Bumuga ng hangin si Justine habang nakatingin sa picture nila ni Jonah kuha mula sa kaniyang cellphone. Miss na niya kaagad ang kaniyang nobya kahit na ilang oras pa lang silang hindi nagkikita. Bigla tuloy siyang nagsisi na tanggapin pa ang kanilang kompanya kung saan siya na ang magpapatakbo nito. Hindi na kasi kaya pa ng daddy niya ang magpatakbo nito at gusto na ring magpahinga. Wala rin namang ibang aasahan kun'di siya lang. Sa totoo lang, mayaman naman talaga ang pamilya ni Justine. Ang mommy niya lang ang may pagkamadamot. Pinagdadamutan niya ang kaniyang anak dahil gusto niyang sundin siya nito. Ginagamit niya ang yaman nilang mag- asawa para pasunurin ang kanilang anak. Nalaman niya kasi ang tungkol kay Karen. Ang ginawa nito kay Justine kung kaya't iniisip kaagad niya na gagawi

