Gumapang ang kamay ni Jom sa malusog na dibdib ni Elena at doon na namalagi habang magkalapat ang kanilang mga labi. Binuhat niya papasok sa loob ng kaniyang bahay at dali- daling umakyat ng hagdan patungo sa kaniyang kuwarto. Maingat niyang inihiga sa kama si Elena at saka muling siniil ng halik. Nagtatalo ang isip ang katawan ni Jom sa mga sandaling iyon. Sinasabi ng isip niya na tumigil na ngunit ayaw naman ng kaniyang katawan. Nagliliyab na ang katawan nilang sabik sa isa't isa. Tila ba nangungulila ang kanilang katawan sa tagal nilang hindi nagkasama. Sa gabing iyon, lilikha ng makasalanang gabi ang dalawang pusong sabik sa isa't isa. Wala na nga sa sariling pag- iisip si Elena dahil tuluyan na siyang nilamon ng init. Hindi nga sumagi sa kaniyang isipan ang kaniyang asawa. Ang tangi

