Pinagmasdan ni Jonah ang resignation letter na ginawa niya bago ito tuluyang ipinasa sa HR. Mabigat ang pakiramdam niya nang bumalik sa kanyang table. Nanghihina ang katawan niya. At hindi na nga niya napigilang maluha. "Jonah...." sambit ni Bertha habang hinahaplos ang kaniyang likuran. "Sure ka na ba sa gagawin mong yan? Baka pagsisihan mo rin 'yan sa huli..." nag- aalang tanong ni Bertha. Mabagal na tumango si Jonah. "Oo sigurado na ako. Ayokong madamay ang pamilya ko sa gagawin ng mommy ni Justine sa akin. Labas ang pamilya ko dito kaya ayokong lumala pa ang lahat dahil lang sa akin. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Ayaw na ayaw ko silang mapapahamak. Sa katunayan nga, minsan iisip ko ng gumawa ng kalokohan para mabilisan ko silang maiangat sa hirap ng buhay pero hindi kaya ng kons

