Isang engrandeng kasalan ang naganap kina Jom at Elena. Imbitado ang tatlong magkumpare na sina Clyde, Justine at Steven. Masaya si Clyde na ang dati niyang sekretarya, na kaibigan na rin niya ay nahanap na ang babaeng makakasama niya habambuhay. Malungkot namang nakatingin sa bagong kasal si Justine kaya nilapitan siya ni Clyde. "Justine..." Naupo sa tabi niya si Clyde bago siya nito tinapik sa balikat. "Ayos ka lang ba?" Mabilis na umiling si Justine. "Hindi. Pinipilit ko lang lumaban sa hamon ng buhay. Pinipilit ko lang magpakatatag. Grabe ang naging karma ko 'no? Sa lahat ng ginawa kong kasamaan kay Cara, grabe ang naging balik sa akin." "Tsk. Huwag mo na ngang isipin pa iyon. Tapos na iyon. Okay na tayo. Naniniwala ako na kayo pa rin ang endgame ni Jonah. Siguro, sobra lang siyang

