May ngiti sa labi nang gumising si Jonah. Bumungad sa kaniya ang guwapong mukha ng kaniyang nobyong si Justine. Dinampian kaagad siya nito ng halik sa labi bago inalalayang makatayo mula sa kama. "Good morning, mahal..." malambing na wika ni Justine. "Good morning din, mahal... bakit ang aga mo yatang nagising?" nagtatakang tanong niya. Matamis na ngumiti si Justine. "Naisip ko na dapat palagi kitang ipaghahanda ng almusal para ganado ka sa work mo at hindi ka manghihina. Gusto ko nga sana, sa akin ka na lang magtrabaho para hindi ka na mapapagod pa eh." Tinawanan lang iyon ni Jonah. Ayaw niyang magtrabaho kay Justine dahil alam niyang magiging masama ang iisipin ng mommy nito. Sigurado siyang isipin ng ina ni Justine na sarap buhay lang siya sa trabaho lalo pa't nobyo naman niya ang

