Kabanata 14

3018 Words
I love you MAAGA ako nagising dahil na din siguro nakatulog ako ng hapon. Madaling araw na ako nakatulog kagabi kakaisip kung ano ang sasabihin ni Eros at kakaisip kung ipapag-tapat ko ba sa kanya na may anak kami. Pungas pungas pa ang lahat ng pinatawag kami ng Mc. Ikaapat na araw na namin ngayon sa isla at bukas uuwi na kami yey! I miss my Baby Stefanos. “Good Morning Everyone! Our first activities today is 300 meter run! But this is for Girls only. From here to there-Tinuro niya ang flag na may nakalagay na start at ang flag doon sa dulo- In this game, We need five girls for each team.. Tatakbo simula sa starting line hanggang doon sa flag sa dulo, Iikot then iaabot ang flag na hawak sa sunod na myembro..” “Ang unang makatapos siya ang mananalo!” “Sasali ako!”Matapang na saad ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero mabilis akong tumakbo. Sumali din si Cris pero tumanggi si Ria. Pumila kami sa starting line. Ako ang nasa hulihan dahil ako ang pinakamabilis tumakbo. Nasa kabilang gilid ang kabilang grupo na maangas na nakatingin sa amin, Hindi ko sila pinansin at pinagaralan nalang ang field. “Okay Girls.. Ready.. Set.. Go!!!”Mabilis na tumakbo si Cris habang hawak ang flag, Halos pantay lang sila ng kabilang grupo. “Yes!”Bulong ko ng madapa ang babae sa kabilang grupo. Mabilis na inabot ni Cris ang flag sa sumunod na myembro, nahuhuli ng konti ang kabilang grupo dahil sa din sa pagkadapa ng ka-myembro nila kanina. “Go!Go!Go!”Sigaw ko nang madapa ang kasama namin, Mabilis naman siyang tumakbo at tumayo. Pantay na pantay ang laban at ako na susunod sasabak. Tinali ko ang mahaba kong buhok at inayos ang tayo. Inabot ko ang flag at malalaki ang hakbang na tumakbo, Hindi ko pinansin ang mga cheer nila. Medyo hinihingal na ako nang makarating sa kabilang flag, umikot ako. Nilingon ko ang kalaban at pantay lang kami. Mas binilisan ko na ang takbo. “What the! That’s Cheating!!!”Dinig ko ang malakas na sigaw ni Eros ng hilahin ng babae ang buhok ko,Hindi ako nagpatinag bagkus binilisan pa ang takbo. Malapit na.. Konti nalang.. “Yess!”Tumitiling nagyakapan kami nila Cris. 4 over 2 na! Kumain muna kami ng lunch ng sumapit ang alas dose, Ang kinain namin ang mga can goods na napalanunan namin nung nakaraan. “Kumakain pala kayo ng Sardinas?”Puna ko kila Eros at Ben na naghahati sa isang delata ngayon. “Oo naman!”Sabi ni Ben, Sumubo ako at tumingin uli sa kanila. “Anak-mayaman kayong dalawa tapos kumakain kayo niyan?”Umingos silang dalawa. “Hindi porket anak-mayaman hindi na pwede kumain nito?”Taas kilay na tanong ni Eros. Natahimik ako. Wala akong lakas makipag biruan kay Eros lalo na at alam ko na siya ang ama ni Stefanos. Mabilis naming tinapos ang pagkain at bumalik sa harap ng Mc. “Kailangan niyong mahanap ang flag ng bawat grupo,Madali niyo lang mahahanap ang flag dahil sa may logo ng kumpanya. Sisisid ang tatlong myembro ng bawat grupo sa dagat para hanapin, The first one who bring it is the winner.” Mabilis kaming nag form ng bilog. “Sinong marunong sumisid?”Tanong ko. Natahimik sila at parang hindi alam ang gagawin. Ilang minuto pa kami nagturuan bago pumwesto ang tatlong napili namin. Pare- parehas kami hindi sigurado na mananalo dahil hindi sila masyado marunong sumisid sa pinakailalim. Bumuntuhinga ako habang inaantay namin silang umahon. “Mamaya a?”Napaigtad ako ng biglang may nagsalita sa gilid ko. “Oo! Masyado ka namang excited at maya’t maya mo pinapaalala.”Tumawa siya. “Hindi ako excited, Kinakabahan nga ako 'e.”Pag amin niya. “Woah!Si Euandross Eastaugffe kinakabahan?”Natatawang sabi ko. Pinanliitan niya ako ng mata. “Tao din ako ‘no! Kinakabahan.” “Ay! Tao ka pala?”Panunudyo ko. “What the! Bridget!”Inis na inis na sigaw niya at hinabol ako. “Pikon.”Natatawang asar ko at nagpaikot ikot sa mga kagrupo para hindi niya ako mahuli. Sa kanya talaga namana ni Stefanos ang pagka pikunin, Kaya ang sarap asarin e. “Woah! The winner is Kgroup!”Napatigil ako sa pagtakbo at napalingon sa dagat. Nakita kong tumatakbo ang isang myembro na may hawak na flag. Napakamot ako sa ulo. 4 over 3 “Okay lang yan guys! Lamang pa naman tayo ng isa.”Pampalakas loob ni Eros. “YEZ! Tiyaka sa huling laro mamaya dun na malalaman kung sino ang mananalo sa competisyon na to.”Sumang ayon ako sa sinabi ni Ben. Naglahad ako ng kamay sa gitna, Pinatong nila ang kamay sa ibabaw ng kamay ko. “Crown Incorporation Woah!!!”Nagtawanan kami. “Kgroup!!”Napalingon kami sa kabilang grupo na ginaya kami. “Gaya gaya”Umirap si Cris. “Putomaya.”Pagdugtong ni Ria na kinatawa ko. Puno ng energy na tumungo kami sa tapat ng Mc. “Everyone!! Listen.. This is your last activitiy,Lahat ng myembro ay kailangan sumali dito. Ang mauunang pumasok sa sako ang ceo ng kumpanya. Suot suot ang Sako tatalon ang Ceo patungo doon sa flag na nakalagay then iikot pabalik pagkatapos sasakay ang sumunod na ka-myembro hanggang lahat na ng myembro ang nakasakay.” “Ikaw daw mauuna.”Pananakot ko sa kanya, Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan. “I’m not scared.”Hangtaray! “Anong Strategy ntin Sir?”Tanong nila kay Eros. “We need to jump as one, Dapat walang mahuhuli.. Hawakan niyo ang gilid ng sako para hindi bumagsak kasi automatic na mananalo ang kabilang grupo pag nangyari yun, iwasan niyo din ang pagkakadapa kasi doon tayo tatagal.”Tumango tango ako sa seryosong sinabi ni Eros. Kailangan na namin mag seryoso dahil dito nakasalalay ang pride ng Crown incorporation. Nagstretching stretching muna kami habang inaayos ang mga sako. Tahimik kaming lahat at mukhang pare parehas umiisip ng diskarte mamaya. “Wait, May naisip ako.”Tawag ko sa kanila. Lumapit sila sa akin. “What if ganto nalang gawin natin,Since mas malakas ang lalaki sa mga babae. Dapat mauna ang mga lalaki na sumalang para pag kami na sa gitna kami pwe-pwesto. Kapag ang lalaki ang nasa gilid malabong matumba tayo.” “Woah! Ang talino!”Um-apir ako kay Ben at nginisihan sila. Nagusap usap pa kami bago kami tinawag at pinapila, Nasa likuran ako ng huling lalaking sasabak sa sako bali ako ang mauuna sa babae. Kasunod ko si Cris. Natanaw ko na nakalapag ang sako sa sahig habang ang dalawang Ceo nakatayo sa harap non. “Ready..,Set.. GO!!!!”Natawa ako ng nataranta si Eros, Napangiti ako sa sobrang tataas ng talon niya. Ang haba ba naman ng hita. Seryoso lang ang expression niya habang tumatalon. Hindi ko alam kung matatawa ako oh ano sa itsura niya 'e. Sumakay ng mabilis si Ben. “Siraulo ka Ben!”Sigaw ni Cris nang Yumakap sa likod ni Eros si Ben at sabay silang tumalon. Natanaw ko ang expression ni Eros ang pagkairita habang si Ben tawa ng tawa. Sumakay ang pangatlong myembro, Magkaka-akbay silang tumalon habang hawak ng nasa gilid ang sako. Pinagpapawisan na sila dahil sa pagod. Hindi pa din natitinag at nadadapa sila Eros nang sumakay ang panglima at pang anim. Kapag lalaki talaga impossible silang matumba dahil malalakas ang mga hita nila. Hindi katulad namin na isang tulak lang madadapa na. Hinanda ko ang sarili ko dahil ako na ang papasok. “Be careful Bridget!”Sigaw ni Eros habang pumasok ako. “Oo!!” “Kumapit ka sa akin.”Bulong niya. “What?” “Basta gawin mo na!”Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagsisimula na ang kabilang grupo kaya kumapit na ako sa balikat niya. “Jump!” Tumalon ako. Mas napapadali kami dahil sumisigaw si Ben ng jump at sabay sabay kaming tatalon. Team work. “Jump” Humigpit ang hawak ko sa balikat ni Eros sa pagod. “Jump!” Mabilis na sumakay si Cris at kumapit sa isang myembro namin. “Jump!” Tumalon kami, Muntik na kaming madapa buti na-balance namin agad ang mga sarili. “Jump!” Hindi ko na tinitingnan ang daan sa pagod, Inaantay ko nalang na humudyat ng talon si Ben. Namalayanan ko nalang na pumapasok na ang huling myembro sa sako at siksikan na kami. Naiilang ako dahil dumidikit ang hinaharap ko sa likod ni Eros. “The final round!!”Sigaw ng Mc. “Jump!” Napatili ako ng muntik na kaming bumagsak pero mabilis naman nabalik sa dati ng mga lalaki na nakapalibot sa amin. “What the f**k! Sumabay kayo ng talon!”Inis na Sigaw ni Eros ng muntik na naman kaming madapa dahil ang iba naming kasama halos hindi na tumalon. “Jump!” Niliingon ko ang kabilang grupo na huminto dahil natumba ang ilang myembro nila. Umikot kami sa flag, Kahit pawis na pawis at hingal na hingal mas lalo naming pinag igihan ng manguna kami ng konti sa kabilang grupo. “We almost there! Focus!”Sigaw ni Eros. Tumango kami. “Humahabol ang Kgroup!!”Sigaw ng Mc, Nakita kong mas bumilis ng konti ang pagtalon nila. “Malapit na!” SIgaw uli ng Mc nang parehas na grupo na ang malapit sa finish line. Napamura ako ng matumba kami. Mabilis kaming tumayo, Tiningnan ko ang Kgroup na umaayos na din ng tayo. “Jump!”Malakas na sigaw ni Ben Sa pangatlo naming talon. “We have a winner!! Crown Incorporation!!!”Hingal na hingal na bumagsak kaming lahat sa buhangin sa pagod. Kumuha muna kami ng lakas bago tumayo at umalis sa sako. “We won!!!”Nagtatalon na sabi namin. Nag-apir naman ang mga lalaki. Hindi namin namalayan na papalubog na pala ang araw, Napagdesisyonan namin na maligo mun abago maghapunan. Napatingin ako sa oras, Malapit na nag tinakdang oras ng pagkikita namin ni Eros. Binilisan ko ang pagaayos kaya nang sumapit ang takdang oras. Pasimple akong umalis para tumungo doon. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa sarili dahil sa malakas na ihip ng hangin na dumampi sa balat ko. Nilibot ko ang mata at hinanap si Eros nang makarating doon sa madilim na parte ng isla. “Andito ako.” “Putangina.”Gulat na sabi ko at napahawak sa dibdib nang magsalita siya. “Asan ka ba!?”I shouted. “Dito,Nakaupo sa ilalim ng puno.”Lumapit ako sa madilim na parte at nakita ko siyang nakaupo doon sa ilalim ng puno. “Unggoy ka na ba ngayon?”Panunutya ko. He raised his brows. “Ang tagal mo.”Nakasimangot na sabi niya. Tumungo ako sa harapan niya. “Malamang, Humanap pa ako ng tyempo para makaalis don.” “Bakit mo pa kailangan humanap ng tyempo? Pwede ka naman umalis ng diretso.”Naiiling na sambit niya. “Baliw! Hahanapin ako nila Cris!” “Edi dapat sinabi mo na makikipagkita ka sa akin.”Natawa ako sa sinabi niya. “Anu bayan! Para tayong mag jowa na pinagbawalan ng mga magulang magkita.”Natatawa kong sabi. He chuckled. “So, Anyways.. Ano sasabihin mo?”Kabadong tanong ko. Umiwas siyang tingin. Namumula ba siya? Hindi ako sigurado, Ang dilim kasi dito.. “Kinakabahan ako, easy!”Kabadong sabi niya at tumawa. Natawa ako dahil nanginginig ang boses niya. “Okay.. Let me know if hindi ka na kinakabahan.” Sambit ko at sinubukan umupo sa tabi niya. “Tss.”Bumaba siya sa kinauupuan, Gamit ang kanang braso ini-angat niya ako at inupo doon. “Thanks.”Nahihiya ko sabi. Tahimik lang siyang umupo sa tabi ko, pinagmamasdan lang namin ang karagatan at sabay na pinapakinggan ang tunog ng alon. I patiently waiting for him.. “I love you.” Natigilan ako sa sinabi niya. “What!?”Malalakas ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya at ayan na naman ang mga kulisap ko sa tiyan na mukhang nag-cecelebrate ata. Halos nadidinig ko na sa aking tenga ang t***k ng dibdib ko sa lakas non. “Huwag ka ngang tumingin! Kinakabahan ako lalo sayo 'e!”Hinawakan niya ang ulo ko at hinarap muli sa dagat. “Woah!”He shouted. “First.. Sorry dahil hindi ko kayang aminin sayo 'to na nakatitig sa mga mata mo, Pakiramdam ko malulusaw ako kapag tinitignan mo. I love you.. Yes.. Kung kailan pa nagsimula? I don’t know, Simula ng may nangyari sa atin Two years ago,lagi ka na nasa isip ko. Pinahanap kita pero hindi kita makita.. So I am here in front of you confessing my love.” Hindi ko napigilan at napalingon sa kanya. He remember? He knows me? “May nangyari sa atin?”Pagmamaang maangan ko. Nakatuon pa din ang mata niya sa harapan. “Yes, Hindi mo siguro naalala dahil lasing ka ng mga oras na yun, We’re both drunk..”Paliwanag niya. “You love me?how?”Hindi makapaniwalang tanong ko. Halo halo ang mga emosyon na nararamdaman ko sa mga oras na ito. “I love you, There is no reason for me to not to love you.”Parang sasabog ang puso ko sa lakas ng kabog habang sinasabi niya iyon. “I don’t remember what happen two years ago, Ang naalala ko lang yung Crown tattoo mo sa upper left chest.”Pagkwe-kwento ko sa kanya habang hindi pa din makapaniwala sa confession niya. “It’s that the reason kung bakit nagulat ka ng makita mo ang tattoo ko?”He saw? “Napansin mo?”Tanong ko. He nooded. “I saw your eyes widen.” Natahimik ako at hindi ko na alam ang sasabihin. “Do you want to know how we met?”Tanong niya sa akin pero ang mga mata nakatuon sa karagatan. It’s true that his crown tattoo is the only thing I remember two years ago. “Naglalasing ako non, Kasi yung Girlfriend ko noon nagcheat sa akin.”Natigilan ako. “Cheat? Grabe! Sa gwapong mo yan may tumatangi pa din pala sayo.”Hindi makapaniwalang sabi ko. He chuckled. “Stiil the same reaction of you,Two years ago.”Natatawa niyang sabi at parang may naalala. “Nakikinig ka noon sa akin sa mga rant ko dahil sa ginawa ng Ex Girlfriend ko, The next thing I knew, we both naked in bed and moaning each other name.” Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. “Hoy! Kadiri ka! Dun ka nga!”Tinulak tulak ko siya sa hiya. Tumawa siya at biglang sumeryoso. “When I woke up, Wala ka na sa kwarto. You left without saying goodbye.” And he don’t know that he have a son. Natahimik kaming dalawa, Sa sobrang tahimik naririnig ko na ang mga kuliglig sa tenga ko. “Hinanap mo din ba ako?”Umaasang tanong niya. Yes,I did Eros for our son. Kinagat ko ang ibabang labi nang may nag uurge sakin na sabihin ko na sakanya. “I love you, Did you love me too?”Malungkot na tanong niya. Natigilan ako. Love? I don’t know.. I like him but love? That’s too deep. “I-m sorry, I don’t know.”Hindi ko alam ang sunod na nangyari basta natagpuan ko nalang ang sarili kong tumatakbo palayo sa kanya. Tumatakbo habang gulong gulo ang isipan. Umupo ako sa buhangin habang pinaglalaruan ang mga buhangin sa paa. “Natakot ka, Kaya ka tumakbo hindi ba?”Dahil lutang ang aking isipan hindi man lang ako nagulat kay Ben. Umupo siya sa tabi ko. “Hindi ko alam.”Pagtatangi ko, Kahit totoong takot ako. Takot ako sa magiging Reaction niya kapag nalaman niyang may anak kami. “Narinig ko kayo ni Eros, I was there.”Nag angat ako ng tingin sa kanya pero sa hawak na stick lang nakatuon ang pansin niya. “I know, you love him too but you’re too scared to take a risk.” Umiling ako. “Hindi lang dahil don..”Malungkot na saad ko. “Dahil ba sa anak niyo?”Natigilan ako at nanlalaki ang matang tiningnan siya. “H-ow?’Hindi ko makapaniwalang sabi. Wala ako ni-isang sinabihan sa mga ka-opisina na may anak na ako. Pero paano niya nalaman? Ngumiti siya at tumingin sa akin. “Pano ko nalaman? Nakita ko kasi yung wallet mo nung nakaraan, May litrato mo at ng anak niyo na magkasama. Pano ko nasabi na anak ni Eros yun? Simple, Dahil kamukhang kamuha niya yung bata. Parang maliit na siya.”Nanlalaki ang mata ko pa din sa gulat. “B-en.. Huwag mong sabihin kay Eros.”Aniya ko ng matauhan. “Hindi mo ba sasabihin kay Eros na may anak siya?”Tanong niya. I sighed. “Meron naman.. Kaso hindi pa ngayon, Natatakot ako sa magiging Reaction niya.. natatakot ako na baka ayawan niya si Stefanos.” “Bridget, I know Eros too well, Alam kong matatanggap niya ang anak niyo. Hindi ka niya hinanap ng Two years para sa wala. Saksi ako kung gaano siya kadesperado na mahanap ka.” “How? Hindi naman kayo close ni Eros.” Ngumiti siya. “I am his brother.. Ben Chan Eastaugffe at your service.”Nakangiti niyang sabi. “Bakit hindi kayo magkamuka?”Tanong ko. Sumasakit na ang ulo ko sa dami kong nalaman. “Half-siblings.”Napatango ako sa kanya. “We’re not really close, He hate me and my mom.”Kumunot noo ko,Umiwas siya ng tingin at tumingin sa malayo. “After his Mother die due to Cancer, Sa mismong Forty days ng kamatayan ng Nanay niya, Nalaman niyang may anak pala sa labas ang Papa niya at ako yun.. Dinala kami ng Papa niya sa mansion nila. Galit na galit siya sa amin ni Mom.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD