Three minutes later, hindi na maipinta ang mukha ko. Kahit ang pinakadalubhasa sa mundo ng art, mahihirapang intindihin ang emosyon ko. I just couldn't believe that Sharlene would withhold where she's going from me. 'Listen, Kate.' Umiiyak at panay ang singhot na sabi ni Sharlene. 'It's good that you're with Kuya now. Alam niya kung nasaan ang resthouse. Just go with him so you won't get lost. I badly need you, Kate!' At ngumawa pa siya. Hindi ko alam kung sinadya niyang 'wag sabihin sa akin kung saan. Ayaw kong magduda, pero nang malaman kasi niyang kasama ko ang Kuya niya, biglang nag-iba ang tono niya. So, how could I not assume na sinadya niya? Kahit sa sitwasyon niya, nagawa pa rin niyang siguruhing magkasama kami ni Johann. Akala yata niya ay matutuwa ako! But I couldn't str

