Todo pa- sexy si Caroline upang mapansin siya ni Blake. Sumama nagtungo siya sa party sa kanilang kompanya para lang magpapansin kay Blake. Napapansin naman siya ng binata. Ngunit hindi iyon pinahahalata ni Blake dahil ayaw niyang umaasa lalo sa kaniya ang dalaga. "Hindi ka papansinin ni Blake dahil hindi ka naman niya gusto. Akala mo na hindi ko napapansin na kanina ka pa nagpapapansin sa kaibigan ko?" nakangising sabi ng kambal niyang si Callen. Umirap si Caroline. "Ano ba ang pakialam mo? Paepal ka talaga! Parehas kayo ni Jonathan! Kapatid mo ako pero hindi mo ako tinutulungang mapalapit sa taong gusto ko. Bakit ka ba ganiyan?" Nakapamulsang naglakad palapit sa kaniya si Callen. "At bakit ko naman gagawin iyon? Alam ko kung ano ang ginagawa ni Blake sa mga babaeng mabilis niya lang n

