Kabanata 7

1784 Words
Kotse “AAAAA!! Kinikilig talaga ko sa inyo ni Sir.Euandross!!” Impit na tumili si Cris at Ria habang nagtatalon sa harap ko. Habang ako, eto tulala sa kawalan at Hindi maalis sa utak ko ang sinabi ni Eros. Anong mabango? Hindi kaya? Uminit ang pisngi ko sa naisip. “I smell something fishy, Bridget. Imagine dalawang gwapong Hunk ang nag punong braso para lang sa garter!” Exaggerated na sambit ni Ria na sinang ayunan ni Cris. “Something fishy ka diyan? Wala lang yun.”Simple kong sabi kasi wala lang naman talaga yun. Ma-issue lang talaga tong mga ‘to. Pagkatapos sabihin ni Eros yun nag martsa kaagad ako paalis sa sobrang kahihiyan. “Sus.. Tingnan mo one of these days.. Aamin yang mga yan. Ano? Pustahan oh?” Naghahamon na sambit ni Cris. Tumaas ang kilay ko at ginantihan siya ng mapaghamon na tingin. “Sige ba! Name your deal!”Condifent na sabi ko. “Manlilibre ka sa night club kapag may umamin na kahit isa sa dalawang yun!” Biglang sabi ni Ria. “Nays Ria, Maganda yan.”Nakangising sang ayon ni Cris kay Ria at tinatapik tapik ang likod nito. “Kapag walang umamin kayo ang manlilibre sa akin deal?”Confident na sabi ko sa kanila. “Deal!”Sabay na sabi ng dalawa na parehas malawak ang ngisi na parang siguradong sigurado sila na tama ang hinala nila. Simula ng matapos ang Bouquet throw and Garter throw. Malawak ang ngisi sa labi ni Eros habang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan na pamulahan tuwing nagtatagpo ang mata namin. Gosh! I hate that guy! After ng event, nag-pack up na kaming mga staff. Nilagay namin sa malaking track ang mga ginamit namin. Nakahawak ako sa balikat habang hinihilot. Pumasok ako sa event room Habang dinadaing pa din ang sakit at pagod na balikat. Deym what a long day. Sinalubong ako ni Ben, Nginitian ko lang siya at tutuloy na sana sa loob nang harangan niya ako. Kunot noo ko siyang tiningnan at gumilid para doon dumaan. “What?”Singhal ko nang harangan niya ako. Ngumiti muli siya at nawala na naman ang mga mata,This chinito guy.. “Diyan ka lang, Huwag kang gagalaw.”Sabi niya at pumunta sa likod ko. “Okay?”Takha kong sabi at pinakiramdaman ang gagawin niya. “Napansin ko kanina na pahawak hawak ka sa balikat mo.”Sabi niya mula sa likod at minasahe ang balikat. Nagulat ako hindi sa ginawa niya kundi kay Eros na nakatayo sa harap ko at nakataas ang kilay habang pinapanood kami. Unti unting sumama ang mukha niya habang tumatagal.. “My Shoulder is tired too, Can you massage it? Tutal mukhang experto ka sa gantong gawain.”Malamig pa sa yelo sa sabi niya. Naramdaman kong tumigil si Ben sa pagmasahe. Hindi ko alam kung anong reaksyon ni Ben dahil nasa likod ko siya pero kitang kita ko ang expression ni Eros. “Mahilig ka talaga sumulpot na parang kabute 'no?”Ramdam ko ang ka-seryosohan sa boses ni Ben. Umangat ang sulok ng labi ni Eros. “Well.. It’s my nature to protect what is mine.”Huh? Ano daw? Sa kanya? Sino? Yung ano? Ang labo nilang dalawa. Tumikhim ako dahilan para mapabaling sa akin ang tingin ni Eros. “A-hm, Mauna na ako.. May pinaguusapan pa ata kayo hehe.”Awkward na sabi ko at nginitian silang dalawa. Nagmamadaling humakbang ako makalayo lang sa awkward at umiinit na atmosphere doon. Salamat sa Diyos at hindi nakita nila Cris ang nangyari paniguradong papaulanan na naman ako ng tukso nilang dalawa. Mga ala sais kami ng gabi nakabalik sa kumpanya. Natapos kasi ang reception ng alas kwatro kaya medyo maaga silang nakauwi sa pagaakala nila. Tumungo kaming lahat sa Meeting area nang ipatawag kami lahat ni Eros nang matapos namin ayusin ang mga ginamit. Sumalampak ako sa isang upuan at sumandal dahil sa pagod, Ganon din ang ginawa ng iba naming kasama at halos wala ng lakas ang lahat para mag usap. Para akong binagsakan ng Hallow Blocks sa likod sa sobrang pagod. Ngumiti ako kay Ben ng magtama ang mata namin at napatingin sa pinto nang pumasok si Eros. Tatayo sana kami para magbigay galang nang sinenyasan niya kami na huwag na. “Good work, Everyone! Nagustuhan ng Client natin ang ginawa niyo sa Wedding and Reception nila. I would like to treat all of you for Dinner tomorrow.. For now go home and Rest.” Ang walang lakas na mga kasama ko bigla nalang nagka -enerhiya at nagsigawan sa tuwa. Nagsi-tayuan na kami para kuhanin ang mga gamit namin nang makalabas si Eros ng silid. “Hindi ko na maramdaman ang katawan ko sa pagod.”Angal ni Cris. “I feel you.”Pagsang ayon ko sa kanya. Sinuot ko ang Shoulder bag at binibit ang Briefcase bago humarap kila Cris. “Ghorls.. Mauna na ako sainyo.”Paalam ko sa kanila.Kumaway lang sila at tumango. Mabibigat ang hakbang na pumasok ako sa elevator, nakatingin lang ako sa reflection ko sa elevator habang pababa. “Good Evening!” Bati ko sa mga staff na nakasalubong sa lobby. Binati ko din ang guard at tumungo palabas. Naglakad ako patungo sa terminal ng jeep. Nasa bandang parking area palang ako ng Crown Incorporation naang may bumusina na kotse sa gilid ko. Hindi ko sana papansinin iyon nang bumusina uli ang sasakyan. Kunot noo kong tiningnan ang kulay puting sasakyan. “Ben?”Aniya ko ng makita ko kung sino ang lumabas ng sasakyan. “Ah, Gus-“ Natigilan siya sa pagsasalita ng may bumusinang sasakyan uli sa harapan ko. Really? Anong problema ng mga sasakyan ngayon? Mukhang habulin ata ako ngayon ng sasakyan. “Mr.Eastaugffe?” Gulat na wika ko ng lumabas ang nakasimangot na si Eros sa itim na sports car nito. Tumungo siya samin ni Ben na magkaharap. “Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ko sa kanilang dalawa. “Gusto sana kitang makausap.”Sabay na sambit nila at tumingin ng masama sa isa’t isa. “Ganto kasi yun-“Sabay na sabi uli nila at nagsamaan na naman ng tingin. Kunot noo ko lang silang tinitingnan dalawa na halos magsapakan na sa harap ko. Anong problema ng mga to? Pagod ako at gusto ko ng magpahinga tapos may eksena pa akong mapapasukan na ganto. “Ano ba kasi yun? Uuwi na ako, Pagod ako. Huwag ngayon.” Mabilis na nalipat sa akin ang mata nila. Imagine two hot guys in front of me glaring to each other like a Kid. “Ihahatid kita.”Sabay na sambit nila at nagsamaan uli ng tingin. Napabuntuhininga ako at napakamot sa ulo. “Bahala nga kayo diyan. Ang labo niyo.”Inis na sabi ko at tumungo sa terminal ng jeepl. Narinig kong tinawag nila ako pero mabilis akong nakasakay ng jeep. Ang gulo nila parang ewan. Dumaan muna ako sa Jollibee para bumili ng paborito ni Stefanos. “Yey! You’re home!”Agad akong sinalubong ng yakap ni Stefanos pagkapasok na pagkapasok ko sa Apartment. Parang napawi ang pagod ko nang Makita ko ang masaya at nakangiti niyang mukha, Nilapag ko ang mga dala at binuhat siya. “Did you miss me?”Nakangiti kong tanong sa kanya. He pouted. “Yes! I’m glad na umuwi ka ng maaga ngayon.”Parang may kumurot sa puso ko ng marinig ang sinabi niya. This past few days lagi akong nag-oovertime para matapos ang mga Gawain. Pagkauwi ko naman tulog na si Stefanos. Pagpapasok naman ako sa opisina tulog pa din siya kaya halos hindi na niya ako Makita. “I’m sorry Baby.. Promise babawi si Mommy.” “Really?”Kumurba muli ang ngiti sa kanyang labi. “Yes, May pasalubong akong Jollibee sayo yey!” Umaliwalas ang mukha niya tas nagpumilit bumaba sa pagkakabuhat ko. “Yey!” Nagtatalon siya sa tuwa ng makita ang dala kong Jollibee. Habang pinapaayos niya yun kay Ate Lina, Naglinis ako ng katawan at nagpalit ng pantulog bago tumungo kay Stefanos na maganang kumakain ngayon. “Sakto Ma’am kakatapos ko lang magluto ng Hapunan.”Mabilis na naghain si Ate Lina sa lamesa ng makaupo ako. “Delicious?” Nakangiti kong tanong Stefanos na nakaupo sa high chair. Pinunasan ko ang kalat sa gilid ng labi niya at pisngi. Nag angat ang kulay berde niyang mata sa akin. “Opo!”Natawa ako at pinanood siyang tuwang tuwa kumain ng Spaghetii sa Jollibee. “Ate Lina, May Stock pa po ba tayo ng pagkain?’Tanong ko sa kanya habang kumakain kami. “Meron pa naman Ma’am kaso mukhang hindi kakasya ng isang linggo.” “MagGro-Grocery nalang ako sa linggo, Yung bill sa Kuryente at Tubig dumating na ba?” Tanong ko nang maalala na mag iisang buwan na pala kami dito sa apartment. “Oho, Inabot ng May ari ng apartment kanina. Nilagay ko sa damitan niyo yun.” Ngumiti ako at nagpasalamat. Nilaro ko si Stefanos hanggang mapagod at makatulog, Kinuha ko ang mga bills at tiningnan kung magkano. Habang kini-kwenta sa utak ko ang mga bayarin. Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. “Hey.”Basa ko sa text, Sino to? Hindi naman naka-register yung number sa akin. “Who are you?” Reply ko. Wala pang ilang Segundo nagreply na ito. “Pagkatapos mo kong tapunan ng kape ganyan itra-trato mo?” What? Eros? “Eros?”Reply ko. “Yes.” Tipid na reply niya. “Bakit ka napa text Eros?”Hindi ko na itatanong kung saan niya nakuha number ko, Dahil alam kong alam niya lahat ng number ng empleyado niya nasa resume kaya yun. “I forgot to ask you kung ilang beses uli sa isang araw iinom ng Anti-biotics?” oH s**t! Yung lapnos niya! I forgot! “Twice a day, Umaga at gabi.” Reply ko. I should always remind him siguro para gumaling yung mga lapnos niya. “How about the Ointment?” “Mas okay kapag pinapahiran mo lagi.” “Allright, Thank you.”Hindi na ako nagreply. Nag alarm ako sa phone ko at naglagay ng reminder na ipaalala kay Eros yung pag inom ng gamot tuwing umaga at gabi. Tiyaka para wala na din ako atraso kay Eros kapag nawala ang mga lapnos niya sa mukha, Kahit naman may lapnos siya hindi pa din natatabunan ang kagwapuhang taglay. Binalik ko ang mga bills sa lagayan at nilagay iyon sa cabinet kasama ng pera na iniipon ko pambayad. Hinanda ko ang mga dadalhin ko bukas bago nahiga katabi ni Stefanos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD