'Ayoko ng ganito! Bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon?! Bakit niya ginugulo ang isipan ko?! Argh!' Inis na bumangon sa kaniyang kama si Caroline. Wala pa siyang maayos na tulog dahil naiisip niya si Jonathan. Ginugulo nito ang kaniyang isipan. “Good morning aking mahal! Bakit parang haggard ka yata ngayon? Nakatulog ka ba ng maayos? Parang hindi kasi eh,” bungad sa kaniya ni Jonathan. Inirapan nya ito. “Letse! Doon ka nga! Panggulo ka sa buhay!” Napakamot ng ulo ang binata. “Ha? Bakit? Ano ba ang ginawa ko?” Kulang na lang mapatay ni Caroline si Jonathan gamit ang kaniyang titig. Napalunok tuloy ng makailang ulit ang binata at nakaramdam ng kaunting takot dahil nakamamatay ang titig sa kaniya ni Caroline. 'Nakakainis na ang lalaking ito! Nilalamon na siya ng sistema ko! Paano ko k

