kasi, mas maaliwalas lang titigan si Fado. Each one of them had tray of foods on their hands. May mga sumunod pa na sigurado akong galing sa catering at sumama lang dito para sa mga pagkain. Pinapasok ko na kaagad. The one with the older look was looking at me intently. “Nandiyan na ba ang mga magulang mo, iha?” Tanong nito, in a manner na parang one of the older. Kanina ko pa ngang gustong magmano... knowing that I am sure he is Fado’s father. Hindi nga niya masyadong kamukha pero may resemblance. “They’re inside po,” giniya ko pa sila sa kusina. Nagulat ang pamilya ko sa mga dumating na bisita. They’re eyeing us, lalo na noong bumati ang mga kasama ni Fado. We first settled the foods in the kitchen bago ko sinamahan silang pumunta sa sala. Pansin kong namumutla si Papa, tulala ang mga kapatid ko... si Aunt Sheen tulad ni Papa ay parang mahihimatay. Si Mama lang itong namimilog ang bibig. I have to bite my lower lip so that I’ll calm. “Good afternoon po Ma’am and Sir, Aivee’s Family... pasensya na po kung hindi kami nakapagbigay kaagad ng short notice. I should have done that but Aivee wanted it to do this.” Napahawak ako sa braso ni Fado. My brothers were shocked. At mas nagulat pa ako nang naghisterikal si Aunt Sheen... she ruined the day. And I wanted to slap her, oo ang sama ng iniisip ko pero kasi... sinubukan naman naming gawin ang tama. Nandito na ‘to eh, and the best thing we can do was... isang simpleng pamamanhikan, to atleast control the damage. But I just can’t understand why Aunt Sheen had to ruin everything. Pati si Mama na siyang dapat sumampal sa akin ay nagulat. Sa halip na magulantang lahat dahil sa bigla e mas nagulat pa sa ginagawa ni Aunt Sheen. Kailangan kong umalis ng bahay, I don’t feel safe there, at mukhang naiintindihan naman ng pamilya ko. They let me leave with Uncle Fado. Kasama ko ang pamilya niyang lumabas, umuwi na rin ang catering na naghatid ng mga pagkain. “Pasensya na iha, mukhang nagulat ang pamilya mo sa nangyari. May yari, at itong anak ko may pagkagago.” Naglighten ang atmosphere dahil sa sinabi nito. Nanunukso ang tawa ng dalawang kapatid nito, na nakilala ko na rin... si Nathan at Sena, may isa pa nga raw na kapatid si Fado... iyong Abelardo na nasa kabilang bayan at kasama ang Mama nilang may binisita nga raw sandali. Hahabol nga sana ang mga yon kung hindi lang nasira ang araw. We ended up having lunch at Fado’s place. Nalaman ko rin na hindi nga sila madalas dito kasi may inaalagaan ding negosyo sa kabilang bayan, medyo malayo nga raw kay Fado... pero kasi malaki na raw ito, he can help himself. Oo sobrang laki... I blush at that thought, nagkuwentuhan na nga lang kami doon at pinag-usapan ang second attempt ng pamamanhikan. “It’s better po Tito if we’ll do it here. Kakausapin ko sina Mama’t Papa na dito na maglunch bukas. Mahirap po kasi baka magwala na naman iyong Tita ko.” Tumango ito, mukhang nakakaintindi. Maya’t maya ay tumayo ito kasi may tumatawag sa sariling cellphone. Hindi katagalan bumalik din ito at sinabing papunta na ang asawa. Kasama nito ang sumunod kay Uncle Fado, kasama nga raw ang tatlong pamangkin. I also learnt that Fado has 5 nephews and nieces. Tig-iisa dito sa dalawang kasama namin at tatlo nga roon sa sumunod dito. I was eyeing him, like I was throwing him some teasing stare. Natatawa lang ako kasi ang bibilis ng mga kapatid niya samantalang siya, ni hindi pa nga nakakapag-umpisa... with his unborn child in my stomach. “I know what you were thinking, Aivee... nag-iingat lang ako, but I think I hit a jackpot. Ikaw ang nakasalo.” Ako dapat ang nanunukso, pero mukhang ako pa ang natukso. Nag-iinit nga ang mukha ko, bakit naman kasi ganoon? Hindi nga sadya pero sinadya ng tadhana. I just can’t... still imagine that I am truly pregnant with his unborn child. Pakiramdam ko nagigilalas pa rin ako sa ideyang pinutukan ako nito, unintentionally. “Fernando,” masama ang titig ng Mama nito sa kanya. I got tensed as I was drown on her motherly hug. Pakiramdam ko magaan ito, pakiramdam ko I’m still blessed that I met this kind people. “Bata pa ‘to ah?” Hiyang-hiya ako sa sinabi nito, coming from her lips... it sounded like I’m a minor. Hindi naman, masyadong malayo lang ang age gap naming dalawa... and very alarming to be honest, but still... I’m not a minor. “I-I’m already 22 po Tita.” Sabat ko. Parang naaawa naman itong tumitig sa akin. Kahit sinabi ko naman ang totoo kong edad it feels like she’s seeing me as minor. What am I supposed to say? Syempre iyong totoo, “Mukha ka namang matino, iha... kaya lang, hindi ko gusto iyang suot mong maiksi ngayon. Buntis ka na, dapat palitan mo na iyan.” Ngiti nito, I don’t know if concern lang ito o ano. Bigla akong nailang at tinitigan si Fado na sumenyas pa sa Mama niyang tumahimik. So ganoon pala? Masyado itong prangka, at mukhang hindi naman pang-iinsulto ang gustong gawin. “Sige po, Tita.” Hindi na ito nagsalita ulit, makulit nga at binibida ang pinaggagawa ni Fado dati. Even the sidechic and the girls fight because of him noong highschool. Napangiwi ako at tinutukan ito ng mapanghusgang titig. Tinawanan nga lang ako. Nakilala ko rin iyong Abelardo, somehow, he’s the silent type. Nalaman ko pa na nurse ang asawa nito kaya nasa labas dahil nga gustong-gusto noon na magmigrate. Ang mga bata ay nandito, may panganay na rin na nasa kolehiyo pa. Ang mamatured ng mga kasama ko... malalaki na kasi ang mga anak sa pangalawa. Yong ibang kapatid ni Fado ay nasa elementarya pa ang mga panganay. And speaking of panganay, I was grinning while teasing him. Natatawa nga sa halip na mapikon, yong pamilya niya nasa kabilang mesa at nag-uusap ng kung ano-ano. Dito naman kami sa maliit... just some alone time. “Hayaan mo na kung bunso, susundan naman natin kaagad.” Halakhak nito. Nasapak ko naman ito. Anong susundan kaagad? Ito nga wala sa plano, give me some break. I’m still young and my life just started. “Sa tingin mo magugustuhan kaya ako ng pamilya mo?” Tanong nito kalaunan. Di ko alam, I honestly don’t know... kasi hindi ko rin masabi lalo na sa reaction nila kanina. They were all shock, who wouldn’t be? Itong bunso nila may ipinakilala kaagad na lalaki, namanhikan na kaagad. Na todo deny ko pa noon. Somewhat, I do understand why Tita Sheen became hysterical. Kasi naman, puno siya ng paalala sa akin noon, then in the end she felt that she ended failing all those. “Try natin bukas, I couldn’t tell... mababait naman ang parents saka kapatid ko. Masyado lang protected, but I’m a grown up!” “Still young, Aiv. And I’m sorry for putting you in this situation.” Kita mo ‘to! Nagsosorry pero pinilit iyon na gawin. Hayaan na, nandito naman ‘to. As if it will go back to what it is kung puro kami pagsisisi. “Kakausapin ko mamaya, do you have spare clothes there? Hindi ako uuwi eh.” And the worried face washed up. Do I have to remind him that we’re not doing it until the child is born? Last na yong no’ng isang araw... ewan ko ba, wala nga ako sa mood no’n pero dinala ako sa langit. “We’re not doing it,” bulong ko. Ngumisi lang ito, and I don’t trust that cheshire smile. Mukhang may binabalak... at talagang dapat akong kabahan. Pansin ko sa pangalawang beses, he’s somehow a beast on bed... I mean, walangya talaga. Who would’ve thought that after being so gentle he would go into something hard. And everytime he would that, I had to remind him that I’m pregnant. Nakaalala lang kapag nababanggit ko ang pagiging buntis, tapos makakalimot kaagad. Medyo natakot ako doon, kaya ngayon... I should be more extra careful. We’ll not going to do that until I give birth. Maya-maya pa ay unti-unti nang umalis ang mga kapatid at magulang ni Fado. This panganay na namention nga ni Fado na Bobby ang pangalan at naging estudyante ni Aunt Sheen before, ay cinongratulate kami... saying that my Aunt will eventually accept this reality. Tumango ako, matured itong mag-isip. Mukhang matino pa kabaliktaran ng Tito nito na pansin kong kanina pa haplos ng haplos sa bewang ko. Until there’s no more family left in his house. Sinamaan ko nga siya ng titig nang pansin kong nag-uumpisa na namang lumandi. Do I really have to remind him everytime about my pregnancy? “Please, let me give birth first then we’ll do that again.” Humalakhak lang ito at sumunod sa akin. Himala at mukhang nakakaintindi. Hindi na namimilit at hindi tulad ng madalas nitong ginagawa. So I asked him if what he likes for dinner. Ganado akong magluto ngayon kahit ang daming worries sa isipan ko. Dagdag pa iyong pagwawala ni Tita kanina, makareact parang mas pa kay Mama. Tinulungan niya ako sa paghahanda, bawal daw akong masyadong kumilos... he’s worried, I know. But I’m perfectly fine and I know my body. I won’t risk the life of his child for my own whim. Kaya ko pa naman. We also had our early dinner. Pagkatapos nanood muna kami ng palabas, which is about nga sa Alien na I found very interesting. Natatawa nga lang ako kay Fado na kulang na lang maging paranoid. He said that he’s scared that those unknown creature will make my baby weird. Siraulo talaga. Di naman anak ‘to ng Alien. The next day, or the next lunch time... my parents and brothers are very silent while the foods are served in the middle of the table. Kabado ako,Oo... takot akong mapagalitan. Pero ano pa bang magagawa ko kung hindi tanggapin lahat ng mangyayari? “Hindi ko gusto ‘to, but what can we do if my only daughter is pregnant now?” Medyo galit na sabi ni Mama. Papa’s silent and so my brothers. Nahihiya sigurong magalit kasi nga may ibang tao pa maliban sa amin ni Fado. “And I’m sorry Mr and Mrs Aculada, it was my fault.” “Ma, sorry...” Though the pamamanhikan is a bit okay, di pa rin mawala iyong atmosphere na parang ayaw maniwala nina Mama. They agreed that we’ll get married soon. Binuksan din ni Papa ang usapin na baka kung pwede gawin na kaagad, kung pwede next month na, before the town people notice my growing womb. I wanted too... but remembering Aunt Sheen. Baka magwala na naman iyon. Pinakiusapan ko si Fado kung pwede doon na lang sa pinuntahan naming farm noon. The place looked so peaceful, and I’m sure there are only few people will attend that wedding. Siguro ilan sa mga kamag-anak at kaibigan niya... at ako naman ay iyong mga immediate family ko lang din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD