Competition
TUMUNGO ako sa area ng chi-chirya para bilhan ng pillows si Stefanos. Hinanap ng mata ko ang pillows habang tinutulak ang cart. Napatigil ang mata ko sa isang lalaki na nakatalikod sa gawi ko na nasa harapan ng mga pillows.
"E-ros? "Hindi siguradong tawag ko sa kanya.
Napangiwi ako ng makita ang itsura niya.
"Bridget. "
Kunot noong tiningnan ko ang halos hindi na niya mahawakan na mga pillows, Ngumiwi lang siya sa akin.
Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon Sinalo ni Ben at Eros ang lahat na Shot para sa akin. Sa kabutihang palad hindi naman sila nalasing.
Mas lalo tuloy nakumpirma nila Ria at Cris maging ang iba pa naming kasama sa department na may gusto sila sa akin na bagay na hindi ko pinapaniwalaan.
Ayokong mag-assume, Sabi nila actions speak louder than word but for me, Too much actions without word is confusing.
Hindi mo alam kung kaibigan o lover ba ang tingin sa iyo ng isang tao kung puro sa actions ka bumabase. Dapat balance.
“Anong ginagawa mo dito?”Tanong ko sa kanya habang kumukuha din ng maraming Yellow na pillows sa cart.
“Woah! Ang dami naman niyan, malamang bumili.”Natawa ako sa sinabi niya. Habang tumatagal mas lalo ko siyang nakikilala. Ibang iba siya sa opisina at sa labas.
Ibang iba din siya kapag kaharap si Ben.
Saglit lang kaming nag usap ni Eros at humiwalay na din ng landas.
Sinulit ko buong araw ang page-enjoy kasama si Stefanos at pagtuturo kay Chryses sa rampa.
SUMAPIT ANG ARAW ng grand finals ni Chryses sa Binibining Pilipinas at nagulat ako ng isa si Eros sa judges.
“Anong trip ng kaibigan mo at binigyan ng bulaklak si Chryses?”Tanong ko sa kanya.
“Let them be.”Nakangisi niyang saad. Gumaling na din ang lapnos niya sa mukha na labis kong kinatuwa dahil sa wakas hindi ko na siya papaalahanan na uminom ng gamot tuwing umaga at gabi.
Madalas pa din silang dalawa mag paramdam sa text na minsan ko lang nire-replyan dahil nakatuon ako kay Stefanos kapag sa Bahay.
Madalas pa din ang pag aaway ng dalawa na hindi ko pa din alam kung bakit mainit ang dugo nila sa isa’t isa.
“Pauwi ka na ba?”Tanong niya.
“Yep.”Saad ko at sinukbit ang bag sa balikat.
“Ihahatid na kita.”Suggest niya. Nag day off talaga ako ngayong araw para sa grand finals ni Chryses.
“Huh? Wag na.”Pagtatangi ko.
“Nahihiya ka pa.. Isang buwan na tayong naguusap.”
“Nag uusap?”
Napakamot siya sa batok.
“I mean alam mo yung civil lang sa isa’t isa ganon.”
“Ahh.”Ani ko ng ma-gets ang ibig sabihin niya.
Wala na akong maisip na dahilan kaya pumayag ako.
“Nice.”Sinabayan niya ako sa paglalakad habang papunta sa parking lot.
“Hindi ka ba busy ngayon?”Tanong ko sa kanya.
“Hindi naman..”Tumango lang ako sa kanya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Napangiti ako.
Improving huh? Samantalang dati hindi niya ako pinag buksan plus sinungit sungitan pa ako.
Minsan nga naiisip ko na trip niya lang mag sungit sungitan sa akin dati kasi this past few days napapadalas na ang pagtawa at pag ngiti nito na parang yun talaga ang ugali nito.
“Thanks.” Sambit ko.
“You’re welcome.”Sabay kindat. Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagsuot ng seatbelt para hindi niya Makita ang pamumula ng pisngi ko.
“Anong address mo?”Tanong niya habang may pinipindot sa dashboard.
AKo ang nagtype ng address bago niya pinaandar ang sasakyan.
“Sikat ka pala a? Lalo na sa mga babae.”
Pagbu-bukas ko ng topic. Wala naman akong pinupunto na kung ano.
I’m just saying the fact.
Ngumisi siya at lumingon sa akin.
“What are you trying to say?”Natatawa niyang tanong at binalik ang tingin sa daan.
Kita? Tumatawa na siya!
“Wala, Sinabi ko lang ang Akward e haha.”Natawa siya sinabi ko at sumangayon. Nagiging Comfortable na ako sa kanya simula ng matapunan ko siya ng kape.
I've seen his different side that no can see.
ANIM NA BUWAN ang lumipas simula ng hinatid niya ako sa Apartment. Sa mga nakaraan na buwan dumami ang mga Client namin at halos hindi na kami makauwi sa sobrang daming Gawain.
Thanks God! Nalagpasan din namin yun. Naalala ko pa halos mawalan ako ng oras kay Stefanos,Buti nalang sobrang understanding ng Baby ko.
Lumipas na din ang Miss.Universe ni Chryses and she won, but after her winning She lost her love.
Nasasaktan ako para sa kanya tuwing naalala ko ang masakit na pangyayari sa kanila ni Huntley.
They both need to talk.
They need to know what really happened. Wala naman akong ibang magawa kundi sumuporta nalang kay Chryses kung saan siya masaya.
Sa loob ng anim na buwan wala pa ding tigil ang pag aaway at masamang tingin ni Ben at Eros sa isa’t isa. Hindi pa din sila nagkakasundo lalo na sa harapan ko.
I don’t know what’s with them.
Nasanay na ako na nagaaway sila lagi mas magugulat pa nga ako pag nakita kong hindi man lang sila nagaway ng isang araw.
The Ceo and the Chef really? Natatatawa nalang talaga ako pag nakikita ko silang ganon, Parang mga bata.
Eros starting to express his real personality in the company but of course hindi basta basta mawawala ang pagka masungit niya lalo kapag oras ng trabaho.
Maging ang mga kasama ko sa Department ko sanay na nakikita silang nag aaway. Hindi na bago sa kanila, Buti nga hindi ginagawang personal masyado ni Eros ang away nila ni Ben dahil hindi niya ito tinatanggal sa trabaho.
Lagi akong inaasar ng mga kasamahan ko sa dalawang lalaki na yun pero binabaliwala ko nalang,Hindi pa din kasi ako kumbinsido.
Hindi naman sila umamin sa akin pero yung mga nakapaligid sa akin tingin nila meron. Hindi ako basta bastang naniwala lalo na at iniisip ko pa din ang anak ko.
Six months in the company was really fun! The teamwork, The co-workers, The memories. Everything!
May naiipon na din ako mula sa mga sweldo ko. Nabibili ko na lahat ng gusto ni Stefanos at mga panga-ngailangan niya . Mas umayos ang pamumuhay namin dahil wala ng masyadong problema sa pera.
“Everyone! Pinapapunta tayo ni Mr.Eastaugffe sa conference room, May sasabihin daw siya.”Sigaw ng Ms.Josefina.
“Ano kayang sasabihi ni Sir? Meron ka bang alam Bridget?” NIlingon ko si Cris at tinaasan ng kilay.
“Bakit ako?”Ngumisi sila ni Ria.
“Malamang! Ikaw kaya ang pinaka-close ni Sir Dito sa kumpanya!”Sabi niya with a tone of’duh’
“Close lang kami sa labas ng opisina hindi sa loob ng opisina.”Saad ko at tumayo para tumungo sa conference room.
Naramdaman kong sumunod silang dalawa habang tumatawa, Mga siraulo talaga.. Maisingit lang talaga nila yung mga pangaasar nila.
Tinaasan ko ng kilay si Ben at Eros ng dumakoagad sa akin ang mata nila pagkapasok ko sa loob ng Conference area.. Mga siraulo..
Tumayo si Eros sa unahan habang nililibot ang mata sa amin.
“Magkakaron tayo ng paligsahan sa pagitan ng Kgroup para sa isang pinakamalaking event na mangyayari dito sa pilipinas ang grandball na dadayuhan ng malalaking tao at artista.”
Kgroup? Yung in-aplyan ko na walang pake sa may talento talaga, Puro backer ang nais.
Tahimik ang lahat na nakikinig.
“Kung sino ang manalo, Siya ang hahawak sa event na iyon. We need to win. Any question?”
Tanong niya.
Nagtaas ng kamay si Cris.
“Buong kompanya ba ang pupunta Sir?”Nilipat ko ang tingin kay Eros.
“Hindi, Kung sino lang ang nandito sa conference room including me ang pupunta.”Nilibot ko ang paningin kung ilan kami.
25 people.
“Ilang araw ba tayo Sir? Tapos kailan po ba gaganapin?”
Sa wakas may nagtanong din ng kanina pang tanong sa utak ko.
“Limang araw tayo sa isla then tommorow gaganapin.”Halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng bukas na iyon.
“What?”Hindi ko mapigilang mag kommento.
“Is there a problem Ms.Clamenza?”Ngumisi siya.
“N-o Sir.”
Shet! Pano si Stefanos?Ugh!
“The competition is like a survivor. We need to look for our own food,Bawal tayong magdala ng kahit anong uri ng pagkain o tubig man lang. I suggest na kumain at uminom na kayo ng marami pagu wi mukhang makakaranas kayo ng tag gutom sa susunod na mga araw.”Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya.
Feeling ko tuloy hindi ako makakapag relax doon kahit isla pa siya.
Napuno ng kaba nag expression ng mga kasama ko.Maging ang mga lalaki.
“We will leave exactly at 4AM in the morning, Dito sa kumpanya ang antayan. Kung sino ang ma-late matatanghal sa trabaho okay?Go home after this.. You need a lot of energy tomorrow.”
Ang aga naman bwiset!
Nauna akong lumabas sa Conference room at hinaklit ang briefcase. Sinigurado kong hindi ako makikita ni Eros at Ben dahil paniguradong magaaway uli yun kung sino ang maghahatid. Kaya ang nagiging strategy ko nitong mga nakaraang araw, Maaga akong umaalis.
Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ako ng Kumpanya ng mga walang asungot na humaharang. Sumakay ako ng jeep at dumaan muna sa Jollibee para bilhan si Stefanos.
Habang nasa byahe iniisip ko kung paano ako magpapaalam kay Stefanos.
“Mommy!”
“Yah! Bumibigat ka na ah?”Puna ko pagkabuhat ko sa kanya pagpasok ng apartment. Tumawa siya.
“I am!”Mayabang na sabi niya.
Pinangigilan ko ang pisngi niya at marahang kinagat kagat iyon.
“Haha Mommy! Staph!Staph!”Napahalakhak ako sa mga tawa niya.
GInawa ko muna ang lagi kong ginagawa bago tumungo kay Stefanos.
“Baby.. I have something to tell you.”Kinalabit ko ang maliit niyang braso para makuha ang atensyon niya na nasa mga laruan.
“What is it?”Tumingin siya sa akin.
“I need to leave tomorrow.”Panimula ko.
“I know, For work.”Pinisil ko ang pisngi niya.
“I’ll be gone for five days Baby.. Meron kaming trabaho sa malayo.. So it will take five days to come home.”Unti unting sumimangot ang mga labi niya.Lumamlam ang mata.
“Five days?”Nakasimangot na saad niya
“Yes, Five days.. Is it okay to you?”Lumabi siya.
“Will you comeback after that?”Paninigurado nito.
“Of course! Bakit hindi? You’re here..”malambing sabi ko at hinawakan ang maliit niyang daliri.
Natahimik siya. Pinagmamasdan ko ang expression niya.
“Okay.”Malungkot na sabi niya.
“If you don’t want, Hindi nalang sasama si Mommy.”Aniya ko sa kanya.
Lumiwanag ng konti ang mukha niya pero bumalik agad sa malungkot na expression.
“I would love to.. But you need to work hard for us.”Malungkot na bulong niya
“I know.”
Ilang oras din bago ko siya nakumbinsi ng maayos, Ako ang nag asikaso sa kanya dahil mamimiss ko ang batang ito. Ngayon lang kami magkakalayo ng ganto.
Nang makatulog siya sa bisig ko, dahan dahan ko siyang nilapag sa foam at nilabas ang maleta para sa mga dadalhin.
Puro comfortable na damit ang dinala ko dahil mukhang mahirap ata ang kompetisyon. Nagdala din ako ng first Aid Kit incase.
Nilagay ko sa pouch ang Toiletries ko.. Iniwan ko na ang mga Makeup dahil mukhang hindi naman magagamit yun.
Dinamihan ko din ang kain ng hapunan dahil natakot ako dun sa banta ni Eros, Baka nga wala talaga kaming kainin dun gosh!
Baka manungkit na ako ng mga isda sa dagat sa sobrang gutom ko don.