"Nakakainis ang babaeng iyon! At kailan pa siya nagkaroon ng interes kay Jonathan? Pinagtatabuyan nga lang niya noon si Jonathan eh! Tapos ngayon, umeeksena siya sa pag- iibigan namin? Kapal ng pagmumukha!" gigil na wika ni Maya. Natawa ang kaibigan niyang si Sia. Alam niya kasing noon pa mayroong nararamdaman si Maya para sa binata at ngayon ito naglakas ng loob na gumalaw na. Kumilos na si Maya upang hindi niya pagsisihan kung sakaling maaagaw sa kaniya si Jonathan. "Baka bigla niyang na- realize na totoo pala ang pagmamahal ni Jonathan sa kaniya? Eh kasi naman maloko rin si Jonathan. Kaya siguro hirap siyang magtiwala noong una. Pero ngayon, baka napagtanto niyang isang matinong lalaki pala si Jonathan kaya susubukan na niyang buksan ang puso niya," paliwanag ni Sia. "Letse siya! Man

