"Congratulations, Cara! I'm so happy for you! Grabe! Sa wakas, nabuntis ka na at bumalik na rin ang alaala mo!" masayang sabi ni Jona nang dalawin niya ang kanyang kaibigan na si Cara. Nakangiting niyakap ni Cara ang kanyang kaibigan. "Thank you, Jonah! Grabe! Akalain mo yun? Sa dami ng nangyari sa buhay namin ni Clyde , ang ending maayos pa rin at talagang blessing pa rin ang binigay sa amin. Biruin mo 'di ba kahit isang anak lang, sobrang saya ko na kung pagbibigyan kami pero tingnan mo ang binigay sa amin, kambal! Dalawang anak kaagad! Ang galing talaga ng tarubo ni Clyde! Tumalsik nang tumalsik ang katas hanggang sa makabuo ng kambal!" Humagalpak ng tawa si Jonah. "Gaga ka! Talaga ngang bumalik na ang alaala mo dahil nagiging bastos na naman ang mga sinasabi mo! Pilya ka na talaga!"

