I did not know how to react. Halatang nagulat din si Johann. Hindi siya nakahuma agad. In fact, ako pa ang unang nakabawi. Hinila ko ang kamay ko na mahigpit niya pa ring hawak. Saka ako tumalikod at mabilis na pumunta sa naka-park kong sasakyan. I have no time to deal with Johann. Kailangan kong sundan si Sharlene at baka kung ano pa ang maisipang gawin ng babaeng iyon. Bahagya pang nahagip ng paningin ko ang papalabas na sa resort na bridal car. Kaya naman sumakay ako agad sa sasakyan ko. But to my surprise, as I was snapping my seatbelt on, someone opened my car's door. "Move," Johann said. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. "Pardon?" Baliw na ba siya? This is my car! "I said move to the passenger seat!" At tila siya pa ang iritable. "I'll drive." "Excuse me?"

