Tumapat ako sa salamin. Ikinusot ko ang mata ko at saka ngumiti ng pilit. “Medyo nahahalata ka na ah,” bulong ko sa sarili ko, habang hinahaplos ang tiyan. Naghanda ako ng isusuot—isang loose na off-white dress na hanggang tuhod lang, sakto lang para hindi mainit at hindi rin halata agad ang tiyan ko. Isinuklay ko ang buhok ko at itinali sa mababang ponytail. Naglagay ako ng konting lip tint at face powder. Wala akong balak gumanda para kay Kael Dominic Alveron. Pero gusto kong ayusin ang sarili ko para sa anak ko. Para sa sarili ko. Pagbaba ko, naroon na siya sa sala. Nakasuot ng maayos na long-sleeved polo na pinatungan ng coat, parang galing sa meeting. Pero ang nakapagtaka—wala siyang bitbit na laptop o briefcase. Nakatitig siya sa cellphone niya, pero agad ding tumayo nang makita

