Nagising na lang si Jonah nang wala na sa kaniyang tabi si Justine kinaumagahan. Ngunit may message naman sa kaniya si Justine na talaga namang nagpangiti sa kaniya. Pagdating niya sa kusina, nakahanda na ang kaniyang kakainin. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Jonah. Matapos niyang kumain, naligo na siya at nagbihis dahil pupuntahan niya si Cara. May sasabihin siyang magandang balita sa kaniyang kaibigan. Excited na siyang magtungo sa bahay ni Cara upang ibalita ang umuusad nilang kaganapan ni Justine. "Wow! Ang dami naman niyan!" nanlalaki matang saad ni Jonah nang makarating siya sa bahay ng mag- asawang Monteverde. Marami kasing libro ang nasa sala kung saan pinipirmahan iyon ni Cara. Naging sikat na writer na rin si Cara. Nagpakilala siya sa kaniyang mambabasa habang si Clyd

