"Sa tingin mo ba dapat ko ng hiwalayan ang asawa ko?" tanong ni Niel sa kaibigan niya. "Hindi. Ang suwerte naman niya. Tapos ng mga ginawa mo sa kaniya, hiniwalayan mo na lang siya basta? Nang dahil lang sa hindi ka niya kayang mahalin? Kasi may iba siyang minamahal? Ang g ago rin ng babaeng iyan. Pagkatapos ng lahat ng kabutihan mo sa kaniya, ganiyan lang isusukli sa iyo?" naiinis na sabi ni JP. Natawa naman si Niel sa sinabi ng kanyang kaibigan. "Bakit ba parang galit na galit ka naman sa asawa ko?" Tiningnan siya ng matalim ni JP. "Matagal mo na akong kaibigan, pare kaya may pakialam ako sa iyo. Sa ginawa niya sa iyo, hindi ba ba iyon nakakagalit? Isipin mo, minahal mo siya, ibinigay mo sa kanya.ang gusto niya, tinulungan mo ang magulang niya tapos ang mahalin ka lang.... hindi niya

