"Kumusta ang mommy mo? Okay na ba kayo?" tanong ni Jonah nang makauwi si Justine. Sa bahay na siya ng binata tumutuloy. Malapit lang din kasi ito sa trabahong pinapasukan niya ngayon. Dapat sana kung hindi dahil kay Justine, sasama na siya sa kaniyang pamilya sa probinsya para doon na tumira. Pero dahil mahal na niya si Justine, nagpaiwan siya sa binata para makasama ito. Magpapadala na lang siya sa kaniyang pamilya. "Hayaan mo na si mommy. Bahala siya sa buhay niya," galit na wika ng binata. Naupo sa tabi niya si Jonah at saka siya hinawakan sa kamay. Tinitigan naman ni Justine ang kaniyang nobya. Naaawa siya para kay Jonah dahil minamaliit ito ng kaniyang ina. At isa pa, iniisip nito na pera ang habol ni Jonah sa kaniya. "Ahm... a- ayaw pa rin ba sa akin ng m- mommy mo? H- Hindi niy

