Kabanata 12

3231 Words
Malandi NaGISING ako sa malamig na hangin na dumadampi sa aking balat, Kinusot ko ang mata at binuksan ang cellphone para tingnan ang oras. 5:05 Am. Bumangon ako at sumulyap sa mga kasama na tulog na tulog pa din. Iba iba ang posisyon namin ng higa para magkasya kami sa maliit na tent na ito. Binalik ko ang unan ni Stefanos sa loob ng maleta ganon din ang kumot bago nagsuot ng jacket at nagti-tiptoe na lumabas. Napahawak ako sa braso sa lamig pagkalabas ko, May hamog hamog pa sa paligid at papasikat palang ang araw. KIniskis ko ang mga palad at nilagpasan ang mga sleeping bag. Binuksan ko ang selpon para kumuha ng signal dahil kagabi pa ako walang makuhang signal at hindi ko matawagan si Stefanos na paniguradong nag aantay sa tawag ko. Napatingin ako sa kabilang grupo na iilan na ang gising, Lumapit ako sa dagat para maghilamos. “Woah!”Para akong tanga na umaatras kapag tatama sa paa ko ang alon. Napailing nalang ako at nag squat para maghilamos,Nilagay ko ang phone sa bulsa ng jacket bago yumuko at kumuha ng tubig. “Ang lamig.”Bulong ko nang maramdaman ang malamig na tubig na dumampi sa mukha ko. Kinuhanan ko muna ng litrato ang pabukang liwayway na araw. “Ang ganda.”Manghang sabi ko habang nakatutok ang selpon sa langit. Pinindot ko ang front camera para mag selfie. “Putangina!”Gulat na wika ko nang Makita sa camera si Eros na nakatayo sa likod ko at nakapasok ang dalawang kamay sa jacket. “Hindi ka manlang nagsabi na nandyan ka! Muntik na ko atakihin sa puso.”Gulat pa din na sabi ko dahil hindi pa kumakalma ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sa kanya. “Sorry, Mukhang enjoy na enjoy ka kaya hindi na kita in-istorbo.”He said in bedroom voice. Nagkusot siya ng mata at nakangusong nag squat para maghilamos din. Natawa ako ng mahina dahil sa ka-cute-tan niya, Parang si Stefanos lang haha. Pinanood ko lang siya habang naghihilamos at lamig na lamig. “Good Morning.”Bati niya ng matapos. I smiled at tinaas ang blonde niyang buhok na nakaharang sa mukha. “Good Morning din.” Sabay kaming tumingin sa araw na papasibol. “Mag-exercise tayo.”Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ugh! I hate exercise pa naman! “Ayoko.”Nakasimangot kong aniya. Lumingon siya. “Dali na, Kaya ka tumataba hindi ka nag e-exercise.” Ngumisi siya at naglalaro ang mga mata na tumingin sa akin. “Hindi ako mataba!”Lumapit ako sa kanya para paghahampasin siya. “Habulin mo ko Taba! Taba!”Uminit ang ulo ko sa pangaasar niya. Hinabol ko siya habang tumatakbo siya palayo at paulit ulit na sinasabi ang wors na ‘taba’ “FIVE MINUTES niyong gawin yan.” Sabi ni Eros. Nakabilog kaming lahat para mag exercise. Nakasimangot kong ginaya ang ginagawa ni Eros, Nangaasar naman na tumingin sa akin ang hudyo. “Bridget.” “Hmm?”Aniya ko kay Ben ng tawagin ako at kalabitin. Masama pa din ang tingin ko sa hudyo na si Eros. “Mali naman yang ginagawa mo e.” “hUh?”Lumingon ako kay Ben, Ngumiti siya. “Umayos ka ng tayo, Tuturo ko sayo.”Tumango ako at nakinig. “Naka step forward dapat itong kaliwa mo at nakatip-toe ang kanan."Pinanood ko siyang igaya ang mga paa ko. “Woah! Hindi kasi ako nag e-exercise kaya hindi ko alam kung tama.”Natatawa kong sabi kay Ben. “Halata naman na hindi ka nag-eexercises, Pero grabe hindi ka man lang tumataba.”Lumaki ang ngisi ko sa labi sa sinabi niya. Uhuh! Take that Euandross Eastaugffe! “Tologo?”Tumawa siya at tumango. “Ang cute talaga ng mga mata mo.”Aniya ko nang nawala ang mga mata niya. “Insulto ba yan?”Taas kilay niyang tanong. “Haha, Hindi naman.. Sakto lang.”Sabay kaming napahalakhak. “Tss. We’re done!”Napalingon kami kay Eros sa lakas ng boses niya. Hindi pa ako nakaka recover sa boses niyang galit ng malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at hinila ako paalis doon. Nakatulala ako habang hila hila niya ako. “Hoy! Ano bang problema mong abnormal ka!?”Inis na winasawik ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Galit ang expression na humarap siya sa akin at inis na pinasadahan ang buhok. His brows furrowed and his lips pouted a bit. “What the f**k are you doing!”Dumagundong ang boses niya. “What? Naguusap lang kami ni Ben tapos hihilahin mo ko palayo!”Singhal ko sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya at tumalim ang mata. “Naguusap? Naglalandian lang kayo 'e! Nilalandi mo siya!”Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya at umatras. “Malandi ako? Naguusap lang kami tapos ikaw itong humila hila sa akin para sabihing malandi ako ganon?”Marahas na sabi ko at kinagat ang ibabang labi sa galit. Natigilan siya at lumambot ang expression na tumingin sa akin. “N-o.. I-m sorry..” “Alam mo sino ka para umasta ng ganyan huh! Ni hindi nga kita boyfriend o asawa para umasta ka ng ganyan! You’re just my boss! And don’t you ever dare to insult me like that again!”Galit na sabi ko at nagmartsa pabalik sa mga kasama namin na pinagmamasdan kami. “Anong nangyari?”Takang tanong ni Ria nang makalapit ako. “Wala.”Inis na sabi ko. Mukhang nahalata nila na badtrip ako kaya hindi na sila nagtanong. “Are you okay?”Concern na tanong ni Ben. “Yeah.”Mapait akong ngumiti. Sa buong buhay ko ngayon lang may nagsabi na malandi ako. Even my Daddy hindi niya sinabi sa akin yun ng mabuntis ako ng maaga. Parang nilulukot ang puso ko sa sakit tuwing naalala ang sinabi ni Eros. Hindi porket naguusap naglalandian na? “Good morning everyone! Please gather here.”Napukaw ang atensyon naming lahat sa Mc. Nakapasok ang kamay sa jacket na naglakad ako kasabay nina Ria. Hindi ko man lang dinapuan ng tingin si Eros, Simula ng bumalik siya kanina kalmado na ito at nakatingin lang sa akin. Nilibot ko ang paningin para tingnan kung kumpleto na kami, Nag iwas ako ng tingin nang tumama ang mata ko sa nangungusap niyang mga mata. “Here is the first game for today.. Maghanap kayo ng kahit anong ingredients o pagkain na gusto niyo sa loob ng forest, I’ll give you 30 minutes para maghanap only two representative I needed.”We nooded and form a circle. Kung noon kadalasan si Eros ang nasa tabi ko ngayon hindi.. Pumwesto ako sa malayo sa kanya. “Sinong maghahanap?”Tanong ni Nina. Lumingon lingon ako sa mga kasama. “Ako nalang, I have a feeling na gagamitin ang mga pagkain na yun para magluto ng isang masarap na ulam.”Napalingon ako kay Ben. “Pano mo nalaman?”Curious na tanong ko sa kanya. Ngumisi siya. “Noong may ganto din kami sa school, Gantong ganto ang pinagawa sa amin. Wala akong kaalam alam non kaya puro junkfood kinuha ko.”Natawa kaming lahat sa kwento ni Ben. Namili si Ben ng isang lalaki bago sila pumunta sa starting line. “Meron lang kayong 30 miniutes okay? Kapag na late kayo ng isang Segundo man lang minus sa score ng grupo. As of now nangunguna ang Crown Incorporation.” “At para doon sa nagaantay dito, Gumawa kayo ng Bon fire.”Tumango kami. “Go!”Hudyat ng MC, Mabilis na tumakbo ang apat na lalaki papasok ng gubat. Mabilis kaming kumilos para maghanap ng punong kahoy. Pinagsama sama namin ang mga nakuha namin.Hinihingal na nagsquat ako at nagpaypay habang pinapanood ang mga lalaki naming kasama na nagpapa apoy ng kahoy. Medyo natatagalan dahil kinikiskis lang nila ang mga kahoy sa isa’t isa. “Water.”Natigilan ako at nahigit ko ang hininga ng maramdaman ang presensya niya sa gilid hindi ako umimik at pumunta nalang sa mga kasama ko na busy sa pagpapa apoy. Mahigit kinse minutos kaming nagpapaapoy nang sa wakas umapoy din! Humarang ang iba naming kasama kung saan may hangin na dumadaan. May kinse minutos nalang sila Ben. “Bridget.” Nairita ako ng humarang siya sa daan ko. Nangungusap ang berde niyang mata. Umiwas ako para lumihis ng daan ng harangan niya uli ako, Tumalikod nalang ako para bumalik ng hinawakan niya ang braso ko. “Ano ba!”Inis na humarap ako sa kanya. “Look, I’m sorry that was a stupid me. Please forgive me.”Umiling ako sa kanya. Umawang ang labi niya. “Ewan ko sayo Eros.”Malamig na sabi ko at bumalik sa mga kasama. Nakahinga kami ng maluwag ng sampung minuto bago ang nakatakdang oras natanaw namin si Ben at isang kasama niya na may bitbit na maraming ingredient at iba ibang klaseng karne. May bitbit din silang mga sandok at lutuan. “Ang part two nang laro na ito, Gamit ang mga kinuha at napili niyong mga supply. Magluto kayo ng isang putahe gamit yan.I’ll give you all 30 minutes let’s start now!” Mabilis kaming pumunta sa bonfire na ginawa. Kumpleto ang mga kagamitan na nakuha ni Ben kaya hindi kami namoblema. Sinunod namin ang lahat ng Instruction ni Ben habang naghahalo siya ng pagkain. May kanya kanya kaming toka sa mga Gawain. Kaya ng sumapit ang tamang oras,Nilapag ni Ben ang putahe sa lamesa sa gitna ganon din ang kabilang grupo. Natahimik ang lahat at nakatuon lang ang mata sa dalawang tao na titikim ng ulam. Una nilang tinikman ang amin. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng mukhang nasarapan naman sila. Sunod nilang tinikman ang sa kabilang grupo na mukha masarap din. “Parehas masarap ang mga putahe so I’ll give one point each sa dalawang grupo.”Napasuntok ako hangin. “Crown Incorporation has 3 points while Kgroup has 2 points.”Anunsyo ng Mc. Nagpahinga muna kami saglit lahat bago tumungo sa lamesa na nakahanda para sa amin. Ang isa sa premyo ay may masarap na lunch uli kami yey! Tinali ko ang mahabang buhok para hindi sumayad sa pagkain at inayos ang nagulong bangs. Akala ko si Cris at Ria ang uupo sa magkabila kong gilid pero umupo sila sa harap ko at nag peace sign. Napangiwi ako ng umupo sa kaliwa ko si Eros, Tiningnan ko ang dalawan bruha at sinenyasan sila na patay sila sa akin mamaya. Kaya naman pala hindi umupo sa tabi ko dahil mukhang sinadya ng dalawang bruha. Tinuon ko nalang ang pansin sa pagbubukas ng Crab. Nakangiwi ako habang binubuksan iyon. “Let me.”Dinig kong bulong ni Eros sa akin pero hindi ko siya pinansin bagkus tinuon nalang ang mata sa crab. “Haha, Ako na.”Inagaw ni Ben na nasa kanan ko pala ang Crab. Mula sa gilid ng mata nakita ko ang pagsimangot ni Eros. “Hawakan mo kasi dito.”Tinuro niya sa akin ang tamang pagbubukas ng Crab. Tumawa ako at tumango. “Thank you!”Aniya ko at sinisip ang loob ng Crab. Sarap na sarap akong kumakain ng tumama ang siko ni Eros sa akin, Hindi ko pinansin yun baka nasanggi lang. Tumaas ang kilay ko ng tatlong beses na sunod sunod na sumangi ang siko niya at sure ako na hindi lang yun basta nasangi dahil mukhang sinangi niyang kusa iyon. Inis na tumingin ako sa kanya ng sangiin niya uli ang siko ko sa pang apat na pagkakataon dahilan para malaglag ang kinakain kong kanin. Pa-inosente siyang nagtaas ng tingin sa akin nang masama ko siyang tiningnan. “What?”Inirapan ko siya at bumalik nalang sa pagkain. Hindi ko na kinaya ng sangiin niya uli ang siko ko. “Ugh! Stop that!”Pabulong kong sabi sa kanya. Ngumisi siya. “Stop what?”Nang aasar na saad niya. “Nakakainis ka na alam mo yun!”Inis na bulong ko sa kanya. “Nakakainis ka na din!”Umawang ang labi ko sa namutawi sa bibig niya. “Ikaw nga itong may kasalanan sakin may gana ka pang mainis.”Inis na singhal ko sa kanya. “Ang unfair mo! Nakakakinis kasi lagi mong tinatanggihan ang alok ko pero pagdating kay Ben tuwang tuwa ka!”Tinaasan ko siya ng kilay. “Pakihanap ng pake ko.”Supladang sabi ko sa kanya at yumuko. Palihim akong napangiti. Damn! Unti unting humuhupa ang galit at inis ko dahil sa mga biro niya. Madaya ka talaga Eros! “What?”Tanong niya at kinalabit ako. “What?Watawat?”Pambabara ko. Gumalaw ang panga niya, Hindi ko mapigilan matawa dahil sa itsura niyang pika na pika na sa akin. “Hindi ka na galit?”Tanong niya. Tumigil ako sa pagtawa. “Inis hindi galit, Ikaw kaya sabihan ko ng malandi ha!”Bulyaw ko. Lumamlam ang mata niya. “I’m sorry.. Hindi ka malandi.. kasi ako yung malandi.”Ngumisi siya. Tumawa ako sa huling sinabi niya. “Buti narealize mong malandi ka!Haha” Tawang tawa talaga ako sa sinabi niya. “I love making you laugh.”Nakangiti niyang sabi at kinurot ang pisngi ko. Hinampas ko ang kamay niya at sinaman siya ng tingin. “Huwag mo nga ako mahawak hawakan, Malandi ka!”Impit na natawa na naman ako sa word na ‘Malandi’ “Ano naman kaya ngayon ang pakulo ng Mc na to?”Bulong ko kay Cris at Ria habang pinagmamasdan namin ang Mc. “Malay ko,Huwag na tayong umasa na matino ang papagawa ng panot na yan.” Natawa kami sa lintanya ni Ria habang masama ang tingin sa Mc. “Hindi ko pa din talaga nakakalimutan na binuhusan nila tayo ng putik kahapon.”Yamot na sabi ni Cris. “Kadiri.”Nakangiwing kong sabi. “As you can see, Meron tayong limang biik dito-Tinuro niya ang mga biik na nakakulong- Limang lalaki ang kailangan ko kada grupo. Ang gagawin ay paramihan ng biik na mahuhuli.” Nagdikit dikit kaming lahat para magpulong. “Eros,Sali tayo.”Nakangising yaya ni Ben kay Eros. Nag thumbs up sa kanya si Eros at flinex ang braso. “Galingan niyo ha?”Bilin ko sa mga sasabak. “Yes,Ma’am.”Sabay kindat ni Ben. Natawa ako ng bigla siyang hampasin sa mukha ni Eros.Hay nako! Para talaga silang bata. Pumasok sa kulungan ang sampung lalaki. Nakapaa lang sila para madaling makagalaw.Pinalibutan namin ang kulungan para Makita ang mangyayari. “Okay Boys.. Go!”Hudyat ng Mc. Nagsimula na silang tumakbong sampu. “What the f**k!”Napamura ng malakas si Eros ng dambahin niya ang biik pero nakawala agad sa kanya. Kaya buong katawan at mukha na niya ang may putik. “Ang pangit mo!”Sigaw ko sa kanya habang tumatawa. Tumayo siya at hinahanap ako. Pinanliitan niya ako ng mata at flinex ang braso sa akin. Ang yabang! “Halika na Biik..”Malambing na boses na wika ni Ben habang hinahabol ang Biik. Napigil ang hininga ko ng mahawakan ni Ben ang isang Biik kaso biglang humatsing ang biik at tumalsik sa mukha niya ang mga putik. “Haha. Ang epic ng mukha ni Ben!”Natatawang sabi ni Cris. Namilog kasi ang singkit nitong mata nang mabitawan niya ang Biik. Halos magrambulan na ang sampung lalaki sa loob ng kulungan, Nagkakapatiran na din sila kakahabol. “May nakuha ng dalawa ang Kgroup.”Bulong ni Ria. Nakita ko ang dalawang biik na bitbit ng dalawang lalaki, Nilagay nila ang biik sa basket. Ang mga myembro naghihiyawan na sa tuwa dahil sa nakuha. “f**k. Yes!”Napatalon ako nang may nakuhang isang biik si Eros. Nilagay niya iyon sa basket at naghabol uli. “Dahan dahan…”Bulong ko habang nakatitig sa biik na kukunin ni Ben. Nakaupo ang Biik at mukhang hindi niya napapansin ang presensya ni Ben sa likod. Habang si Ben halos hindi na humihinga habang papalapit. “Nays one!”Napasuntok ako sa hangin ng makuha ni Ben ang Biik. Nilagay niya ang Biik sa basket. Isa nalang ang Biik. Halos magtulakan sila sa loob para makahabol sa Biik, Natawa ako sa iritang mukha ni Eros habang tinutulak ang lalaki na nakaharang sa tapat niya. Grabe talaga tong lalaking 'to. Pigil hininga ang lahat habang pinapanood sila na halos mag sapakan na dahil lang sa biik. “It’s okay..”Pampalakas loob ko sa mga kasama kong nalugi ang mukha ng matalo kami. Pantay na ang score all three na. Pinaligo ko muna ang mga lalaki sa banyo na ginawa namin habang kumukuha ako ng damit sa loob. Hindi ko namalayang ala singko na pala nang hapon. Sa dami ng nangyari nakakalimutan ko ng tingnan ang oras. After maligo ng mga lalaki kami naman ang naligo. Ang lagkit ng balat ko dahil sa pawis. Feeling ko tuloy ang asim ko na. Nakakahiya! Mahabang damit at mahabang pants ang suot suot ko ng lumabas ng banyo at nagpasalamat sa dalawang naghawak sa tela. Hinayaan ko ang basa kong buhok na nakalantad. Nilagay ko sa maleta ang madumi kong damit at naglagay ng Off lotion para hindi lamukin. Nagdampi din ako ng lip balm sa labi nang maramdamang dry na ito. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok habang nakatulala sa kawalan at iniisip si Stefanos. Dalawang araw palang pero miss na miss ko na ang batang yun. Narinig kong tinawag nila ako mula sa labas kaya binalik ko sa ayos ang mga gamit ko bago tumungo sa kanila. “Lulutuan daw natin yung baboy na nakuha nila Eros. Hapunan daw.”Sabi ni Ria sa akin. “Ganon ba.”Sambit ko at inangkala ang braso sa braso ni Ria at hinila siya patungo kila Cris. “Kawawa naman.”Mahinang sabi ko habang pinaanod silang nagkakatay ng baboy. Napangiwi ako sa dami ng dugo na kumalat at sa lakas ng iyak ng Biik. Ang mga lalaki ang nagkatay habang si Ben ang nagluto kaya ang ginawa naming mga babae ay kumuha ng dahon ng saging para sa pagkain at nilatag ng maayos. “Mukhang masarap.”Natatakam ko ng wika habang nakakatitig sa nilapag na Letchon ni Ben at Eros. Nag indian sit kaming lahat sa buhangin habang nakapalibot sa dahon ng saging. Umupo si Eros sa kaliwa ko at sa kanan ko naman si Ben. “Hinay hinay ang pagkain Bridget, Baka lumobo ka niyan.”Pang aasar sa akin ni Eros. Inirapan ko siya at kumuha ng kanin. “Hindi naman mataba si Bridget,Eros.”Pagkampi sa akin ni Ben at kinindatan ako. “Anong hindi mataba? Maliit kasi yang mata mo kaya hindi mo Makita ng maayos.”SInamaan ko ng tingin si Eros. Umusog ako palayo sa kanya. “Kaya talaga mas gusto ko si Ben kesa sayo e.”Pang aasar ko sa kanya at lumayo. Narinig kong tumawa ng mapangasar si Ben. Umasim ang mukha ni Eros at hinila ako palapit sa kanya. “Oo na hindi ka na mataba! Basta ba huwag ka na ulit didikit sa singkit na yan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD