"Hi, Blake!" wika ni Caroline nang lapitan niya ang binata. "Hello, Caroline..." tipid naman nitong sabi. Kinagat ni Caroline ang kaniyang pang ibabang labi. Kinikilig siya ngayong magkalapit lang sila ng lalaking gusto niya. Nagustuhan niya si Blake dahil sa bad boy look nito at hindi ganoon kadaldal. Hindi katulad ni Jonathan na masyadong maloko at maingay. "Ahm... dito ka ulit matutulog?" tanong niya. Minsan kasi ay doon natutulog sa bakanteng kuwarto si Blake kapag nag- iinuman sila ni Callen. Palainom kasi ang kambal niya ngunit hindi naman ito nagpapakalasing ng husto. Tamang inuman lang kasama si Blake na kaniyang kaibigan. "Siguro... bakit mo pala naitanong?" "Walang lang..." nahihiyang sabi ni Caroline. Ramdam naman ni Blake na may gusto sa kaniya ang dalaga ngunit hindi ni

