Mabilis na lumipas ang ilang buwan, nagkaroon ng bonggang gender reveal ang mag-asawang Monteverde kung saan ginanap ito sa malaking lupain ni Clyde. Sakay ng isang helicopter, kumalat ang kulay pink at asul sa hangin na ang ibig sabihin, babae at lalaki ang anak nila. Pinalipad din ang ilang asul na balloon at pink. Mula sa helicopter na umiikot - ikot sa itaas nila, ibinaba nito ang malaking tarpaulin kung saan nakalagay ang salitang, 'It's a boy, and it's a girl'. "Wow! Congratulations!" malakas na sigaw ni Jonah. "Congratulations, sir!" saad ni Jom. "Congratulations, pare!" sambit nina ni Justine at Steven. Umiiyak sa sobrang tuwa ang mag- asawang Clyde at Cara. Agad na siniil ni Clyde ng mainit na halik ang kaniyang asawa kaya naman lumakas pa ng husto ang hiyawan at sigawan ng mg

