"Bes, tama na ang pag - iyak mo diyan. Ang pangit mo na. Hindi ka na maganda sa paningin ko. Mukha ka ng frog dahil namumugto na ang mga mata mo kaiiyak," nagpipigil ng tawang wika ni Shakira - ang kaibigan ni Allain. Pinahid ni Allain ang kaniyang luha bago matalim na tiningnan ang kaniyang kaibigan. "Tanga ka ba, ha? Hindi mo ba nakikitang nasasaktan ako sa mga nangyari tapos ikaw?! Pinagtatawanan mo pa ako! Anong klaseng kaibigan kaz Shakira? Nakakainis ka talaga! Imbes na damayan mo ako sa mga problema ko, ikaw pa itong pinagtatawanan ako! Alam mo naman siguro kung gaano ko kamahal si Justine 'di ba? Hindi ko na nga inisip na babalik pa ang babaeng 'yan. Nakakairita siya! Pagkatapos niyang iwan si Justine, bigla na lang siyang babalik? Pakulo niya lang yang pa- interview niya para tal

