Games
“Our first game for today, You’ll need to look and build for your own Tent. Nakakalat ang walong tent sa loob ng Gubat, If sino ang pinakamaraming makitang Tent siya ang makakakuha ng one point and additional one tent!”
Kakadating lang namin tapos simula agad ng competition?Wth!
Really? Balak ba nila kaming patayin?
“We need ten representative each team, Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para magusap usap. Timer starts now!”
Mabilis kaming nag form ng bilog.
“Sir, Sino ang sasalang?”Tanong ng isa naming kasama.
“Mas okay kung puro lalaki nalang ang sumalang since mahihirapan ang mga babae bitbitin ang tent.”Sumang ayon ako kay Ben.
Lumukot ang mukha ni Eros sa pagsangayon ko.
Pinapunta sa harapan ang sampung lalaki including Ben and Eros.
“One, Two,Three go!!”Pagkabigay na pagkabigay ng hudyat mabilis na nagsitakbo ang representative ng Kgroup at Crown inc.
“Go! Eros! Ben!”Nagkanya kanya kaming Cheer habang pinapanood silang pumasok sa loob ng gubat.
“Sana makuha nila lahat ng Tent.”Wika ni Cris.
“We need to pray.”Sumangayon silang lahat sa akin kaya lahat kaming mga babae naiwan nagpabilog kami at nagusal ng panalangin.
Everytime passed by palakas ng palakas ang kabog sa aking dibdib na paniguradong ganon din ang nararamdaman ng mga kasama ko.
“AAAAAAA!!”Naghiyawan ang Kgroup ng naunang lumabas ang mga pambato nila. Pawis na pawis ang mga ito at may hawak na tent.
Nilapag nila sa gitna ang tent at pinag pahinga muna sila habang inaantay ang kabilang panig.
“AAAA!!”Mas nilakasan namin ang hiyawan ng lumabas sila Eros.
Nilapag nila ang mga tent sa tabi ng mga nakuhang tent ng Kgroup.
“Okay, Bilangin natin.” Unang binilang ng Mc ang tent ng Kgroup.
“Five tent! So for the game one Team Kgroup won!” Sumimangot ako at pinilit pinapalakas ang loob ng iba na okay lang yun kahit hindi!
Pano kami magkakasya lahat sa tatlong tent! Sabihin mo nga!
“I’m sorry.. Naunahan nila kami makuha ang ibang tent.”Hinihingal na lumapit sa amin sila Eros.
“Okay lang Sir, Mag siksikan nalang tayo lahat sa tent.”Natatawang sabi ng isa naming kasama na kinatawa ko din.
“Everyone! Please build your tent now!” Sigaw ng Mc.
“Let’s go.”Sambit sa amin ni Eros at pinasadahan ang basang blonde na buhok.
Nagtulong tulong kami sa pagkakabit ng tatlong tent at ngayon nakatingin kaming lahat sa mga tent.
“Pano yan? Mukhang limang katao lang ang kakasya sa tent.”Kumakamot sa ulo na wika ko.
“How about.. Yung mga babae nalang ang matulog sa loob ng tent habang kami sa labas nalang.”Aniya ni Eros.
Umawang ang labi ko nang sumangayon lahat ng lalaki.
What a gentleman.
“Bridget.”Nilingon ko si Eros.
“Bakit?”
“Patabi muna sayo ng bag ko.”Sabi niya at nilahad sa akin ang bag.
“Okay.”
“Ako din!”Napatigil ako sa pagpasok ng biglang sumingit si Ben. Sumama agad ang mukha ni Eros.
“Anong ikaw din? Wala! Ibaon mo yang bag mo sa lupa!”Natawa ako ng hinaranggan ni Eros si Ben para hindi makalapit sa akin.
“Ang sama mo! Catch Bridget!”Nagulat ako ng bigla niyang hinagis ang bag. Nakahinga ako ng masalo ko iyon.
“What the f**k?”
“Pumasok ka na bilis!”Natawa ako ng hinawakan ni Ben sa Eros sa braso para hindi makuha ang bag niya. NIlapag ko ang maleta sa gilid at tinabi doon ang bag ng dalawang asungot.
“Cris.. Isara muna natin yung tent magpapalit ako ng damit.” Sabi ko kay Cris na nasa bungad ng tent.
“SIge, Magbibihis din ako.”Sinara niya ang zipper. Tumalikod ako sa gawi nila at hinubad ang jacket at Sleeveless na basang basa sa pawis.
Tirik na tirik pa naman ang araw sa labas.
Nagsuot lang ako ng cargo shorts and white T-shirt, Ang puti kong sapatos ay pinalitan ko ng itim na rubbershoes para hindi madumihan.
Tinali ko ang buhok gamit ang panyo.
Pagka harap ko nakabihis na din ang mga kasama ko sa tent. Kinalkal ko ang sunblock na dala at nagpahid sa buong katawan.
Bitbit ang bote ng sunblock lumabas ako para hanapin ang dalawang asungot na paniguradong sunog na ang balat.
Kunot noong nilibot ko ang paningin sa buong paligid nang hindi sila Makita.
Napahalakhak ako sa tawa nang matanaw ko silang magkatalikuran na nakaupo sa malaking bato sa ilalim ng puno. Namumula mula ang balat nilang dalawa dahil sa init.
Kung hindi ko lang talaga sila kilala iisipin kong matalik silang magkaibigan. Hinid pa nila ako napapansin dahil nakatanaw sila sa dagat.
“Andito lang pala kayo, Kanina ko pa kayo hinahanap.”Saad ko ng makalapit. Napaigtad sila parehas at napatingin sa akin.
“Bakit? Namiss mo agad ako?”Nakangiting sabi ng chinitong si Ben. Sinamaan ng tingin ni Eros si Ben at binatukan ng malakas.
“Aray!”
“Ulol! Ako ang namiss niyan!”
“Oh!”Nilahad ko sa kanila ang bote ng sunblock.
“Aanhin namin yan?”Inirapan ko sila.
“Magpahid kayo sa katawan para hindi masunog balat niyo, Sayang kutis niyo.”Aniya ko.
Hindi ko na sila inantay magsalita at tumalikod sa gawi nila.
“Let’s all gather here everyone!”Aniya ng Mc. Nagsama sama kaming magkakagrupo at lumapit doon.
“Our second game is all about the basic needs. Maraming nakakalat na basic needs sa loob ng kagubatan. We just need Five fire woods,three first aid, twenty-five pack of water and Cangoods, twenty-five Toiletries. Kung sino ang unang makakapagdala ng lahat ng pinapakuha ko siya ang mananalo.”
“The price is one point for the winning team and a Delicious lunch for your team. To the loser.. Find your own food. I need twenty representative each team! You’ll have ten minutes to decide.”
Nag form kami ng circle.
“I want to join.”Suggest ko.
“What? No!”Angal ni Eros.
“Anong no?”Taas kilay kong sabi.
“Dito ka nalang.. Delikado sa loob ng gubat baka mapano ka.”
“I’m not a fragile girl na basta basta lang mapapahamak.”Aniya ko.
“She’s Right dude.”Pag sangayon ni ben at kinindatan ako. Wala ng nagawa si Eros ng Desidido na ako.
Sampung lalaki at sampung babae ang representative namin.
“Here’s the plan.. Dapat may kasamang lalaki ang mga kasaling babae para incase na may nangyari may tutulong.”Seryosong sabi ni Eros.
“Sir, Mas maganda po atang maghiwalay hiwalay para maraming mahanap na basic needs.”Sabat ng isa naming kasama.
“Oo, Malaki ang advantage but our first priority is safety.” Napangiti ako sa sinabi ni Eros.
Safety pa din ng Empleyado niya ang na sa isip kahit na labanan ito sa business. A real business man indeed.
“Go to starting line now!”Sigaw ng mc.
Nilahad ko ang kamay ko sa gitna, Agad nilang nakuha ang nais kong iparating.
“Crown Incorporation!”We shouted then raised our hand.
Tumakbo na kami sa starting line, Ganon din ang kabilang grupo. Nagdikit dikit ang magkakasama kaya dumikit ako kay Eros.
“Go!”Mabilis akong tumakbo papasok ng Gubat.
“Not there!”Hinaklit niya ang kamay ko at hinila sa parte ng gubat na walang pumasok.
“Sometimes they hide it in the tree or behind the grasses.”Tumango ako sa kanya at nagtitingin tingin sa paligid.
“May First Aid Kit!”Aniya ko at tinuro yung nakasabit sa puno.
Tumingala siya at bumaling sa akin.
“Stay here.. “Umusog ako para hindi ako matamaan sa gagawin niya.
Bumwelo siya at tumalon.
Napapalakpak ako ng makitang nakuha niya, Inabot niya sa akin ang first aid at nagpatuloy sa paghahanap.
“Merong Can Goods and Water dito.”Aniya at inabot ang nakita sa ilalim ng puno.
“We need to hurry!”Sabi ko sa kanya.
Nakahawak siya sa kamay ko habang naglilibot kami, Madami madami na din ang nakuha namin.
“Merong Toiletries doon sa taas oh!”Sabi ko at tinuro yun. Sinubukan niyang talunin pero hindi niya naabot.
“Wait, May naisip ako.. Umupo ka patalikod sa akin.”Kunot noo naman siyang sumunod.
Hindi ko alam kung pano ako nakaupo sa balikat niya ng walang hiya hiya.
“What the f**k?”Gulat na sabi niya at hinawakan ang hita ko para hindi ako matumba.
Naramdaman ko ang mabibigat niyang hininga.
“Tumayo ka na dali!”Nagmura siya ng marahan at tumayo din.
“Diretso ka pa ng konti.”Sabi ko habang nakahawak sa buhok niya at naka tingala sa Toiletries na nakatali sa isang mataas na sanga ng puno.
“Hindi ko maabot,Tumingkayad ka.”Utos ko habang pilit inaabot iyon.
“f**k this.”I hear him whispered.
“Nakuha ko na!”Nakangiti kong sabi. Bumuntuhininga siya at nag squat para makababa ako.
“Bakit namumula ka?”Takang tanong ko nang makitang pulang pula ang buong mukha niya at leeg.
Umiwas siya ng tingin.
“Wala!”Singhal niya at hinaklit uli ang kamay ko.
“Nawiwili ka na sa kakahawak sa kamay ko a?”Puna ko habang naglalakad kami pabalik.
Ang mga nakuha naming basic needs nilagay namin sa malaking plastic na nakita namin kanina.
Napatigil siya sa paglalakad.
“Edi wag! Ang arte! Kala mo ganda ng kamay tss.”Pagsusungit niya habang namumula pa din ang mukha.
“Ewan ko sayo! Halika na nga! Baka nakabalik na yung iba!”Sambit ko at hinila ang kamay niya.
Tahimik lang siya habang hinihila ko siya pabalik.
“Tayo nalang pala inaantay.”Wika ko ng matanaw na kumpleto na sila maliban sa amin.
Binitawan ko ang kamay niya ng lumingon sila sa banda namin.
“Oh! Andito na din kayo.”Sabi ng Mc. Nilapag ko ang plastic sa mga nakuha ng mga kasama ko.
“Mukhang tayo yung mananalo!”Natutuwang sabi ni Cris.
“Let’s start with the Kgroup”Tumahimik ang lahat at pinagmasdan lang ang Mc na magbilang.
“Nakakuha sila ng 5 Firewood, 3 First Aid, 21 water and cangoods and 19 Toiletries.”
Madami din silang nakuha. Sunod naman pumunta ang Mc sa harap namin. Nag squat siya sa mga nakuha namin at tinanggal sa plastic ang dala namin ni Eros.
Tumatambol ng malakas ang dibdib ko habang pinagmamasdan siyang magbilang.
Nakasalalay dito ang lunch namin!
“Ang nakolekta naman ng Team Crown Incorporation ay 5 Firewood, 3 First Aid, 25 Water and Can Goods and 25 Toiletries!!”Napatalon ako sa saya.
“We won!!!”
Nag apir kaming lahat.
Team Crown-=1 points.
Team Kgroup=1 points.
Umupo kami sa lamesa na hinanda para sa amin.
“Boodle Fight!”Masayawang wika namin ng makita ang mga pagkain na nakalagay sa dahon ng saging.
Puro Seafood ang mga nakalatag na ulam.
“Congratualtions Team Crown! You may eat now!”
“Woah!”
“Thank you!”
Nagpa-picture muna kaming lahat at nagdasal.
Nagkanya kanyang kain kaming lahat, Walang imikan dahil pare parehas kaming gutom. Sunod sunod ang subo.
Gosh! 2pm na kaya! Kanina pa ako gutom na gutom.
Nabulunan ako ng may umipit sa ngala ngala ko.
“Oh! Tubig, Dahan dahan hindi ka naman mauubusan.”Mabilis kong ininom ang tubig na inabot ni Eros.
“Mukhang gutom na gutom ka Bridget a?”Puna ni Ben.
Sinamaan ko siya ng tingin habang nainom.
“Thank you.”Aniya ko kay Eros at bumaling kay Ben.
“Malamang! Anong oras na kaya!”Tumawa siya sa pangongontra ko.
“Hoy! Huwag mong guluhin si Bridget!”Napailing ako ng binatukan ng malakas ni Eros si Ben.
“’Aray naman! Ano naman!”
“Anong ano naman!?”
Hindi ko sila pinansin at kumain nalang muli.
“Grabe.. Busog na busog ako.”Sambit ko matapos kumain.
“Ang takaw mo.”Bulong ni Eros. Marahas ko siyang nilingon at tiningnan ng masama.
“Matakaw? Gutom lang ako gutom!”Ngumisi siya at sumulyap sa tiyan ko.
“Tingnan mo ang taba na ng tiyan mo, Konti nalang magiging baboy ka na.”Umusok ang ilong sa inis dahil sa sinabi niya.
Hinampas ko siya ng malakas sa braso.
“Hindi ako mataba!”Paulit ulit na sabi ko habang patuloy siyang sinasapak.
“Go! Bridget! Sapakin mo yan! Iganti mo ko!”Rinig kong pagchi-cheer ni Ben sa gilid.
“Ouch! Aray! Tangapin mo Aray! Mo nalang na mataba ka na!”Mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya kaya mas nilakasan ko ang paghahampas.
Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi niya sinasabi na hindi naman talaga ako mataba.
“Ang sadista mo.”Nakasimangot na sabi niya habang hawak ang parte na pinaghahampas ko.
Uminom ako ng tubig at tinaasan siya ng kilay.
“Anong sabi mo?”
“Wala!”
Ngumiti ako at tumango.
“Good! Kahit Ceo ka pa kapag sinabi mo ulit yun hahampasin uli kita sa harap ng mga empleyado mo okay?”Pagbabanta ko sa kanya.
Ngumiwi siya at tumango.
“Haha, Tiklop siya 'e!”Natatawang kommento ni Ben.
Nilingon siya ni Eros at sinamaan ng tingin.
Nagpahinga kami ng isang oras bago kami tawagin uli ng Mc para sa sunod na gagawin.
“The next game is for the girls. Nakikita niyo ang mga stall na iyan-tinuro ng mc ang bawat stall na nakalagay –Yang tatlong stall na yan, Dadaanan ng representative nyo. May iba ibang challenge na ipapagawa sa inyo kada stall so be ready. I need five girls representative for each team.”
Nag form uli kami ng Cricle.
“Sali tayong tatlo nila Ria, Bridget.”Ngumiti ako at nag thumbs up. Naghanap pa kami ng dalawang babae na makakasama si Nina at Shane.
“Be careful.”Tumango kami sa paalala ni Eros.
Pinapwesto kami sa starting line.
“Listen, Girls.. Ang unang stall may question like riddle sa pangalawang stall kailangan niyong makalagpas sa net na iyon ng hindi sumasanggi ang anumang bahagi ng katawan sa mga tali na nakaharang. Be careful dahil kapag nasangi niyo at nadikitan man lang ang mga tali may consequences.”
Napalunok ako sa kaba.
Anong consequence naman yun?
“For the third stall hahanapin mo ang tamang susi sa box na may laman na regalo! Are you ready?”Nakangiting tanong ng Mc sa amin.
I nooded.
“Kgroup!!”
“Crown Incorporation!”
“Go!”Hudyat ng MC. Mabilis kaming tumakbong lima patungo sa unang stall.
“Umikot si Lolo, Sumuka si Lola.”Binasa ng malakas ni Cris ang papel.
Ano yun! Think think Bridget!
“Gripo!”Hiyaw ni Shan sa isang staff, Tumango ito sa amin kaya tumakbo kami patungo sa pinakamahirap na part.
Nilingon ko ang kabilang grupo na halos kasabay lang namin.Nauna akong yumuko at umiwas sa mga tali. Pigil ang hininga ko na huwag masanggi ang mga tali.
Napatili ako ng Buhusan ako ng putik sa buong katawan ng masanggi ko ang tali.
Ang pangit naman ng consequences na to!
Mas nag focus na ako sa bawat dinadaanan.
Bakit ang haba naman nitong net na to?
Sa pangatlong pagkakataon binuhusan muli ako ng putik, Napangiti ako ng makalabas ako.
Kinuha ko ang madaming susi at sinubukan buksan ang box. Nangangatog ang hita ko sa kaba ng makitang kakatapos lang ng nauna sa kabilang grupo.
Parehas na kaming nagta-try ng susi. Putek! Bakit pare-parehas yung mga susi.
Nakatapos na sila Cris doon sa net pero hindi ko pa din nakakabit ang susi.
“Yess!!” Nagtatalon kami sa tuwa ng mabuksan ang box.
“Another point for Crown Incorporation!”
Masaya kaming lumapit sa mga kasama namin para makipag apir.
“A-hm.. I think hindi ngayon yung tamang oras para mag apir.”Nakangiwing sambit ni Eros.
“Tingin ko kailangan niyo munang maligo.”Nakangiwi ding sabi ni Ben.
Tinaasan ko sila ng kilay at napangisi ng may naisip na kalokohan.
Ang arte niyo huh!
Pinahiran ko sila ng putik sa buong mukha.
“Bridget!”
“Yuck!”
Inis na sabi nila, in the end pinunasan namin lahat sila ng putik.
“Saan tayo maliligo nito?”Sambit ko habang nililibot ang paningin.
“Sa dagat kaya?”Sabi ko sa kanila.
“Huwag kayong mga babae maligo doon.. Baka kung anong gawin ng kabilang grupo sa inyo.”
Nakasimangot na sabi ni Eros habang masama ang tingin sa mga lalaki sa kabilang grupo.
Ang ginawa nalang namin, Kumuha ng tubig ang mga lalaki sa dagat gamit ang napalanunan naming mga timba at tabo. Habang kaming mga babae naman nagbuo kami ng banyo ang ginamit naming pangharang ang mga extra kumot namin na mga dark ang kulay.
Sinigurado namin na hindi kami masisilipan, pero kailangan pa din hawakan ng dalawang katao ang kumot para hindi malaglag.
“Sure bang hindi kayo makikitaan diyan?”Taas kilay na tanong sa akin ni Eros habang pinagmamasdan ang kumot.
“Yep!”
Pinagmasdan niya iyon ng maigi na parang walang tiwala don.
“Andito ka lang pala! Tulungan mo kami don!”Sabat ni Ben at hinila palayo sa akin si Eros. Napapansin ko sa dalawang iyon parang nagiging magkaibigan na.
Malayong malayo sa dating sila.
Hinilera namin ang mga timba sa loob ng banyo nang matapos ang mga lalaki at nagsisiliguan na sa dagat.
Palingon lingon ako sa gawi ng mga lalaki baka may makita akong Crown na tattoo sa upper left ng chest nila.
Gusto kong lumapit para makita ko ng maayos kaso hindi ko naman mabitaw bitawan ang hawak na kumot habang naliligo si Cris sa loob.
Napasabunot nalang ako sa buhok ng makitang tumungo sila sa liblib na lugar para magbihis.
Masama ang loob na naligo ako, Binilisan ko lang dahil hindi ako komportable maligo sa ganong ayos.
Nagsuot ako ng jogging pants at T-shirt. Pinatungan ko din ng jacket dahil sa lamig.
Nasa kabilang parte ang pwesto ng kabilang grupo kaya hindi namin sila nakikita. Gumawa ang mga lalaki ng bonfire ng sumapit ang gabi.
Habang kaming mga babae naman ay inaayos ang Sleeping bag na napalanunan namin sa huling laro ngayong araw.
Sapat lang ang sleeping bag sa mga kasama naming lalaki kaya hindi na sila mamomoblema ng tulugan.
Nilatag namin ang mga sleeping bag palibot sa bonfire. Umupo kami at nagpalibot din habang may hawak ng stick na may nakalagay na marshmallow.
“Hmm.. Let’s hear each other stories!”Suggest ni Nina.
Sumang ayon kami lahat para malibang din kami.