3 years later.... "Mahal ko! Pakihugasan nga si baby! May dumi na naman!" napangiwi si Jonathan ngunit wala naman siyang balak na magreklamo. Siya na ang palaging naglilinis ng dumi ng kanilang anak. Naging baliktad na kasi ang sitwasyon. Nakiusap sa kaniya ang asawa niyang si Caroline na siya muna ang magpapatakbo ng kanilang kompanya kaya naman naging house husband si Jonathan. Mayroon naman silang kasambahay doon ngunit wala silang yaya. Dahil gusto ni Jonathan na siya mismo ang mag- aalaga ng kanilang anak. "Hanggang sa susunod na taon ka na lang magtatrabaho, ha? Ako na ulit. Baka mamaya, marami ng lalaking nagpapa- cute sa iyo. Marami pa namang batang businessman ngayon. Baka maakit ka sa kanila at iwan mo na lang ako," nakangusong sabi ni Jonathan. Binatukan naman siya ni Caroli

