"Wow! Ibang klase ka talaga! Kompleto mo na kaagad ang mga gamit mo para sa catering services mo! Ang galing! May nagpa- book na ba sa iyo?" nakangising tanong ni JP nang makita ang malaking bahay ni Niel na siyang magiging bodega nito sa bagong tayo niyang negosyo. "Ako pa ba? Malakas ang kutob ko na lalakas ang negosyo kong ito. Maagawan ko talaga ng kliyente ang g agong iyon. Tingnan lang natin kung hindi siya umaray kapag naubusan na siya ng kliyente. Baka maiyak na lang siya," tumatawang sabi ni Niel. "Tawanan mo siya ng malakas. Ipamukha mo sa kaniya na kahit saang anggulo tingnan, ikaw ang magaling. Ikaw ang mas angat. At totoo naman iyon, 'di ba? Kailan lang naman siya umangat sa buhay. Ikaw, matagal mo nang nararanasan ang pagiging mayaman. Eh siya, talagang nagbanat siya ng but

