"Magkuwento ka... makikinig ako," wika ni Jom na nanginginig pa ang kalamnan. Masama man kung iisipin ngunit may kung anong saya siyang nararamdaman nang malamang hindi pala masayang talaga ang pagsasama ni Elena at ng kaniyang kumpare. Bigla tuloy siyang nagkaroon ng pag- asa sa isiping siya ang mahal ni Elena. Na siya ang nilalaman ng puso nito. Bumuntong hininga si Niel. "Iyon na nga... hindi ko alam kung aasa pa ba akong mamahalin niya ako. Handa ko naman siyang mahalin hangga't kaya ko eh. Pero kung talagang ipaparamdam niya sa akin na hindi niya ako kayang mahalin, ayos lang. Hindi ko naman isusumbat ang mga naitulong ko sa pamilya niya. Hindi naman ako ganoon..." Kumunot ang noo ni Jom. "Bakit? Ano ba talaga ang nangyari? At bakit ba kayong dalawa ikinasal?" Bago pa man magkuwen

