Kumunoy
NAGISING nalang ako sa mahinang tapik ni Cris, Napasarap ata masyado ang tulog ko. Nag inat ako at nag stretching sa loob ng tent para magising gising.
Lumabas ako bitbit ang Toiletries at damit para maligo. Nagsuot ako ng denim short at black T-shirt.
"Good morning!" Bati ko sa mga lalaki na nag aayos ng Sleeping bag nila.
"Good Morning."Iilan lang ang bumati sakin. Mukhang wala pa sa wisyo ang iba dahil mga nakatulala pa ito. Hinanap ng mata ko si Eros.
Nanliit ang mata ko sa isang tao na hindi pa bumabangon at nasa sleeping bag pa. Iling iling na lumapit ako para Makita kung sino iyon.
Si Eros.
Nakanguso ang mapulang labi nito at sabog sabog ang blonde na buhok. Nagsquat ako sa harap niya.
Napangisi ako ng may naisip na kalokohan.
Kumuha ako ng chichirya na napalunan namin at binuksan. Nagsquat muli ako sa harap niya at inaamang sa bibig niyang nakaangaw ang chips.
Napahagikgik ako ng kumunot ang noo niya.
Dinagdagan ko pa ng isang chips sa bibig niya. Natahimik ako ng gumalaw uli siya. Tulog mantika naman 'to..
Dinagdagan ko pa ng chips hanggang dumami sa bibig niya. Parang si Stefanos lang tulog mantika..
Pinigilan ko ang sarili mapahalakhak nang makita ang itsura niya, Nilabas ko ang selpon at kinuhanan siya ng litarto.
"Anong ginagawa mo kay Eros, Bridget."Napaigtad ako ng biglang sumulpot si Ben sa likod ko.
Se-senyasan ko dapat siya ng huwag maingay kaso unti unting nagmulat ng mata si Eros at tumama sa mga mata ko.
Kunot noong tinikom niya ang bibig at natigilan ng makagat ang mga Chips. Inis na nilingon niya ako.
"Bridget!!"Galit na sigaw niya at akmang tatayo.
"Sorry, Haha. Good morning by the way."Tumatawang lumayo ako sa kanya at pumunta kila Cris.
"May ginawa ka na namang kalokohan 'no?"Nagdududang tanong ni Ria sa akin ng makalapit ako.
"Huh? Wala a?"Pagdedepensa ko habang malawak ang ngisi.
"Naku, Bridget alam ko kapag ganyan ang reaksyon mo may ginawa ka na naman."Umiiling na sabi ni Cris.
"Grabe kayo! Hindi ba pwedeng good mood lang?"
"Oo nalang Bridget."Natatawnag sabi ni Ria. Ngumuso ako sa kanila.
Lumapit kami sa Mc nang tawagin ang lahat para sa susunod na activity. Nagtaka ako ng suotan kami isa isa ng staff ng tali sa bewang na may nakalagay na mini Pig Bear.
Nilaro laro ko ang baboy sa kamay ko dahil ang cute cute.
"Oh! Bridget! Bakit ka naging ganyan."Inis na lumingon ako kay Eros na hawak hawak ang mini Pig Bear niya habang tinatawag itong Bridget.
Binatukan ko siya at binaling ang tingin sa Mc.
"Paniguradong nagtataka kayo kung bakit namin kayo nilagyan niyan. Ang mga Baboy na yan ang pinaka importante.Susuotan kayo ng blind fold mamaya isa isa at dadalhin sa iba't ibang parte ng gubat. Don't worry walang mababangis na hayop but you stiil need to be careful."
"Habang hinahanap niyo ang daan pabalik dito sa kampo, Mag ingat kayo na hindi mawala ang Baboy dahil may mga staff na pumuputol niyan. Kung sinong grupo ang maraming natirang Baboy siya ang mananalo."
Kinabahan ako at humigpit ang hawak sa Teddy Bear,Nilingon ko sila Cris at sa ibang kasama ko na bakas ang kaba maliban sa mga lalaking abot langit ang ngiti.
"Nays! May thrill!"Tuwang tuwang sabi ni Ben.
Huminga ako ng malalim para alisin ang kaba namumuo sa dibdib.
"Are you scared?"Bulong ni Eros.
"Konti."Sambit ko.
"Stay where you are. I'll find you."
Habang sinusuotan kami ng Blind fold ang mga salita ni Eros ang tumatak sa akin.
Hindi ako dapat kabahan.. Hahanapin ako ni Eros.
Inalalayan ako ng staff habang papasok ng gubat, Tumatambol ng malakas ang dibdib ko dahil wala akong makita.
Kinakapa kapa ng paa ko ang daan bago humakbang, hawak ko sa kaliwang kamay ang Baboy.
Habang patagal ng patagal palayo kami ng palayo, Hanggang sa wala na akong narinig na ingay maliban sa mga hakbang namin.
Hindi ako makahinga ng maayos dahil wala akong makita. Pakiramdam ko naka kulong ako sa isang box na walang kailaw ilaw.
Pinaupo ako ng Staff sa isang bato.
"Stay here. Count 10 second before mo alisin ang blindfold okay?"Tumango ako sa sinabi ng Staff.
Naramdaman kong umalis siya sa harapan ko, Sinimulan ko na ang pagbibilang.
"1"
"2"
"3"
"4"
"5"
Napahaplos ako sa braso ng dumaan ang malamig na hangin.Pinatatag ko ang sarili at hindi nag isip ng kung ano ano.
"6"
"7"
"8"
"9"
"10'
Huminga ako ng malalim at tinanggal ko ang blind fold.
"AAAAA!"Napatili ako ng makita ang nasa harapan.
Isang kahoy na nakabihis na pang white lady.
Walang hiyang staff yun! Sinadya niyang iwanan ako dito. Inis na hinatak ko ang damit para maalis.
Geez.. Ang creepy pa naman ng itsura kanina.
Umupo ako sa malaking bato na kinauupuan ko kanina at nilibot ang paningin.
Wala akong ibang nakikita kundi puro puno at d**o.
Malamang nasa gubat nga pala ako.. Napakamot ako sa ulo sa katangahan na pumasok sa utak ko.
Hawak hawak ko ang Teddy bear habang patingin tingin sa paligid. Hindi ko alam kung tutungo na ba ako para umalis o mag antay kay Eros.
Antayin ko muna siguro siya ng mga smapung minuto, Kapag wala pa siya tutuloy na ako. Nag mumuni muni ako at tumingin tingin sa paligid dahil baka biglang may humila ng Teddy bear ko.
"Antagal mo naman.."Bulong ko sa sarili,.
Bahala na.. Tumayo ako at nagpagpag ng short. Hinawakan ko ng mahigpit ang teddy bear na nakatali sa bewang ko.
Nasa gitna ako ng apat na daan at hindi ko alam kung saan papasok.
Manghuhula nalang sana ako ng makita ko ang bakas ng paa ng staff.
"Gotcha! Mukhang makakabalik ako ng mabilis a?"Nakangiti kong sambit sa sarili at dumiretso sa daan na iyon.
Alerto ako at palingon lingod sa likod habang naglalakad, Mahigpit kong hawak ang teddy bear para incase na biglang hablutin sa akin makikipagpatayan ako.
Tahimik ako ng naglalakad habang alerto pa din.
Napatigil ako sa paglalakad ng maramdamang gumagalaw ang tali sa bewang ko na nakakabit sa teddy bear.
"AAAAA!"Napatili ako sa gulat at tumakbo papalayo sa taong yun na naka suot ng pang Gorilla na damit at may hawak na gunting na muntikan ng makuha ang Teddy bear ko.
Narinig ko ang yapak ng Gorilla na iyon kaya binilisan ko ang takbo habang hawak pa din sa kaliwang kamay ang Teddy bear.
Nagtago ako sa matataas na d**o at tinakpan ang bibig, Nagpalinga linga ang nangunguha ng batboy. Kinagat ko ang labi ng lumakad siya palapit sa banda ko.
I sighed nang lumakad ito palayo.
Sinigurado ko munang wala na ang nangunguha bago ako lumabas sa mga d**o, Pinagpag ko ang suot na nalagyan ng d**o bago humawak uli sa Teddy Bear.
Tahimik lang akong naglalakad pabalik nang mapahinto nang makatanaw ng bulto ng tao. Nagtago ako sa isang puno sa gilid at sinilip kung sino iyon.
Nanliit ang mata ko para maaninag ang mukha.
"Eros!"Mabilis akong lumabas sa pinagtataguan at tinawag siya nang maaninag ko ang mukha ko.
Mabilis siyang lumingon sa gawi ko.
Tumakbo ako para makalapit sa kanya.
"No! Bridget! Stop!"Sigaw niya sa akin.
Tumapak ang paa ko sa mga damuhan, Sinubukan kong i-angat ang paa pero ayaw mai-angat at nakadikit na iyon.
"Eros.. Bakit hindi ako makaalis."
Kabadong tanong ko sa kanya nang unti unting lumulubog ang inaapakan ko.
"Huwag kang gumalaw.. Kumunoy yang tinatapakan mo."Nanlaki ang mata at binalot ng kaba.
"K-umunoy."Nanigas ako sa kinatatayuan habang unti unting lumulubog ang paa ko.
Naiiyak na tumingin ako sa kanya.
"Alisin mo ko dito E-ros."Bakas ang kaba at takot sa kanyang mukha.
"Calm down.. I'm here.. ililigtas kita kaya huwag kang matakot."
"E-ros san ka pupunta?"Taranta kong tanong sa kanya nang tumalikod ito.
"Naghahanap ako ng tali."
Nagmamadali sabi niya at nagpalinga linga.
"E-ros.."Hindi ko na napigilan at napahikbi ng lumubog na ang kalahating katawan ko.
"f**k!Don't cry.. I have no choice."Humihikbi ako habang nakataas ang kamay.
Tumalikod siya at naghubad ng damit.. Napatigil ako sa paghikbi at napatitig sa tattoo niya pagkaharap.
The Crown's tattoo in his upper left chest.. Nanlalaki ang mata akong nakatingin sa kanya.
"Abutin mo!"Wala sa sariling inabot ko ang kabilang dulo ng t-shirt. Buong lakas niyang hinila iyon habang ako nakatulala sa tatooo niya.
No way?
"Damn it!"Nabigla ako ng bigla niya akong binuhat at nilapag sa batohan.
Lumuhod siya sa harapan ko.
"Are you okay?"Bakas ang pagaalala sa berde niyang mata, Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.
Wala sa sariling tumango ako sa kanya.
Bumaba ang tingin ko sa upper left chest niya, Kung nasaan ang tattoo.
"What are you looking at?"Tanong niya.
"Crown tattoo.."Tulalang sambit ko.
"Ang ganda 'no?"Nakangiti niyang tanong sa akin habang hinahaplos niya ang tattoo niya.
"Yeah.. Maganda."
Sinuot niya muli ang T-shirt kaya nawala sa paningin ko ang tattoo..
"Get up."Naglahad siya ng kamay sa akin. Inabot ko ito. Puno ng putik ang buong ibabang parte ng katawan ko.
Napatingin ako sa Teddy Bear niya na nasa bewang.. My teddy bear!
Mabilis kong kinapa ang bewang at nakahinga ng andon pa din ang teddy kaso puro putik na ito.
"Buti hindi natanggal."Sambit niya. Tumango ako.
"Let's go.."Nilahad niya ang kamay sa akin. Wala sa sariling dumapo ang mata ko don. Ilang Segundo ko iyong tiningnan bago idikit ang palad ko sa palad niya.
Pinagsiklop niya ang mga daliri namin, Naghatid iyon ng kiliti sa buong sistema ko at nagliparan ang mga kulisap sa mga tiyan.
Nauuna siyang naglakad sa amin habang tahimik lang akong sumunod at nililibot ang tingin.
"Shh."Bulong niya at hinila ako patago sa isang malaking puno.
Sumilip ako sa maliit na butas at nakakita ng isang staff na nakasuot ng gorillia na costume.
Hindi ako nakatuon sa staff na iyon, Bagkus sa kanya..
Appreciating his side profile.
Matangos na ilong.. mapulang labi.. Berdeng mata.. Blonde na buhok.
Habang nakatitig sa kanya unti unti ko ng napagtagpi tagpi ang mga nakuha ni Stefanos sa kanya. Ang mata at ilong maging ang hubog ng mukha ni Eros ang nakuha ni Stefanos sa kanya..
Samantalang kilay, labi at brown kong buhok lang ang nakuha sa akin ni Stefanos.
Lakas naman pala ng sperm ng lalaking ito.
"Wala na yung nangung-"Natigilan siya nang magtama ang mga ilong namin pagkaharap niya.
His face turned serious..
Tumikhim ako at nagiwas ng tingin nang papalapit na ang mukha niya.
"Let's go."Akward na sabi niya at hinawakan muli ang kamay ko papunta sa labas.
Hindi ko alam kahit nakarating na kami sa kampo, Hindi ko alam kung bakit hindi ko sinabi sa kanya na may anak siya..
Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang ini-open ang topic na yun.
Prinaktis ko na to 'e, Sabi ko once na makita ko ang ama ni Stefanos hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, But look at me now? NI hindi man lang makabulalas ng salita patungkol sa anak namin.
Lumilipad ang utak ko sa kalawakan, Nawalan din ako ng pake kung sino ang nanalo.
Iniwan ko sila doon at tumungo sa tent para kumuha ng damit. Kahit naliligo naglalakbay ang utak ko sa ibang ibayo.
I don't know kung paano ko sasabihin kay Eros.
What if hindi niya tangapin? What if hindi niya kilalanin?
Mabilis kong tinapos ang pagligo at nahiga sa loob ng tent. Nakatingin lang ako sa kawalan habang nagiisip ng mga posibillites na mangyari once sabihin ko sa kanya.
Magagalit kaya siya? Matutuwa?
Sa daming tumatakbo sa utak ko hindi ko namalayang nakatulog na ako habang yakap yakap ang unan ni Stefanos.
Nagising nalang ako nang maramdamang may humahaplos sa buhok ko. Kinusot ko ang mata at tiningnan iyon.
Natigilan ako ng makita si Eros na seryosong nakatingin sa akin, Inatake ako ng kaba.
Alam niya na ba? Pano? Damn! Anong gagawin ko?
"Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala."Seryosong sabi niya. Kinagat ko ang ibabang labi.
Bumangon ako at inaayos ang buhok na umupo.
"S-orry, Hindi ko namalayang nakatulog ako."Kabadong sambit ko.
Umiwas ako ng tingin sa mapanuring berde niyang mata.
"Are you okay?"
"Yes, Masakit lang ng konti yung ulo ko."Pagdadahilan ko.
His eyes filled with Worry,Confuse,Love?
Nilapat niya ang kamay sa noo at leeg ko habang may bahid pa din na pag aalala ang mukha.
"Hindi ka naman nilalagnat,Baka sa pagod."Seryosong sabi niya at tinapik ang higaan.
Kunot noo ko siyang tiningnan.
"Higa."Aangal sana ako ng tinulak niyang mahina ang balikat ko pahiga.
Pumunta siya sa bandang ulunan ko.
"Anong gagawin mo?"Kabadong tanong ko.
"HUwag kang malikot, Hihilutin ko sentido mo."Parang may humaplos sa puso ko sa sinabi niya.
He really caring..
Hindi ko tuloy maiwasan mapaisip na Paano ka ang ugali niya kay Stefanos?Will he caring too? Strict?Loving?
I want to know,..
Nakatitig ako sa Kulay berde niyang mata habang seryoso niyang hinihilot ang sentido ko.
"Eros.."Bulong ko. Sumulyap siya sa akin at binalik ang tingin sa sentido ko.
"Hmm?" Napalabi ako.. I need to say this.
"Anong meaning ng crown na tattoo mo?"Nakagat ko ang labi ng ibang salita ang lumabas sa matabil kong bibig.
Sadness filled his green eyes.
"Because my mom love wearing a crown."Malungkot ang tono ng boses niyang sinabi niya iyon.
My heart ache seeing him like this.
"Is that the reason why you named your company Crown incorporation?"May pagiingat na sabi ko.
Marahan niyang hinaplos ang buhok ko, hindi siya nakatingin sa mga mata ko.
He looks scared, Scared to know what is inside of him.
"Nah.. Hindi ko kumpanya yun, Pinama sa akin ni mommy yun bago siya mamatay. She's the one who named it."
"I-m sorry."Guilty na saad ko.
Ang daldal mo talaga bridget!
Tumingin siya sa mata ko.
"No, it's okay.."Nakangiti niyang sabi.
"Masakit pa din ba?"Tanong niya sa akin nang bumangon ako.
"Hindi na masakit, Magaling tagahilot ko e."Natatawa kong sabi.
Natawa siya.
"Should I build massaging parlor?"
Nakangisi niyang tanong,
Eto na naman tayo kay Eros na mapagbiro.
"Baliw, Tara na nga! I'm starving."
Mabilis siyang tumayo at tinulungan ako tumayo.
"Gabi na pala."Aniya ko pagkalabas ng tent.
"Malamang! Ilang oras ka kaya natulog."Umiiling na wika niya.
Inirapan ko lang siya at nagmartsa papunta sa mga kasama namin na nagiihaw ng barbeque sa bonfire.
"Wow! Andito na din sa wakas ang mahal na reyna."Sarcastic na sabi ni Ben ng umupo ako.
"Sorry, Napahimibing tulog ko."
Paghihingi ko ng tawad sa kanila.
"Oyy anong ginawa niyo ni Sir sa tent?Ikaw huh!"Nalaki ang mata ko sa sinabi ni Cris.
"What? Anong ginawa? Ginising niya lang ako! Ang GM niyo!"Sunod sunod na depenssa ko.
Ngumisi silang dalawa ni Ria.
"Defensive, Tinanong lang kung anong ginawa."Napailing nalang ako sa kanila at kumuha ng hilaw na Barbeque para ihawin.
Kapag sinagot mo sila defensive agad, Kapag hindi mo naman sinagot sasabihin Guilty ka..
Ano ba talaga?
Nakita ko mula sa gilid ng mata na umupo sa tapat ko si Eros.
Tawang tawa ako sa mga kasama ko na nagsasayaw ng parang lasing sa harapan. Uminom ako ng tubig at kumagat uli sa Barbeque habang nakikinig sa mga usapan nila.
"Tuturuan ko kayong sumayaw kapag nasa club."Wika ni Ben at tumayo sa gitna.
"Sige! Pano pano?"Natawa ako sa excited na wika ni Ria.
Napaghahalataan talaga tong may gusto kay Ben.
"Igiling niyo ang katawan niyo ng ganto."Napahalakhak ako nang nag sexy dance siya sa harap ko.
"Stand up, everybody!" Iilan kaming natira na nakaupo.
Tawang tawa ako sa kanila habang ginagaya ang galaw ni Ben.
Napaubo ako nang makitang nakatingin si Eros, Kinunutan ko siya ng noo. Sinenyasan niya ako na may sasabihin siya.
Shems! Umatake na naman ang mga daga sa dibdib ko, Napapaghalataan akong guilty nito!
Pasimple akong umalis at pumunta sa tinuro ni Eros.
"Bakit?"Tanong ko sa kanyang makalapit, Andito kami madilim na parte ng isla sa tabi ng dagat.
Nakapamulsa siyang tumingin.
"Meet me here tomorrow, Gantong oras din."Sambit niya.
"Bakit?Anong meron?"Tanong ko.
Umiwas siya ng tingin at bumuga ng hangin.
"Basta! Pumunta ka na lang."
"Yun lang sasabihin mo?"Tumaas ang kilay niya.
"Lang? Hindi mo alam kung gano ko katagal inipon yung lakas ng loob ko!"Inis na sabi niya.
Umirap nalang ako sa kanya at tumingin sa dagat,Natahimik kami at tanging tunog lang ng alon at kasiyahan ang naririnig.