"Wow! Yehey!" malakas na sigaw ng kanilang nang lumusong na sila sa tubig. Summer na kaya naman naisipan nilang mag- bonding buong pamilya. Tuwang - tuwa ang anak nilang nagtatampisaw sa dagat habang nakabantay ang inakalang kasambahay. Natawa si Caroline nang lingunin niya ang kaniyang asawang si Jonathan na kanina pa nakabusangot ang mukha. "Hoy! Bakit ba ganyan ang itsura mo? Bakit ka ba nakabusangot?" natatawa niyang tanong sa asawa. "Tsk. Ang sexy mo masyado sa suot mong two piece. Puwede bang huwag ka na lang magsuot ng ganiyan? Kanina pa nakatingin ang mga lalaki sa iyo dito. Kulang na lang, lumuwa ang mata nila katitingin sa iyo," inis na sabi ni Jonathan sabay tingin sa ibang direksyon. "Ano ba ang gusto mo? Ang long sleeve ako dito? Balutin ko ang katawan ko? Mahal naman! Nas

