"Mommy, bakit kaya ang sungit masyado ng anak ni tita Cara. Hindi ba ako guwapo? Bakit ayaw sa akin? Lagi niyang pinalalandakan ang ilang taong tanda niya sa akin. Gusto niya raw ng mas matanda sa kaniyang lalaki para matured," nakabusangot na wika ni Jonathan. Tumawa si Jonah. "Anak, naiintindihan ko si Caroline. Kahit kami ni tita Cara mo, mas matanda sa amin ang mga napangasawa namin. Si Cara nga, sampung taon yata ang agwat ni Clyde sa kaniya. Nakalimutan ko na eh pero ang alam mo, malayo ang agwat nila sa isa't isa." "Iyon naman po pala, mommy. Kung baliktad, iyong babae naman ang mas matanda sa lalaki, bakit big deal? Walang problema sa akin kung gusto niya ang matured na lalaki dahil kaha kong maging ganoon!" mayabang pang sabi ng binata. Pinagmasdan ni Jonah ang kaniyang anak. T

