Nakangiting pinagmasdan ni Cara ang mga librong nai- publish nila sa isang book store. Lalo pang nagalak ang kaniyang kalooban nang makita niya ang mga kabataang kinukuha ang libro na isinulat nilang mag- asawa. Lalo nang nakilala pa ng husto si LonelyPen. Ang penname ni Clyde sa writing world. Dumami lalo ang readers nila dahil nagsasama ang mga ideya nila kapag nagsusulat sila ng bawat kabanata. Mas maganda ang kinalalabasan kaya mas marami ang tumatangkilik. "I'm so happy for you, Cara. Parang dati lang, sinabi mo sa akin na gusto mong sumulat ng isang kuwento pero ngayon, ito na... nakapag- publish ka na ng libro. Kahit na sabihin na nating alam ng mga mambabasa na gawa iyon ni Clyde, alam ng asawa mo na kasama ka niya sa pagbuo ng bawat kwentong nililikha niyo. Binasa ko nga iyong is

