Isla
ALAS tres ng umaga ako bumangon at naghanda. Nagsuot lang ako ng pants at jacket dahil
malamig.
Nilugay ko lang ang basa kong buhok para hindi manakit ang ulo ko.
Nagiwan ako ng pera kay Ate Lina para pang gastos gastos nila ni Stefanos sa limang araw na wala ako.
Hila hila ko ang maleta ng lumabas ng apartment, Nagtaka ako kasi may sasakyan na nakapark sa tapat. Binaliwala ko nalang baka bagong bili ng kapitbahay.
Napahinto ako ng mag high beam ang kotse.
“Eros?”Gulantang kong sabi ng bumaba ang salamin para makita ang driver.
“Ben?”Sambit ko ng matanaw din si Ben na nakaupo sa passenger seat.
Really? Hanggang dito ba naman.
“Hey, Bridget sinundo ka namin.”Nakangiting sabi ni Ben.
“Tss. Ako lang dapat ang susundo sayo kaso bigla siyang sumakay sa passenger seat.”Ang aga aga nakasimangot agad si Eros.
Nilagay ni Ben ang maleta ko sa likod ng sasakyan at pumasok naman ako sa backseat. Hindi na ako umayaw since ayoko din mahirapan sa pagsakay ng jeep.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nagaaway sila habang nasa byahe. Hindi man lang ako dinapuan ng antok dahil nalilibang ako sa kanila.
“Ahm anong sasakyan natin papunta sa isla?”Sabat ko sa kanila.
“May bus na maghahatid sa atin sa port ng Yatch na maghahatid naman satin sa isla.”Tumango ako sa sa sinabi ni Eros at napatingin sa labas ng huminto ang sasakyan.
Natanaw ko ang mga kasama namin na mga naka jacket din at pants kagaya ko na parang pinag usapan namin lahat iyon.
“Woah!!”Gulat na sabi nila ng makita akong lumabas ng sasakyan. Si Ben ang naglabas ng maleta ko,Hinila ko palapit ang maleta kila Cris matapos magpasalamat.
“Ano yun huh?”Bungad ni Ria.
“Ewan ko, Nagulat nalang ako nasa labas na ng apartment ko yung dalawa.”Tumawa sila.
“Ganda yan 'e!”Sinamaan ko sila ng tingin sa mga pangaasar niya. Pagsapit na pagsapit ng alas kwatro dumating ang bus na in-arkila ng kumpanya.
Umupo ako sa dulo dahil andon nalang ang bakante.
Natanaw ko si Eros at Ben na bitbit ang kanilang mga bag at naguunahan papunta dito sa likod na kinailing ko nalang at kinatawa ng iba kong kasama.
“s**t! Sabing paunahin mo ko 'e!”
“Ulol!”Natatawang asar ni Ben kay Eros na pikon.
Napakamot nalang ako sa ulo ng katabi ko pa ang dalawang asungot. Sa kanan si Eros na nakaupo banda sa may binta tapos sa kaliwa ko si Ben na katabi ang dalawa kong ka-department.
Buti naman at hindi nagaaway itong dalawa. Niyakap ko ang unan na maliit na bitbit ko, Actually unan ito ni Stefanos, Paniguradong mamimiss ko ang anak kaya nagdala ako ng ganto.
Halos maduwal duwal ako habang nasa byahe.
Ugh! Bakit kasi dito ako napa upo nakakahilo tuloy! Ngayon nalang kasi ako makaka-byahe ng malayo.
“Are you okay? You look conspicated.”Ngumisi si Eros.
Sinamaan ko siya ng tingin at napayakap ng mahigpit sa unan.
“N-asusuka ako.”Sapat na ang maikling salita para mataranta siya.
“Ben!”Taranta niyang tinawag si Ben sa gilid ko at sinabing nasusuka ako..
“Ano!?”
Napasapo ako sa ulo ng taranta silang naghanap ng plastic, Tinapat ni Ben sa bibig ko ang nahinging plastic habang si Eros hinawakan ang buhok ko para hindi sumayad sa suka.
Hindi ko na napigilan at nasuka sa plastic, Sumuka ako hanggang sumakit ang lalamunan.
Nakangiwing Tiningnan naman ako ng dalawang maarteng lalaki sa tabi ko pagkatapos ko magsuka. Pinahinto nila ang bus at tinapon ni Ben ang Plastic.
Hinimas himas ni Eros ang likod ko.
“Kaya pa?”Hindi ko pinansin ang mapang asar niyang tono bagkus sinubsob ang mukha sa unan ng maramdamang umandar uli ang bus.
Sinuot ko ang Airpods habang nakasubsob ang mukha para makatulog.
Naramdaman kong hinahaplos pa din ni Eros ang buhok at likod ko.
I hate the smell of bus!
Hindi ko namalayang huminto na pala ang bus. Pungas pungas na nag angat ako ng tingin at nagtaka ng makitang nasa pwesto na ako ni Eros kanina.
“Okay ka na?”Tanong niya.
Inayos ko ang nagulong buhok at tumingin sa paligid.
“Asan sila?”Tanong ko nang kaming dalawa nalang ang nandito sa bus.
“Bumili sila ng makakain sa labas, Gusto mo ba lumabas?You look pale.”Tumango ako sa kanya.
Nilapag ko ang unan sa upuan at naunang lumabas.
Nakahinga ako ng maluwag ng makasinghot ng sariwang hangin. Pasado alas sais palang pala.
It means two hours ako nakatulog.
Nasa tapat kami ng pamilihan, Hindi ko mahanap ang mga kasama kaya nagtungo nalang ako sa iba. Tahimik lang nakasunod sa akin si Eros.
“Anong gusto mong kainin?”Tanong niyang makitang kanina pa ako palinga linga sa paligid.
“Kahit ano.. Basta yung mainit sa tiyan, Hindi na ako sanay bumyahe.”Bumuntuhininga ako.
“May nakita akong masasarap na pagkain doon. Tara!”Napaigtad ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinagsiklop ang aming mga daliri habang hinihila ako patungo sa direksyon na tinutukoy niya.
Our hands perfectly fit to each other.. it’s like God made us for each other.
Hindi ko namalayang nakatunganga lang ako sa kamay naming magkahawak.
“Oh heto yun!”Aniya. Nag angat ako ng tingin doon at parang nanubig ang bagang ko sa mga pagkain.
Nakalimutan ko bigla ang mga kamay niya sa palad ko.
Excitement filled my heart..
Hinila ko siya palapit doon sa tuwa.
“Ate, Pabili nga po nito.”Tinuro ko ang nakaakit sa akin.
“Magkano?”Tanong ko.
“75 pesos.”Kinuha ko ang wallet at nagbayad.
Kagat kagat ang binili ko tumingin tingin ako sa mga tinda baka may magustuhan ako.
Hinila niya ako papunta sa tindahan ng candy.
“Pumili ka ng gusto mo.. Kailangan mo yan sa byahe para hindi ka magsuka.”Mga limang klase ng candy ang pinili ko.
Bumili din siya ng plastic para sa akin kung sakaling magsuka ako.
“Thank you Eros.”Nakangiti kong sabi sa kanya at bumitiw sa kamay niya para mauna sa pagakyat ng bus.
Hindi ko pinansin ang mapang asar na tingin nila sa akin ng makitang kasunod ko si Eros.
“Okay ka na?”Tanong ni Ben ng makaupo ako sa tabi niya.
“Yes.”
“Buti naman.”Natatawa niyang sabi at ginulo ang buhok ko.
“What the!”Nag angat ako ng tingin kay Eros na nakasimangot na nakatingin sa katabi ko.
Inusog niya ako para mapaupo ako sa tabi ng bintana at siya ang umupo sa pwesto ko kanina.
“Don’t talk to her.”He hissed at him.
Umiling ako sa kanila at sinandal nalang ang ulo sa bintana habang pinapakinggan ang pagaaway ng dalawang lalaki sa tabi ko.
“Umusog ka nga!”
“Ikaw ang umusog!”
“Layo!”
“Sabing layo e!”
ISA ISA kaming bumaba nang makarating kami sa port kung saan ang sasakyan namin na maghahatid sa amin sa isla.
“Sa yatch tayo sasakay!”Tuwang tuwa na sabi ni Cris nang kinausap ni Eros ang taga bantay doon.
Tumabi sa akin Si Ria at Cris nang pinalapit kaming lahat ni Eros.
“Pumasok na kayong lahat, Ito ang magdadala sa atin sa isla. Isang oras na lang makakarating na tayo sa patutunguhan.Ihanda niyo na ang sarili niyo.”Anunsyo ni Eros.
Tumango kaming lahat.
Sabay sabay kaming tatlo nila Cris na umakyat sa yatch,Sumunod ang iba pang kasama namin.
“Woah! Ang ganda ng view!”
Iniwan ko muna sila para umupo sa couch na nandito sa top deck. Sumandal ako para magpahinga at pakalmahin ang puso dahil sa kaba.
Hindi pa ako masyadong nakakapag pahinga ng tawagin kami ni Eros.
“Kumain muna tayong lahat.”Aniya. Nagsi-upuan kami at nagsimula ng kumain.
“We need to win this competition, Mahirap ang pagda-daanan natin sa isla sa loob ng limang araw. I need you all to be brave enough to survived this.”
“For the Crown Incorporation!”Inangat ni Eros ang baso ganon din ang ginawa ko.
“For the Crown incorporation!Cheers!” Pinagtama naming lahat ang mga baso at nagtawanan.
In-enjoy namin ang mga sarili sa yatch.
“Malapit na tayo.”Aniya ko ng matanaw ang isla.
“Welcome to the island Crown Incorporation.”
Sinalubong kami ng mga staff at sinuotan isa isa ng kwintas na hindi ko mawari kung para saan.
Natanaw ko sa kabilang parte ang kalaban naming kumpanya na Kgroup na matatalas ang tingin sa amin.
“Sarap tusukin ng mga mata nila.”Sabi ni Ria na sinagayunan namin ni Cris.
Pinalagay ang mga gamit namin sa isang gilid at pinabalik sa pwesto. Nasa kaliwa ko si Eros habang sa kanan si Cris nakaharap kami ngayon sa Mc.
Ang Kgoup nakapwesto sa bandang kanan namin.
“Good morning, Everyone! Ang pinasuot namin na kwintas sa inyo ay merong tracking device sa loob. It’s for your own safety kaya huwag niyong huhubarin. Incase na maligaw kayo sa loob mag antay lang kayo at may dadating na tulong okay?”Tumango ako at napahawak sa kwintas.
“As you can see, Wala kayong nakikitang tulugan man lang para sainyo o lagayan ng gamit kasi kayo mismo ang maghahanap.”
What?
Hinubad ko ang Jacket ng makaramdam ng init at hinayaan lang ang Sleeveless ko.
“Isuot mo uli yung jacket mo tsk.”Nag angat ako ng tingin kay Eros.
“Mainit.”Kibit balikat na sambit ko.
Nagsalubong ang kilay niya at kinuha mismo sa kamay ko ang jacket at siya ang nagsuot.
“Kitang kita yung cleavage mo, Papaypayan nalang kita para hindi ka mainitan.”Ngumuso ako at tumango nalang.
Gumaan ng konti ang pakiramdam ko ng paypayan niya ako gamit ang panyo.
“Sa loob ng limang araw maraming activities ang masasalihan niyo. Sa isang araw baka umabot ng apat na activities ang kailangan niyong gawin para maka survive and we’re not giving you a food but kapag nanalo kayo sa isang activities kasama sa premyo ang mga kakailanganin"