"Bakit nakangiti ka diyan, kuya? Para kang may iniisip na kalokohan," tanong ni Janice nang makita niya ang kuya niyang malawak ang ngiti sa labi. Hinigop ni Jonathan ang kape bago ipinatong sa mini table sa kaniyang harapan. "Wala lang. Naisip ko lang ang ate Caroline mo. Sobra talaga akong kinikilig kapag naiisip ko siya...." aniya ngunit ang naiisip talaga niya, ay nang hindi sinasadyang mahawakan ni Caroline ang kaniyang p agkalalaki. Hindi nga siya makatulog noong araw na iyon. Para siyang baliw na napapangiti sa tuwing maiisip niya ang bagay na iyon. Simpleng hawak lang at hindi pa sinasadya, pero para na siyang tanga. 'Sobra na talaga ang nangyayari sa akin. Simpleng hawak lang iyon pero sobra na akong kinikilig. Paano na lang kaya kung isusubo na niya ito? Baka mamatay na ako sa

