"Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang sa akin o kung may tanong ka..." sambit ni Elena habang nagwawalis. Si Lyn naman ang naghuhugas ng plato. "Oo sige. Salamat. Nahihiya talaga ako sa iyo. Kasi ako itong kabit na nakatira sa bahay ninyong mag- asawa." "Ano ka ba? Huwag kang mahiya. Mag- asawa lang naman kami sa papel. Hindi ko naman siya. Kaya nga ang dapat mong gawin, akitin mo siya. Okay? Iyon talaga ang dapat mong gawin at dapat mong galingan doon. Para kapag hiwalay na kami, hindi ka na kabit. Wala ka ng kaagaw. Magiging sa iyo na siya," nakangiting sabi ni Elena. Bumuntong hininga si Lyn. "Pero hindi ko pa rin maiwasang mangamba dahil alam kong wala pa siyang nararamdaman sa akin. May nangyari sa amin, oo. Pero baka hanggang doon na lang iyon." Nilapitan ni Elena si Lyn at sa

