Saphira’s POV Pagkapasok ko sa kwarto, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas. Nanginginig ang tuhod ko. Para akong nilubog sa tubig na malamig habang sunod-sunod ang hampas ng hangin. Ang bigat-bigat sa dibdib. Akala ko, makakatulong 'yung konting labas. Akala ko, kahit paano, matatahimik ang isip ko. Pero hindi pala. Lalo lang akong napagod. Lalo lang akong nasaktan. Pag-upo ko sa kama, saka ko lang napansin na basa na pala ang pisngi ko. Tahimik lang pala akong umiiyak buong oras. Hinubad ko ang sapatos. Isinabit ang bag sa likod ng pinto. Tapos tumayo lang ako sa gitna ng kwarto, parang wala sa sarili. Dahan-dahan akong humiga. Tumagilid. Yinakap ang sarili. Wala akong naririnig kundi ang t***k ng puso ko—mabilis, magulo, parang sasabog. Sa isip ko, paulit-ulit ang tanong:

