Kabanata 6

2511 Words
You smell good HALOS magkaundagaga kami sa pag aayos sa Reception, Maaga kaming lahat gumising para ayusin ang mga decoration sa simbahan. After namin mag ayos doon, Naiwan ang ibang staff para mag organize sa Wedding habang kami ay tumungo na dito sa reception para mag ayos. Mahigit dalawang oras ang itatagal ng kasal kaya nagmadali kami sa pagaayos.Inihanda nila Ben ang lamesa na paglalagyan ng cake at ng mga pagkain. Habang fino-fold ko naman ang kulay pink na panyo na ilalagay sa ibabaw ng lamesa, Nag kanya kanya kaming kilos sa kanya kanya naming task. Si Cris naka-assign sa pagaayos ng stage habang si Ria naka-asssign sa pagaayos ng mga give away. Ang event leader naman namin na si Ms.Josefina busy sa pagtuturo sa mga staff kung pano ang tamang gagawin na design sa kisame. Nang matapos ako mag-fold, Inilagay ko ang mga ito sa ibabaw ng mga nakataob na plato na inayos ng isa sa katulong ni Ben. White and pink ang kulay ng buong Reception. May kandila sa bawat lamesa na paniguradong magpa-paganda lalo, Kumpleto ang utensils na nakalagay sa bawat plato. Spoon,Fork,Knife,Chopstick. “Ria, Asan yung mga numbers para sa lamesa?”Tanong ko. Mula sa paga-ayos ng Give away nag angat siya ng tingin. “Andun, Kalkalin mo nalang.” Tinuro niya ang mga materyales na nasa gitna. “Okay,Thank you.” Hinubad ko ang Pink blazer at hinayaan ang kulay puti kong Sleveless na nakalantad. Nilapag ko sa isang upuan ang blazer at nagtaas ng buhok dahil sa init. Nag squat ako sa harapan ng mga materyales at hinanap nag mga numero na-prinint ni Ria kahapon. “Eto ba hinahanap mo?”Nag angat ako ng tingin. “Oo, Eto Thank you, Ben.”Aniya ko at inabot ang nakalahad na papel. Nagtaka ako bakit nakabaling sa malayo ang mukha niya at hindi tumitingin sa akin. “Bridget, Your cleavage..”Namumula ang tenga na saad niya. Napatingin ako sa dibdib ko at para akong tinakasan ng kulay nang makitang medyo bumaba iyon dahilan para makita ng konti ang dibdib ko. Mabilis kong inayos yun dahil sa hiyang nararamdaman. “Suotin mo nalang uli itong blazer mo.”Pikit matang inabot niya ang blazer. Mabilis ko sinuot ang blazer at tumayo ng maayos. “S-orry hindi ko napansin.”Nahihiya kong sabi sa kanya nang dumilat siya. “No problem. Huwag mo nalang uli hubarin ang blazer mo, Baka mapa-away pa ako.” Nakangiti niyang sabi. Lumilipas ang araw na napapansin ko na napaka-Smiling Face ni Ben. Wala atang araw na hindi ito nakangiti. Hindi katulad ng iba diyan… “Ha?”Pagmamaang-maangan ko kahit alam ko ang sinabi niya. Ayokong mag-accept ng kahit anong pambobola ng isang lalaki. I’m not a teenager anymore I am a Mother now. Think before doing reckless, The last time na naging Reckless ako may nabuong Stefanos. Pero hindi ko pinagsisihan na pinanganak ko si Stefanos cause he gave me a will to live. Kung dati noong dalaga pa ako hindi ko alam kung anong patutunguhan ko sa buhay. I just enjoyed and enjoyed wala akong prinoproblema na kahit ano. But then Nung napanganak ko si Stefanos Everything change even my Perspective in life. Natuto akong maging independent at hindi umaasa sa magulang, Mas masarap pa din gumastos kapag sa sariling pawis mo ng galing. Hindi naman masama mabuntis ng maaga, Ang masama ay yung umaasa pa din sa magulang at wala man lang ginagawang effort para buhayin ang sariling anak. Kumbaga nagpakasasa lang sa sarap kaya pagdating sa hirap waley. “Nothing, Sige na maiwan na kita.”Natatawang lumakad siya palayo na kinailing ko nalang. Nagdikit ako ng number sa vase na nasa center ng bawat lamesa. Meron naka-assign sa bawat lamesa kaya kailangan lagyan ng number para mabilis Makita. Tagaktak ang pawis ko pero hindi ko na tinanggal ang blazer. Nang matapos kaming mag ayos, Chineck check muna ni Cris kung okay ba ang Mic ganon din ang music. Nag double check kami sa buong paligid para siguradong walang kulang bago ilabas ang pagkain. Ang six layers na cake na kulay puti at pink ay nilabas na din.Sinindihan ko na din ang bawat kandila na nakalagay sa baso kada lamesa. Pumwesto kaming tatlo nila Cris sa Entrance para tingnan ang mga invitation nila at sabihin kung anong table number na naka-assign. “Good Afternoon! Name?”Nakangiti kong tanong sa dalawang babae na papasok. “Mia and Sia.” Tumango ako at tinuro kay Cris. Sinabi ni Cris ang Table number, Panay lang ang pag-wewelcome ko sa mga guest. Habang si Cris ang nagsasabi ng table number at si Ria ang nagtuturo kung saan. “Good- Sir.Eastaugffe.” Gulat na bati ko sa kanya. Hindi pa din magaling ang mga lapnos niya sa mukha. Naala ko na naging usap usapan sa buong department kung bakit may lapnos si E-ros. Buti nalang hindi nagsalita si Sir na ako ang dahilan kung bakit ganon siya. Kaya tuwing nakikita ko siya hindi ko mapigilan ang tingin at napapadapo sa mga lapnos niya. “Good afternoon!”Aniya ko ng makabawi sa gulat. Nakasuot siya ng itim na tux na may kulay pink na necktie para umayon sa thema. Ngumuso siya at pinasadahan ako ng tingin bago nagdire-diretso ng lakad. Napabuntuhinga ako ng malakas dahil hindi ko na naman namalayan na nagpipigil na pala ako ng hininga. Tumungo kami sa gilid nang makapasok lahat ng guest. Lumabas isa isa ang mga Waiter at nag serve sa bawat lamesa ng Cocktails and Horsdouves except for the kids of course. Kaya juice lang sa kanila. Tinanggal ko ang pagkakatali sa buhok at hinayaan nalang nakalugay at sinuklay suklay habang tuwid na nakatingin sa paligid. Tahimik lang kaming tatlo habang pinagmamasdan ang masasayang mukha ng mga guest. “Let’s all welcome our newly wed. Mr and Mrs.Calisang everyone!” Tumugtog ang masayang kanta nang pumasok mula sa backstage ang bagong kasal na malawak ang ngiti sa mga labi. Nagpalakpakan kami habang pinapanood sila na umupo sa couch na kulay pink at puti. Napangiti ako ng inalalayan ni Mr.Calisang si Mrs.Calisang ng muntik na itong matisod. Tahimik lang kaming nakamasid sa paligid habang nag-iintroduction ang Mc. Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng maramdaman ang maiinit na tingin. Nagtama ang mata namin ni E-ros, Kunot noo ko siyang tiningnan. Sumimangot siya sa akin at napahawak sa mukha. Namilog ang mata ko ng ma-realize na masakit ang lapnos niya sa mukha. Pasimple kong tiningnan si Cris at Ria na busy sa panonood sa event. I mouthed him ‘Your Ointment?’ He shrugged at napahawak uli sa mukha. Bumahid ang pag aalala at konsensya sa akin. Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam ang gagawin. Kaya pasimple akong umalis sa pwesto at tumungo kay Eros na nakaupo sa dulo. Sinigurado kong walang makakita sa akin. “Are you okay?”Tanong ko sa kanya ng makalapit. He just nooded. “Umiinom ka ba ng gamot mo?”Pagtatanong ko uli. “Minsan.. Nakakalimutan ko.”Napakamot siya sa batok. “What? Importante yun bakit mo nakalimutan?" Gulat na sabi ko. “I dunno.. Kailangan may nagpapaalala sa akin na uminom ng gamot.”He’s deep voice said. Hindi ko alam ang sasabihin kaya naglikot ang mga mata ko. “Dala mo ba yung Ointment at gamot?”Pagiiba ko. “Nasa kotse ko.”Simpleng wika niya. I heavily sighed at sinenyasan siya na mamaya na kami magusap ng makitang hinahanap na ako nila Cris. “Saan ka ba nanggaling?”Bungad niya ng makalapit ako. “Nag-cr lang biglang sumakit tiyan ko 'e.”Nakangiwi kong sabi. “Kala ko umuwi ka na.. Ise-serve pa naman na yung mga pagkain.” Ngumiti lang ako sa kanya at sumulyap kay Eros na wala na sa akin ang tingin. Umupo kami sa naka-assign na lamesa sa mga staff. “Here’s the food for the beautiful ladies.” Nakangiting inabutan kami ng pagkain ni Ben. Akmang lalapit siya sa akin ng mapalingon kami sa biglang nagsalita sa kabilang lamesa. “Where’s my Food.. I’m starving.”Masama ang tingin niya kay Ben at nakasimangot ang labi. Nakita kong napakuyom ng kamao si Ben na kinataka ko. Mag kaaway ba itong dalawa? “Pre, Dun ka na kay Mr.Eastaugffe ako na sa lamesang ito.”Sabi ng isang waiter kay Ben. Masama ang mukha na tumungo siya sa lamesa nila Eros. Inalis ko ang tingin sa kanila at inayos ang mga pagkain ko, Binilisan lang namin ang pagkain at bumalik sa mga lamesa. Habang ang bagong kasal ay nag ikot ikot sa bawat lamesa para batiin ang mga guest. “Palakpakan natin ang bagong kasal!”Pumalakpak ako hab4!* pinapanood na naglahad ng kamay si Mr.Calisang sa asawa na tumatawa. Sumayaw sila sa gitna habang tumutugtog ang isang romantic na tugtugin. Nakangiti lang ako habang pinapanood sila. True love exist, You should wait for the right moment to met the right person. “All the single ladies… Come in front for the bouquet throwing!”Naghiyawan ang mga kababaihan. “Tara! Punta tayo!”Yaya sa akin ni Ria. Tumanggi ako sa kanila. “Kayo nalang..”Natatawang sambit ko. Umingos sila at umalis patungo sa gitna. Hinayaan ko sila at pumunta malapit sa unahan para kuhaanan sila ng video. Pumunta si Mrs.Calisang sa gitna habang hawak ang kulay pink na boquet. Natatawa siyang tumalikod dahil sa mga kababaihan na halos magtulukan para makuha yun. Bakit gusto nilang makasal agad? Hindi man lang nila iniisip na what if mag-di-divorced din kayo. Mas okay na antayin si tadhana ang gumawa ng paraan at hindi pwersahin. “1…2….3!” Nag-count down ang lahat ng tao sa loob ng Reception nakangiti kong vinideohan ang paghagis ng bulaklak. Natigilan ako ng sa mga braso ko bumagsak ang Bouquet at nalaglag ang phone ko sa gulat. “And here she is!!”Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Mrs.Calisang na tumatawa habang yakap yakap ang asawa na tumatawa din. Parang nasa space ang utak ko ng dinala nila ako sa gilid bitbit ang bulaklak. Scam ata to 'e? Wala nga akong jowa papakasalan pa kaya? “All the single men.. Please assemble here in front for garter throwing and get a chance to dance this beautiful lady here.”Uminit ang pisngi ko ng tinuro ako ng MC kaya tinuon ko nalang ang mata sa paa. Ang Akward naman nito. Naghiyawan ang mga kalalakihan na kinaangat ng ulo. A bunch of single man stood in front Including Eros and Ben. “Goodluck man.”Tumatawang sabi ni Mr.Calisang kay Eros na pinukol lang siya ng masamang tingin. “Okay, Mr.Calisang please get the garter to Mrs.Calisang.” Umupo si Ms.Sophia sa upuan habang si Mr.Leandro nakangising tiningnan ang asawa. Naghiyawan ang mga Guest ng kinuha sa thigh ni Ms.Sophia ang garter, nang nasa hita na ginamit ni Mr.Leandro ang ngipin para alisin na kinainit ng pisngi ko. “Be ready gentlemen..”Hiyaw ng Mc nang tumalikod si Mr.Leandro. Tumayo ako ng tuwid para Makita ng maayos ang mangyayari. Nag count down din ang ibang Guest.. Parang Slow motion na hinagis ni Mr.Leandro ang garter.. E? Hawak ni Eros at Ben ang garter habang masama ang tingin sa isa’t isa. “Oh! What a Surprise! Dalawang tao ang nakakuha ng Garter!What do we do with that Mr and Mrs.Calisang? “Tanong ng Mc sa bagong kasal. May mapanuyang ngiti si Mr.Leandro habang nakatingin sa dalawang kalalakihan na wala atang balak bitawan ang Garter. “Hmm.. Let’s do it in a man way-Ngumisi siya- Punong braso.. Kung sino ang matalo siya ang magi-give way para sa Garter.” Natuwa ang mga Guest sa sinabi ni Mr.Leandro,Nagpakuha sila ng isang lamesa at tatlong upuan. Pinupo nila ako sa gitna nila na parang ako yung premyo. Sa kanan ko si Eros habang sa kaliwa ko si Ben, Masama pa din ang tingin nila sa isa’t isa na parang isang kalabit nalang sa kanila magsasapakan na sila. “Let’s start now!” Tahimik lang ako sa gitna nila habang pinapanood ko sila na masama pa din ang tingin sa isa’t isa habang nag pupunong braso. Nagfle-flex ang mga braso nilang dalawa at lumalabas ang ugat sa mukha. Namumula ang mukha ni Ben habang si Eros seryoso lang na nakatingin sa kanya. Walang gustong magpatalo pantay na pantay ang laban.Hindi man lang gumalaw ang braso nila. Nanginginig lang ang kanilang mga kamao. “Woah! Seems like walang may balak magpatalo a?”Komento ng MC. “Bitaw na.”Mariin na bulong ni Eros na kinangisi ni Ben. “Ikaw yung bumitiw, Mukhang ikaw na yung pagod.”Sumama ang itsura ni Eros na mukhang na out of guard. Dahil Nakalamang ng konti si Ben sa kanya, Umigting ang panga niya at binalik sa dating ayos. Nagtatagisan sila ng tingin. Mata sa mata. Braso sa braso. “Woah!” “Woah!” “Woah!” Napahiyaw ang mga tao ng uminit ang laban. Napakurot ako sa hita ng muntik ng matalo si Eros. "Woaa! We have a winner!!” Napabuga ako ng hangin nang matapos ang intense na scene na yun. Pinaupo ako sa upuan sa gitna at lumuhod naman si Eros, Oo si Sir.Eastaugffe ang nanalo kanina. Mabilis niyang napabagsak si Ben ng mawalan ito ng control. Inis lang na umalis is Ben habang si Eros malawak ang ngisi sa labi. “E-ros, Okay lang naman kahit hindi natin ‘to gawin.”Bulong ko sa kanya. “Why would i? I want these.”Napalunok ako sa maiinit niyang tingin na parang hinahalukay ang buong pagkatao ko. Ang mga kulisap ko sa tiyan nagwawala dahil sa kanya. Naglalaro ang kulay berde niyang mata bago pasadahan ang blonde nitong buhok. Tinanggal niya ang heels ko bago sinuot ang garter sa bukong bukong ko. Napahiyaw ang mga nanonood ng kinagat niya ang garter. Uminit ang pisngi ko at napatakip sa mukha sa hiya. “Higher!” Napapikit ako at napakagat ng labi ng inanggat niya ng konti ang garter ramdam ko ang init ng hininga niya na gumagapang papunta sa p********e ko. Nakatingin siya sa mata ko habang kagat ang garter at malawak ang ngisi na parang nag-eenjoy siyang panoorin ang reaksyon ko. “Higher!!” Nahugot ko ang hininga nang nasa bandang hita ko na ang garter. Naglalaro ang mata niya. “Higher!” Oh no please! Nahigit ko ang hininga nang yumuko siya at inangat ang garter hanggang tigh ko, Kung titingnan sa malayo para kaming may ginagawang kababalaghan. Umigay ang buong paligid ng makita ang pagyuko ni Eros. Nakahinga ako ng bitawan niya ang garter at nag angat ng tingin sa akin. “You smell good.”Nakangisi niyang wika at nilawayan ang labi na kinatuyo ng lalamunan ko. What the heck?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD