Binuhat ni Jom ang kaniyang nobya patungo sa kanilang kuwarto kung saan gagawa na naman sila ng mainit na sandali. Tapos na ang pagiging makasalanan nilang dalawa dahil legal na ang pag- iibigan nilang dalawa. Maingat na inihiga ni Jom sa kama ang kanyang pinakamamahal na si Elena bago niya ito hinalikan. Mabagal ang galaw ng kaniyang labi habang ang kamay niya ay humahaplos sa balat ni Elena. Gumagapang ito sa balat ng kaniyang nobya na para bang sinisimulan na niyang paliyabin ang apoy sa katawan nito. Yumakap sa kaniya si Elena habang buong puso itong tumutugon sa kaniyang mainit na halik. Sinigurado ni Jom na kahit nasa ibabaw siya ni Elena, hindi niya masasanggi ang tiyan nito. Unti- unti niyang hinubad ang damit nito pang itaas. Bago niya sinunod ang suot nitong bra. Maingat niyang

