Two years later.... Isang taon matapos makapagluwal ng kambal si Cara, muli silang ikinasal ni Clyde. Tuluyan na ngang bumalik ng bansa ang mga magulang ni Clyde na sina Gray at Camilla dahil gusto nitong alagaan ang kanilang mga anak. Tuwang - tuwa si Clyde dahil makakasama niya ang kaniyang magulang. Ang kapatid naman niyang si Clifford ay present din sa kasal nila pero masyado itong busy sa negosyo. Madalas na rin ang pagdalaw ng kaniyang nga magulang sa kanilang bahay para bantayan ng kanilang mga apo. Kaya naman hindi na sila kumuha pa ng yaya. "Ako na muna ang mag- aalaga sa apo kong napakaganda," wika ni Camilla nang buhatin niya ang apo niyang babae. "Ako naman dito kay pogi! Kumain na muna kayong mag- asawa. Kami na ang bahala sa mga apo namin," sabi naman ni Gray. "Salamat p

