“Caroline, tama na iyan. Bakit ka ba nagpapakalasing diyan?” saad ni Jonathan. “Sa tingin mo kaya, bakit? Hindi ako gusto ng taong gusto ko. Wala siyang balak na gustuhin ako at masakit iyon para sa akin. Minsan na nga lang ako magkagusto sa isang tao, ayaw pa sa akin,” naluluhang wika ni Caroline. Bumuga ng hangin si Jonathan. "Hayaan mo na siya. Bulag siya. Hindi niya nakikita ang gandang mayroon ka. Mapalabas man o loob. Basta ako, nakikita ko iyon. Kaya mahal na mahal kita. Dito ka na lang kasi sa akin. Mamahalin kita ng sobra. Higit pa sa buhay ko." Natawa si Caroline bago ito tumitig sa kaniya. Nagulat siya nang ilapit ng dalaga ang kaniyang mukha sa pagmumukha niya kung saan naaamoy na niya ang hininga ni Caroline. Ang amoy ng alak na nandoon. Kasalukuyan silang nasa loob ng bar

