"You're so pretty, Allain..." nakangiting wika ng mommy ni Justine. Inimbitahan niya ang dalaga na mag- dinner sa kaniya dahil may sasabihin siya dito. Si Allain ay may pagtingin noon kay Justine ngunit sumuko kaagad siya nang malaman niyang kasal na si Justine kay Cara. "Kayo rin po, tita! Parang hindi po kayo tumatanda, ah. Parang mas bumabata pa po yata kayo," papuri naman ni Allain. Humagikhik naman ang mommy ni Justine na para bang kinikilig sa sinabi ng dalaga sa kaniya. Hindi niya alam inuuto lang siya nito. Hindi naman talaga bumabata tingnan. Halatang matanda na talaga siya. Sanay lang talaga sa plastikan si Allain. "Ikaw talaga! Palabiro ka masyado! Siya nga pala, gusto ko lang malaman kung may nobyo ka na ba? Nag- stalk ako sa social media account mo, wala akong makitang pos

