"Saan ka pupunta?" Laking gulat ni Jonah nang lumitaw sa kaniyang harapan si Justine bago siya sumakay sa kaniyang sasakyan. Wala siyang kaalam- alam na kanina pa nakaabang sa labas ng kaniyang bahay si Justine. "Ano ba? Bakit bigla ka na lang sumusulpot diyan? Kung inaakala mo na okay na tayo dahil may nangyari sa atin. Nagkakamali ka. Hindi pa rin tayo, okay!" mataray na wika ni Jonah. Nagulat siya nang hipan ni Justine ang kaniyang tainga kung saan nanindig ang kaniyang balahibo sa katawan. Napangisi naman si Justine. "Bakit ikaw pa yata ang nagagalit sa ating dalawa eh ikaw naman ang nang - iwan sa akin? Hindi ba dapat na ako ang magalit sa iyo? Ang magtampo sa iyo dahil iniwan mo ako nang wala ka man lang paalam? Alam mong sobra akong nadurog noong iniwan ako ni Karen pero ginawa

