"Good morning, aking mahal na Caroline! May dala ulit akong pagkain para sa iyo! Ibang putahe naman ito!" masiglang wika ni Jonathan nang puntahan niya si Caroline sa opisina nito. Tipid na ngumiti ang dalaga. "S- Salamat. N- Naubos ko iyong binigay mo kahapon. Masarap nga..." Kumunot ang noo ni Jonathan at dali - daling nilapitan si Caroline. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Nagulat si Caroline nang hawakan ni Jonathan ang kaniyang pisngi bago siya nito tinititigan. "Bakit namumugto ang mga mata mo? Sino ang dahilan niyan?!" ramdam niya ang inis sa tinig ng binata. Natatawa siyang inalis ang kamay ni Jonathan sa kaniyang pisngi. "Galit na galit ang mukha mo. Wala ito. Nagdrama lang ako," saad niya bago suminghot - singhot pa. "Sino nga? Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka nagkukuw

