All the things are already checked, we will just wait for the day to come. Ilang Linggong pahinga, finalized bago ang event at pagmudmod ng mga invitation. Halos mabingi ako noong nagtitili si Ace ng tumawag silang mga kaibigan ko.
“Is this even real? Ikakasal ka na?” Namimilog pa ang mga matang bungad nito sa akin. Lima kaming nasa grupo, ang isa busy yata kaya hindi nakasagot. Halos nga lang mabaliw ang mga ‘to ng nalaman iyon.
I sent their invitation thru mail, natanggap nga kaagad at ngayon tumawag sila sa akin para lang maghisterikal. They know that I had a boyfriend before, kaso nga lang hindi iyon tumagal. And after that I became so focus with studying, hanggang sa makagraduate ay hindi na ako nag-entertain. And now that I just worked here for a short time of 3 months eh ikakasal na kaagad.
“I’m pregnant,”
Mas lalong nagwala ang tatlo. Hindi yata makapaniwala. Kung tutuusin sa’ming lima sila itong masasabi kong mas open minded. They knew what s*x is, ako kasi hindi ko pinapansin iyan noon. Kaya ang blind-blind ko sa mga pasimpleng ginagawa ni Fado noon. And now... may laman na ang tiyan.
“I saw the invitation, no pictures... pangmatanda pa ang pangalan ng groom. Don’t tell me...” sulpot ni Brenda.
Naitikom ko naman ang labi, totoo naman kasi... the gap, 18 yrs and for some it wasn’t ethical. Either iisipin ng mga tao na piniperahan ko lang si Fado or malibog ako kaya pumatol sa matanda. Whatever, if only I have pictures with him here in my phone ipapakita ko sa apat.
“Totoo?!” Namimilog ang mga mata ni Ace.
Ngumiwi ako at sinabing magpo-forty ito this month, actually bukas. Halos magwala na naman ang mga kaibigan ko. They’re demanding for me to show them what he looks like. Sinabi kong wala akong picture. Pero namimilit kasi, kaya nangako akong bibigyan sila bukas kasi may family dinner, together with Fado’s family.
Pagkahapon ay naging bored ako sa bahay. Syempre ano naman ang gagawin ko dito kundi tumunganga? The place is already clean, tinulungan ako ni Fado kaninang maglinis. Ganadong-ganado ito, which made me nervous. Mukhang may hihingiing favor na naman.
Pinanindigan ko iyong sinabi kong wala talagang s*x, pero kasi... talagang pag nalilibugan iyon ay ginagamit naman ang bibig ko. Sometimes we both forgot and he would start rubbing my pearl. At alam niyang nagugustuhan ko iyon kaya minsan parang baliw din at pinipilit akong patungan siya. Which, I declined for how many times already.
Alas dos ng hindi na ako nakatiis. I picked my mini shoulder bag and lock the doors. Bibisitahin ko dahil wala naman akong gagawin dito, he said that he’ll be late home later. Kapag ganoon, alas siete na iyan makakauwi. And the lenght of boring hours, wala naman akong gagawin.
I used my shorts-short and wear a simple shirt, siya pa nga ang bumili nito kasi ang sabi lagi na lang daw akong nakaseksing damit... nakakalimot daw, siraulo talaga. Pagkatao na niya ang pagiging manyak, sinisi ba naman ang suot ko.
Nagpahatid ako sa shop, and he’s there talking to some clients... nanlalaki ang mga mata nitong napasilip sa akin ng pumasok ako. Hindi rin ako bulag para makitang tumigil ang ilan... they’re eyeing me... or us?
Kasi naman nakasama ko ito noong outing, and who would’ve thought that I’ll get pregnant by Fado’s child... or hindi nila alam?
“Bakit ka nandito? Madumi...” kabadong sabi nito at inalalayan ako sa bewang. Napatitig pa ang kliyente sa akin. Mula ulo hanggang paa. At unaware ang isa kung paano ako pasadahan ng tingin nitong kausap kanina. Ngumisi pa yata... I am not sure. Di ko alam ang tumatakbo sa isipan nito. But I, I assumed that maybe he’s thinking that I’m too young for Fado.
Wala namang bata kapag gusto...
“Sa office ka muna... sorry, I have to bring her inside, sandali lang ‘to.” Paalam nito sa kausap.
Inalalayan ako papunta doon sa dulo, tumitig ako rito habang naglalakad kami. He smells so good, I don’t know... baka epekto ng pagbubuntis kaya kahit may kaunting pawis dito ay parang bulaklak ang amoy niya sa akin. And I wanted to be clingy even if it shameful.
“We’ll talk later, kakausapin ko lang ang kliyente.” Sabi nito pagkaalalay paupo sa’kin dito sa lumang sofa. Pumasada pa ang tingin sa akin. Ngumisi ng kaunti saka bumulong, making me widened my eyes.
“Sige pa, Aiv. Iksian mo pa lalo... baka... baka, di na ako makapagpigil. I will f**k you so hard.”
Siraulo talaga!! Talagang dito? At ano daw? I had never heard him use that word. Kaya gulat ako sa sinasabi nito.
Umalis na nang hindi ko nasasaway. Kakainis lang. Hindi ko ma-counterpart. Bumuntong hininga na lang ako at sumandal. I also checked all the unread messages. Mga kamag-anak lang na nagtatanong kung totoo bang ikakasal ako. Hindi ko alam kung ininvite ba nina Mama at Papa basta okay lang naman kasi kakaunti lang naman kaming makakaattend. And also, we listed some of the invited... hindi pa umabot kahit 30. Kasali na ang principal, asawa’t anak... at syempre ang tatlong bridesmaid that I asked from Fado. Wala akong kukunin sa side ko kasi wala naman akong sobrang close doon.
After awhile, Fado came back with foods from his hand. Sinilip ko kasi mukhang nakakagutom ang amoy. Turon at isang pack ng juice. I started eating while resting my back on the couch. Tumabi rin sa akin si Fado at inayos pa ang tikwas ng buhok ko. Napatitig tuloy ako sa kanya, pilit din kasi ako nitong hinahapit palapit kaya I can’t concentrate.
“Gawin mo lagi ‘to ah, maliban diyan sa maiksi mong shorts. Di ko gusto iyang nakikita ng iba.”
Tinaasan ko siya ng kilay, “And why? I’ve been like this eversince, hindi naman bago ah.”
“Noon yon, iba na ngayon Aiv. Buntis ka... akin ka—“
Natawa ako. Iyong tawa na hindi naman sarcastic pero tawa na hindi ko maintindihan. Actually, mukhang tawa na hindi ko inaasahan na yon ang sasabihin ni Fado. Hindi ko kasi makita sa kanya ang pagiging possessive. Hindi bagay.
“Totoo namang pag-aari na kita, hindi ko gusto iyong pagtitig ng ilan kanina. Parang hinuhubaran ka—“
“Fado!” Namilog ang mga mata ko, “Ikaw nga diyan ang nanghuhubad!”
Humalakhak ito at tulad ko sumandal na rin. Nasa isang sofa kami pero parang masikip... kasi naman, malaking tao si Fado eh. Iyong... hindi ko inaasahang papatulan ko. With the tattoos on his neck down to his shoulder? Sinong mag-aakala na ang isang katulad ko ang magpapauto? My friends know me so well. Iba ang standard ko sa lalaki, I prefer clean and young... my age, and iyong mukhang malayo pa lang baby boy na ang datingan. But here, here with Fado. I feel like a baby.
“Nagpapahubad ka rin naman ah.” Bawi nito.
Sumimangot ako at namula ang pisngi. Oo kasalanan mo rin Aiv. Wag mong isisi ang lahat sa kanya.
And I accidentally rested my eyes in between his pants. Mas lalong uminit ang pisngi ko at umiwas. Halos hindi na mawala sa isipan ko iyong bukol. Like 24/7 nakatatak sa isipan ko, even in my sleep. Binabangungot na nga ako minsan.
“Magpapacheck up tayo after my birthday, one month na iyan... and still we didn’t had time for OB.”
Oo nga, nakalimutan ko. Siguradong mapapagalitan kami pag nalaman iyon. And besides, we became so busy that’s why we forgot.
Tumango ako at tumuloy sa pagkain. Kumakain din naman siya but he won’t forget to stare at me. Naiilang ako... gusto kong magtanong kaso nahihiya talaga ako. And besides, he’ll be my partner soon. He’ll be my husband. Di ko alam kung magtatagal nga.
Nakatulog ako pagkahapon, hindi ko napigilan. And he started to become real busy, seeing that customers won’t stop from coming in. Kulang yata sa tao kaya kailangan ding kumilos ni Fado.
Alas singko ng naalimpangutan ako, I can smell something nice. Pagkadilat ko nakita kong nakatuwalya na lang si Fado... napatitig tuloy ako sa dibdib nitong matigas pa yata kesa sa mukha nito. And then my eyes glued on his tattoos... I never paid attention on that before. Kasi wala lang naman. Pero ngayon... maangas pala talaga.
Napaupo ako habang pinapanood itong naglalakad paroon at parito. Siguro naghahanap ng masusuot o kung ano. I was studying him but then he notice me there. Lumapit ito, naupo sa tabi ko... at napapikit ako habang inaamoy siya. Natawa nga ito, kaya napadilat ako at napatitig sa ibaba. Nakasilip ang isang hita nito... matigas at ma-muscles.
Napatingala tuloy ako sa kanya. And we both stared at each other until he planted a small and sweet kiss on my lips.
“Ako ba ang pinaglilihian mo, Aiv?” Ngisi nito.
Sumimangot ako at bahagyang lumayo. But my nose won’t even leave his scent. Napilitan akong dumikit sa kanya at humilig... he smells so nice. That I wanted to sleep again.
Tinatawanan nga lang ako at hinaplos ang buhok ko. I let him, he let me...
“Anong gusto mo para sa dinner? Magluluto ako.” Sabi nito.
Tumingala ako at sinabing parang gusto ko ng bulalo. Tumango ito at sinabing baka mapapaaga na lang ang pagtapos nito sa trabaho dahil binisita ko raw.
Sumimangot tuloy ako at niyakap siya. I don’t know why I became so clingy. No’ng isang araw lang mainit na kaagad ang ulo ko dito... ngayon parang ang comfort-comfort lang na ang sarap nitong yakapin kahit kasing tigas pa yata ng bato ang katawan. Mabango kasi ito, as in... that I wanted to sit on his laps. Paano ko ba sasabihin iyon?
“I bathe Aiv...” bulong nito. Pakiramdam ko hinahalik-halikan nito ang ulo ko.
Paano ko ba sasabihin?
“Do I smell good?” Bulong nito.
Tumango ako at humilig pa lalo. I tried to put my other leg on his one leg... kaso nahihiya ako. Binundol ko na nga lang.
Tumawa ito...
“What do you want, Baby?”
Mas lalong nag-init ang pisngi ko at yumuko. Tapos naalala ko na naman iyong sa van before, where it was all started. I crave to be on his laps, para akong masusuka kapag hindi ko nagawa iyon. Para ngang sumasama ang loob ko.
But how can I say those? Ano? Sasabihin kong...
“Hindi kita mabasa, Aiv. May gusto kang gawin?” Tulak nito.
Napatingala ako, his ears started to look bright, siguro kasi namumula. Mas mapula ngayon.
“Aiv, you’re giving me that look again. I may forget that we’re still in my office.”
Ako na naman tuloy ang nag-init ang pisngi. What now? Anong sasabihin ko? Syempre dahil sumasama ang loob mo kailangan mong sabihin iyon.
“C-can I...” bumuntong hininga ako, “... s-sit here?” Turo ko sa laps nito.
Ngumisi itong tumango at siya na mismo ang bumuhat sa akin. Nawala sa ayos iyong suot niyang tuwalya. I feel uncomfortable. Nakaharap ako sa mesa nito. Pwede naman akong tumagilid but I help myself by changing position. Humarap ako dito, parted my legs and put them in opposite sides. Humalakhak ito, niyakap ko naman ang leeg niya. At inamoy siyang parang uubusin. And I’m very aware that he’s starting to grow bigger. But I don’t care, really... I’m more excited with the building of happiness in the pit of my stomach.
“Aiv, baka... pwedeng, papasukin mo naman?” Tawa nito.
Umiling ako as I tightened my hug. Nakakaadik. Bakit ganito? Hindi namam ganito ito kaninang umaga. He smells normal, hindi mabaho pero mabango kaso hindi nakakakiliti. Ngayon. Parang gusto ko siyang singhutin.
“Aiv...” tawag nito. Umiling ako, but I am very aware that he’s trying to rub his thing between my legs.
Bahala siya, basta ako... kailangan ko ang amoy niya para mawala itong tampong nararamdaman ko. Nag-iinarte yata ang nasa sinapupunan ko... at ako naman itong nahihirapan.
“Aivee Dar... grabing parusa naman iyan.” Halakhak nito.
Napangisi na lang ako as I combed his back hair. Ang hirap naman palang maging buntis. Ang arte-arte... huli na talaga ‘to.
Ayaw ko na ulit.
Kaso, after 5 months... I was shaking as I show Fado these three PTs. Duda na ako simula pa lang last week, it is the same feeling I had with Darvian. Nilagnat ako ng grabi-grabi at muntik pang na-ospital kung hindi lang gumaling kaagad kinabukasan. No other symptoms, no vomitting, no dizziness... talagang diretsong lagnat.
We both stared at each other... and stared at Darvian who just turned 5 months today.